SAMANTALA, ay napansin ni Santiara na nakasentro sa kanya ang mga mata ng lalaki. He even smiled at her, kung kaya’t naiiwas niya ang mata na tumitig rito.
Umarko ang kaniyang kabilang kilay dahil, sa sumunod na ginawa nito. Gulat siya nang kinindatan siya ng lalaki na may ngiting nakakaloko. Namilog ang labi ni Santiara, pakiramdam niya ay tinayuan siya ng balahibo at kinilabutan sa mga sandaling iyon.
“Loko! May pagka-pilyo pala ang taong ‘to. Tsk! May girlfriend na nga, nagawa pa niyang makipaglandian!” naisatinig ng kaniyang isipan.
Iniwasan na rin niyang mapatingin sa puwesto ng dalawa at kumilos nang mabilis para hindi mapagalitan muli ng kanyang manager.
“Uy! Santiara. Puwede bang makisuyo?” may paglalambing ang boses na ani Ivory.
“Ano iyon?”
“Puwede bang ikaw na lang mag-overtime mamaya? Hindi ako puwede ngayon ei, alam mo na. Wa-walang mag-aalaga sa anak ko,”
Nakaramdam nang awa si Santiara, kaya pumayag na lamang siya sa hininging pabor ni Ivory. Total mag-isa na lamang siya sa buhay. Kahit mag-overtime ay wala namang naghihintay sa kanya.
“Walang problema. Ipaalam mo na lang kay, Sir!” nakangiting tugon niya.
Bigla siyang natuod ng yakapin siya ni Ivory. Nakakatuwa ito dahil na rin sa kakulitan ng huli.
“Maraming salamat ha? Magpapaalam ako kay, Sir mamaya.”
Kumalas mula sa pagyakap nito si Ivory bagay na ikinangiti niya rito. Dalagang ina si Ivory kung kaya’t naiintindihan niya ito.
Bumuntonghininga siya at saka pinuntahan niya ang bakanteng lamesa at nilinis iyon. Malapit ito sa pinagkainan ng dalawa bagay din upang hindi niya maiwasang maamoy ang pabango ng lalaki.
It’s addicted! A scent was very familiar to her. Katulad na katulad ito kay Jacob.
Napalunok siya sa sandaling naalala ang dating nobyo at nakaramdam nang lungkot. Nagui-guilty na naman siya at gusto na namang umiyak ang kaniyang mga mata.
Jacob's memories makes her paranoid. At hindi niya maiwasang sisihin ang sarili dahil sa nangyari rito.
Dahil sa kalutangan niya ay nakabunggo siya. Natapon sa damit ng taong nakabunggo niya ang nilalaman ng tray na hawak niya. Bumagsak sa sahig ang mga ito at nabasag. Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil natapon sa damit ng taong nabunggo niya ang iilang pagkain at nadumihan niya ito.
“Gosh!” rinig niyang pagsinghap ng babaeng nasa upuan.
Nanginginig ang mga kamay niya at natatarantang tinarapuhan ang damit nito.
“I-I’m sorry po, sorry po Sir!” magkasunod-sunod na paghingi niya ng pasensya at mabilis na kinuha ang tissue upang linisin ang nadumihang kasuotan nito.
“Stop it! It’s okay!” pagpapatigil ng lalaking nakabunggo niya.
Hindi niya magawang iangat ang kaniyang mukha dahil sa kahihiyan.
“Lance, are you okay?” Usisa ng babaeng kasama nito.
Doon lamang siya nagtaas ng mukha nang maramdaman niyang hinawakan ng lalaki ang kaniyang kamay upang ilayo ito sa damit nito. Her eyes want to tear while biting her lower lips.
Patay na naman siya sa kanilang manager. Uusok na naman ilong niyon panigurado.
“Pa-pasensya na po. Hindi ko sinadya, sir, nadumihan ko tuloy ang damit ninyo.”
“Its okay,” muling tipid nitong sagot sa kanya.
Ramdam niya ang matalim na pagtitig sa kanya ng babaeng kasama nito na kulang na lamang ay tutunawin na siya sa sobrang sama.
“Iza! Tara na,” sambit ng lalaki at nauna itong humakbang papalabas.
Dinaanan siya ng babae at sinadyang binunggo ang kaniyang balikat dahilan upang siya ay mapaatras. Kaagad niyang pinulot ang mga nakakalat at saka sinundan ng mata ang nakatalikod na lalaki. Bigla siyang napangiwi dahil nahawakan niya ang bubog at dahilan iyon ng pagkasugat niya.
“Aw! Sh*t!” naimura niya at kaagad na sinipsip ang sariling dugo.
Itinapon ni Santiara sa basurahan ang mga nabasag na gamit. Mabuti na lamang ay wala sa mga oras na iyon ang sipsip nilang kasama. Dahil, kung nagkataon ay tuluyan na siyang masisante.
“Hayst! Santiara. Iwanan mo ang personal na emosyon sa oras ng trabaho!” naisaway niya sa sarili at saka napahilamos ng mukha.
Nasa loob siya ng comfort room sa mga oras na iyon dahil breaktime na nila. Ilang minuto rin ang itinagal niya sa loob bago niya napagpasyahang lumabas. Nadatnan niya sa labas si Ivory, na mukhang malungkot at tila galing ito sa pag-iyak.
“Ivory?” tawag niya rito.
Kaagad pinahiran ni Ivory ang kaniyang mga luha at saka ngumiti sa kanya nang tipid.
“Ayos ka lang?” usisa niya rito.
