Chapter 3

716 Words
Kampanti siyang sumandal sa upuan habang nakikinig ng maramdamang hindi mapakali ang kanyang katabi. "may problema po ba sa legs ko manong? inis niyang tanong. napansin niya ding naka tingin ito duon. ngumisi ang lalaki sa kanya sa halip na sagutin siya. "abat bastos ka ah! sigaw niya sa lalaki. naiinis na tumayo mula sa pag Kaka upo saka masamang tinginan ito. mas gugustuhin pa niyang tumayo kesa makatabi ang bastos na katulad nito.. inis na inis siya sa mga sandaling iyon. nahihiyang ibinaling nalang nito ang tingin sa labas ng bintana. "miss palit nalang tayo ng upuan.. ilang sandali palang siyang naka tayo nang may magsalitang lalaki sa likuran niya. nilingon niya ito.. halos kaidad niya lang din ito. matamis na nakangiti sa kanya. katabi nito ang isang ginang na tulog. lihim siyang natuwa. sa totoo lang ayaw naman talaga niyang nakatayo nalang hanggang sa makarating sa distinasyon niya. "salamat... nginitian niya ito saka umupo sa pwestong inalisan ng lalaki.. saka pa lamang siya naka hinga nang malalim. pagbaba nang bus saktong kararating lamang nila nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. nagmamadali siyang nag hanap nang masisilungan. may nakita siyang isang cafeteria na bukas kaya patakbo siyang lumapit habang hila ang mabigat na bag. "ate makikisilong lang po. aniya sa may ari nang cafeteria na nanduon. "sige lang ining.. bigla bigla nalang kasi itong ulan. saan kaba galing? tanong nitong sinipat siya mula ulo hanggang paa. "sa maynila ho! aniyang tugon. nginitian siya nito. pasado alas tres na ng hapon nang tumila ang malakas na ulan ay nag simula na siyang mag lakad. pwedi siyang kumuha nang tricycle na mag hahatid sa kanya papuntang sakayan papasok sa baryo nila kaso madodoble ang pamasahi niya. nasanay siyang nagtitipid at maglakad kaya pinili niyang lakarin nalang ang paradahan nang sakayan tutal hindi naman iyon ganon kalayo. nang biglang may mabilis na sasakyang tumatakbo. saktong nasa tapat siya nang lubak at umaapaw ng tubig gawa nang malakas na pag ulan kanina. walang prenong tinumbok iyon nang sasakyan at halos manigas siya sa kinatatayuan nang tumalsik lahat sa kanya ang tubig ulan mula duon. nag mistula siyang basang sisiw pag katapos. nakahalata siguro ang lulan ng sasakyan sa ginawa nito kaya huminto iyon sa may unahan. umuusok ang ilong ni Christa sa matinding galit na sinugod ang sasakyan at pinag sisipa ang gulong nito. kitang kita niya ang basang reflection mula sa tented window ng sasakyan kaya lalo siyang nangalaiti sa galit. Maya-maya bumukas ang bintana nang tented na sasakyan. tumambad sa kanyang ang gwapong mukha nang driver. saglit na para siyang itinulos sa kina tatayuan habang nakatitig sa gwapong mukha nito. hindi lang iyon Basta gwapo kundi subrang gwapo. ang tangos nang ilong nito na bumagay sa nangungusap na mga mata. tila inilubog siya sa kinatatayuan matapos maramdamang ang kakaibang kaba sa dibdib niya. for the first time sa buhay niya ay kinabahan siya sa harapan nang isang lalaki nang ganon ka tindi. at na blangko ang utak niya sa dapat niyang gawin habang walang anumang sinasalubong din nito ang mga titig niya. ilang sandali pa'y naiiling nitong isinara ulit ang tented na bintana at walang anumang pinatakbo. muling nainis ang dalaga nang mawala ito sa paningin niya. nakakainis sino ba iyun? takang tanong niya sa sarili. na muling itinuloy ang pag lalakad papuntang sakayan. christa ikaw na ba yan? tawag sa kanya ni Roland na agad kinuha ang bagahe niya. at isinakay ito sa pick up track na dala. nagulat din siya sa buzzer nito. kababata niya si Roland at kaklase nuong high school niya at isa sa nakaka Alam nang kanyang mapait na nakaraan. nag offer itong pakasalan siya sa kabilang nang pagiging disgrasyada dahil pagkatapos siyang gahasain nang kung sino ay nag bunga ang kahayupang ginawa sa kanya. gusto nitong bigyan nang pangalan ang kanyang anak. pero tinangihan niya ito dahil hindi kasal ang gamot sa madilim niyang nakaraan kundi hustisya. gusto niyang makulong at pagbayaran nang lalaking hindi manlang nakilala na lumapastangan sa kanya. ngayong apat na taon na ang nakalilipas gusto niyang mawalan nang pag asang mahuli pa ang lalaking iyun. bukod kasi na walang bakas sa pinangyarihan at walang tistigo isinara narin ang kaso. kaya siya ang hahanap sa lalaking bumaboy sa kanya. maniningil siya at kamatayan ang kabayaran nun. ???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD