Chapter 5
SINALUBONG SI DAVE NANG kanyang abuela sa veranda pag karating na pagkarating niya. kulang nalang ito ang mag bukas nang gate para sa kanya, halata ang sigla nito pagkakita sa kanya. ang kanyang Lola nalang ang natitirang dahilan sa pag uwi niya dahil lubusan na siyang ulila sa magulang. at nagpapasalamat siya duon.
si Lola Esmeralda ang ina nang kanyang ama. donya esmeralda ito kung tawagin sa san Sebastian sa kanilang lugar. mabait, at ibang iba sa malupit niyang ama. kung titingnan parang bata pa ito sa idad na seventy-eight dahil malakas parin. siguro dahil sa magandang klima sa probensiya.
yumakap siya reto at hinalikan ito sa pisnge.
"ang napaka gwapo kung apo salamat at bumalik kana nang hacienda abay na mimiss na kita. apat na taon Kang wala akala ko hindi na kita makikita bago ako pumanaw.. mangiyak ngiyak ito habang ginagantihan siya nang yakap.
"Lola hindi kapa mamatay kinausap ko na si san pedro na wag ka munang kunin sakin.. natatawang sabi niya sa abuela.
hinampas siya nito sa braso habang natatawa.
"puro ka kalukuhan apo. teka wala kabang kasamang girlfriend? tanong nito habang hinihila siya papasok sa luob nang kabahayan.
"wala sa plano kung magsama nang girlfriend dito la, gusto kung asikasuhin ang ashienda. tugon niya.
"kilan kaba magpapakasal apo, eh subrang lungkot dito sa mansiyon gusto kung may makitang nagtatakbo na bata dito sa luob nang bahay. isa pa thirty one kana. baka tumanda Kang binata niyan. nakasimangot nitong sabi sa kanya. kasalukuyan na silang paakyat nang hagdan patungo sa pangalawang palapag nang bahay.
nuon nakasalubong nila si Oliver at bihis na bihis halatang maylakad. anak ito nang kanyang tito Clinton na siyang nagpapatakbo nang villamore realty. isa sa kapatid nang kanyang ama.
"pano ba yan insan.. ikaw na muna ang bahala kay abuela tutal nandiyan kana. at ako naman may pupuntahan. alam mo na yun. tampal nito sa braso niya kasabay ang pag nakaw nang halik sa pisnge nang Lola nila.
Alam niyang nabalitaan nito ang pagdating niya.
"isa kapa Oliver palit ka ng palit ng babae kaya hanggang ngayun wala parin akung apo sa tuhod. pa bulyaw na sabi ni donya esmeralda.
"i love you la.. humahalakhak na sabi ni Oliver na ngayon ay palabas na nang pinto. kasunod nalamang nilang narinig ang papalayong ugong nang sasakyan.
"halikana nga apo ihatid mo muna ako sa kwarto ko.. marami akong kwento sayo sa mga nangyari dito pero alam kung pagud ka. kaya mag pahinga kana.. ipapatawag nalang kita may pat pag naluto ang paboreto mong sinigang sa kamyas.
"salamat la,
nang mapag isa sa kwarto ay naramdaman niya ang kahungkagan. binuksan niya ang bintana upang lumanghap ng sariwang hangin. mula sa kinatatayuan ay tanaw niya ang mansyon nang mga rodriguez. pamilya ng kinamumuhian niya at dahilan para mawala ang mommy niya, bigla ay naalala ang mukha ng babae kanina.
tama..
hindi pa natatapos ang paghihiganti niya. at may nabuo siyang plano para sa dalaga. plano dahilan para gumuhit ang kakaibang ngiti sa labi niya.