Tumango ang kaharap, ngumiti ito ng bahagya at saka nagpaalam na aalis na. Hinayaan niya ito na pumasok sa loob ng comfort room. Ramdam niya ang mabigat na pakiramdam ni Ivory. Bumuntonghininga na lamang siya saka umalis roon.
MADALING araw na nang makauwi si Santiara. Antok na antok na siya at buong katawan niya ay pagod. Panay na rin ang hikab niya habang naglalakad. Pasalamat na lamang siya dahil walang mga tambay sa daan. Pagdating niya sa tinutuluyang apartment ay basta na lamang niya ibinagsak ang katawan dahil sa sobrang pagod at papikit na ang kaniyang mga mata..
Kinabukasan ay tinanghali siya nang gising. Mabuti na lamang dahil araw ng linggo kung kaya’t hindi siya nabahala kahit tinanghali siya ng gising. Nagpasya siyang bumangon para maglinis din ng katawan. Pagkatapos niyang maligo at makapagplit ng damit ay binuksan niya ang kanyang mini ref. Ngunit, pagbukas niya ay naubusan siya ng uulamin nang silipin ang laman niyon.
“Hayst! Ayaw ko ng mag-noodles. Mababawasan na naman ang ipon ko kapag mag-groceries ako,”
Sinara niya ulit ang ref at saka hinalungkat ang tinago niyang piggy bank. Medyo may kabigatan na ito kung kaya’t nagdadalawang isip siyang buksan ito.
“Wala na akong pera, piggy. Pasensya na talaga. Ibabalik din kita kapag sasahod ako sa susunod na linggo,” naiiyak niyang sabi at kausap ay ang pink na alkansya.
Pikit-mata na lamang niya itong tinastas ng blade cutter at saka nagdahan-dahan na iminulat ang kaniyang mga mata. Binilang niya ito at may ngiti sa labing niyakap ang naipon. Mahigit limang libo na ito at sakto na sa kanyang pang-groceries.
SA SuperMarket siya nagpunta. Tulak-tulak ang cart at pinamili ang gusto niyang kainin hanggang sa mapadaan siya sa Mall Advertisement kung saan inilabas ang malaking picture ni Maximir Westeria, isang former international model sa buong Asia. Matagal na niya itong hinahangaan kung kaya’t nanghuhumaling na naman siya at nanlaway.
“Perfect smile, Maximir! Naririnig ko ang boses mo. Jusme! Kahit signature lang, okay na ako.”
Nakatitig siya sa malaking portrait nito habang nakangiti. Ilang minuto na rin niyang tinitigan ang malaking imahe ni Maximir, at saka niya naisipang magtungo sa counter upang ipa-check sa cashier ang pinamili niya, ngunit bigla na lamang siyang nagulat dahil may humatak sa kaniyang kamay bagay na ikinayakap niya rito dahil medyo malakas ang impact ng paghatak nito sa kanya.
Nanlaki na lamang ang kaniyang bilugang mga mata nang ninakawan siya nang halik ng estranghero. Natuod siya mula sa kinatatayuan at hindi na niya magawang ikilos ang kaniyang katawan dahil sa gulat.
“Stay still please! Babarilin nila ako,” pabulong na pakiusap ng lalaki matapos siya nitong mahalikan.
Sinundan niya ng mata ang mga kalalakihan na tyansa niya ay ang lalaki ang habol ng mga ito. Mabilis niya itong itinulak bagay na ikinatanggal ng cap na suot ng lalaki. Ngunit, ganun na lamang din ang paglaglag ng kaniyang panga dahil sa namukhaan niya ito. Para siyang hihimatayin dahil sa nakita. Dahil, ang lalaking nasa malaking screen at kaharap ngayon ay iisa.
“Ma-Maximir?” naisambit niya dahilan para itago maigi ng lalaki ang mukha nito.
“Seems you know me. I’m so sorry for what I did, Miss. Gusto ko lang makatakas, kaya sorry talaga!” magkasunod-sunod na paghingi ng tawad sa kanya ng lalaki.
Hindi kaagad siya nakakibo ngunit, naramdaman na lamang niya ang paghatak ng lalaki sa cart.
“I insist! Tulungan na kita at ako na ang magbabayad nitong mga pinamili mo, kung totoosin kulang itong ginawa kong pagtulong sa kahihiyang nagawa ko,” buong ani Maximir.
“Huwag na! May pera naman ako,” pagtanggi kaagad niya at malakas ang pagkabog ng puso niyang tinulak ang cart.
Nagpumilit ang lalaki. Inagaw nito mula sa kanya ang cart at niisang hatak ang kamay niya at hinigpitan ang paghawak nito. Kinaladkad siya bagay na hindi niya napaghandaan.
“Huwag matigas ang ulo, Miss! Sige na. Baka mamatay ako sa konsensya dahil sa ginawa ko sayo. Bilang kabayaran. . . ihahatid na rin kita at ipagluluto,”
“Ano? Teka-teka! Hindi naman kita sinisingil ah!” angal niya at nahintakutan bigla.
Huminto mula sa paghatak sa kanya ang lalaki at saka siya nito ningitian ng ubod-tamis.
“Kaya nga, nakokonsensya kasi ako. Kaya sana, hayaan mo akong bumawi, please,” pag-puppy eyes nitong sabi.
Napalunok na lamang ng laway si Santiara. Hindi na lamang siya umimik dahil mukhang harmless naman ito.
“Sige,” tanging aniya bagay na ikinalawak ng ngiti ni Maximir.
Sa mga sandaling iyon ay tinakasan ni Maximir ang kanyang manager. He want freedom at mukhang dadalasan na lamang niya ang mag-disguise para makasalamuha ang ibang tao.