"SALAMAT.... ani christa matapos alalayan ni Roland na sumakay sa pick up truck nito.
"buti nakita kita..sana pala tinawagan mo ako para nasundo ka.. galing din ako sa maynila at bumili ng mga spare parts para sa talyer ko.. may nangyari ba? nag aalala nitong tanong matapos siyang makitang basang basa.
"may bastos na lalaking gumawa sakin nito, alam mo malas ko talaga sa lugar nato.kung hindi lang dahil kila papa ayaw ko na reto. pagalit niyang tugon na kumuha ng panyo sa back pack at pinunasan ang sarili.
"gago yun ah..!! nakilala mo ba? sino siya? humanda sakin ang lalaking yun. pupulbusin ko siya.. galit na pagbabanta nito.
"hindi ko nakilala.. pero nakaganti ako sa kanya. sigurado nagasgas ko ang kotse niya sa lakas nang hampas ko. naiinis niyang tugon.
binuhay nito ang makina nang sasakyan at muling pina andar.
"ibig bang sabihin nito dito kana mag e stay? nakangiting tanong sa kanya na sinulyapan siya. sulyap na may pahiwatig sa kanya. dahil nauwi iyun sa titig.
"oo.. gusto ko dito mag apply nang trabaho.. tipid niyang tugon na hindi pinansin ang kakaibang titig nito sa kanya.
"si Tito leandro lang ba talaga at carl ang dahilan nang pagbabalik mo dito christa? kasi may nababasa ako sa mga mata mo. tanong nitong halos mawala sa konsentrasyon nito sa pagmamaneho dahil sa pagkakatitig sa kanya.
"wag mo siyang babanggitin dahil hindi ko gustong marinig ang panghalan niya...!!! bulyaw niya sa kaibigan.
nagulat ito sa pagtataas niya nang boses. hindi lingid kay roland na galit siya sa anak pero isa ito sa hindi sang ayun para sa pakikitungo niya kay carl. simula pag ka luwal niya reto wala na siyang pakialam sa bata. tanging ang papa niya ang nag alaga sa bata. may dahilan naman siyang hindi ito alagaan dahil nag aaral siya nang maynila pero kahit may time siya sinasadya niyang wag umuwi para lang hindi makita si carl.
kapag nakikita niya ito, naalala niya ang pangit niyang nakaraan. kaya hindng hindi niya magugustuhan ang batang yun.
"Christa oras na para tanggapin mo si carl. malaki na siya ngayon. may isip na marunong na mag tampo kaya kung pwedi wag mong pakitaan ng masama.
hindi niya mapigilang uminit ang ulo sa kaibigan.
"wag mo akong pangaralan roland. hindi mo alam ang pinag daanan ko. hindi mo alam ang kahihiyang inabot ko. galit niyang sabi na sinulyapan ito nang matalim.
narinig niyang bumuntong hininga ang binata.
"naiintindihan kita Christa pero walang kinalaman ang bata. hindi niya kasalanan. kung bakit nabuo siya sa sinapupunan mo kundi biktima din siya.
"ihinto mo ang sasakyan at bababa ako. galit niyang sabi. ayaw niya marinig pa ang sunod nitong sasabihin sa kanya dhil lalo lamang siyang naiinis.
hindi ito nag salit pero wala itong balak ihinto ang sasakyan. nagpapasalamat nalang siya at nanahimik na ito.
pag dating sa bahay agad nitong ibinaba ang kanyang bag. ito pa ang nag doorbell.
bumuntong hininga siya habang hinihintay na pag buksan sila ng mataas na gate. kung titingnan hindi mahahalatang naghihirap sila dahil sa ganda at malaking bahay na nakatirik sa gitna nang malawak na lupaing hitik sa bunga ng punong mangga. pero ang tutuo bahay nalang ang natira sa kanila.
"Christa.. gulat ang kanyang yaya lupe na tanging natira sa apat nilang maid. dahil wala nang ipapasweldo ang kanyang ama.
yumakap siya dito. para narin niya itong ina dahil simula pagkabata niya itong ang nag aruga sa kanya lalo na nang mga sandaling nag dadalantao siya. mas naramdaman niya ang pagmamahal nito sa kanya bilang isang anak kesa sa sariling ina na walang pakialam sa kanya. dahil mas inunan nito ang patuloy na pakikipag relasyon sa kasintahan nitong si ernesto villamore.
"mukang naabutan ka nang ulan. pambihirang bata ka dika manlang sumilong. puna kaagad nito sa kanya.. ganito ito mag alala sa kanya. pumasok ka narin Roland at makapag meryenda ka..baling sa kasama niya na kababata niya." saktong may niluto akong ginataang bilo bilo na paboreto mo.. pag aaya nito na inakbayan siya papasok.
"salamat manang naku paboreto ko din yun. natutuwang sabi. na kasunod nilang pumasok.
"sige ya.. bihis lang ako.
"sige.. biglang buhos Kasi tong ulan kanina. ikaw roland sumunod kana sakin sa kusina. baling nito muli sa kasama niya na welcome na welcome sa bahay nila.
hindi na lang siya sumagot na tinungo ang kwarto sa pangalawang palapag ng bahay.
tulad nang dati malinis iyon na laging inaayos nang kanyang yaya.
"anak.. christa.. bulalas ng ama na saktong kalalabas lang ng master bedroom. halatang na surprise ito dahil hindi namam niya sinabi na darating siya sa araw na iyun.
lumapit siya at yumakap sa mahal niyang ama.
"mag bibihis lang ako pa.. saka tayo mag usap. aniya.
nauunawaang tiningnan siya nito saka sininyasan siya.
naligo kaagad siya at nag bihis saka bumaba upang tunguhin ang kumidor.. nadatnan niyang masayang nag uusap ang kanyang ama at si roland. maliban Kasi na malapit si roland sa ama at close din ito sa anak niya.
tumukhim siya upang agawin ang atensiyon ng dalawa.
"halika dito anak napag uusapan namin ni roland ang tungkol sa kasal niyong dalawa. Alam mo Kasi malaki na si Carl at naghahanap na nang ama. naisip kung bagay kayo ni roland. nakatawang sabi nang kanyang ama dahilan para mahinto siya sa paglapit sa mga ito.
hindi niya nagustuhan ang sinabi nang ama. agad niyang pinukol ng masamang tingin si roland bago tinalikuran ang dalawa