Chapter 25 Kinabukasan ay nagising ako na tahimik ang buong kabahayan. Walang sigawan at walang away mula kay Tiyo Isidro at Mama. Hindi ko rin narinig ang ingay mula kay Irish. Bahagya akong nanibago ngunit hinayaan ko na lang ‘yon. Dapat mas matuwa ako dahil magsisimula ang araw ko na walang nagagalit sa ‘kin. Na walang naninigaw sa ‘kin. At walang nagbabato ng masasamang salita sa ‘kin. Pero hindi ko pa rin maiwasang magtaka dahil bihira lang mangyari ang ganito. Nasaan kaya si Irish? Gising na ba siya? O baka katulad ng mga magulang ko ay mahimbing pa rin ang tulog niya? Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa aking higaan. Isinuot ko ang tsinelas ko bago ko iniligpit ang kumot na ginamit ko. Magaan ang pakiramdam ko ngayon dahil kusa akong nagising. Kadalasan kasi ay nagigising ako na

