“A–Anong gusto ninyong kapalit, Sir Rowan? Sabihin n’yo at gagawin ko huwag n’yo lang ipagkalat sa campus ang tungkol sa ‘min ni Sir Orzon,” nakikiusap na sambit ko. Ngunit, tumawa nang malakas si Sir Rowan, dahilan upang kabahan ako. “You will do everything for me, Ms. Vivoree?” muling ngisi nito, sabay pasada sa akin ng nakalolokong tingin. Kaya, naman lalong lumakas ang kaba ko. “Ye–Yes, Sir Rowan,” muling lunok ko, kaya naman matamis itong ngumiti sa akin. “Are you sure about that, Ms. Vivoree?” ngisi na naman ni Sir Rowan sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay pinaglalaruan ako nito. Pero, gusto ko itong gawin dahil ayaw ko namang ipagkalat nito ang tungkol sa amin ni Orzon. “Yeah, I’m sure. Very sure.” Pilit na ngiti ang iginawad ko rito. Napatingin pa ako sa gawi ni Orzon at

