SANDALING nagpalit ng maisusuot niya si Lancelotte at pagkatapos ay isinama niya si Merliza. Palihim na nagtagis ang panga niya dahil kay Bernard Westeria dahil, naroon din ito kasama ang chairperson at ang apat na kleyente.
Nag-set ng appointment ang chairperson dahil, sa gusto ng board of directors na makita ang wine residential. Ang mapuntahan nila ito.
“Good Morning! Mister Chairman,” bati ng chairperson sa kanya.
He was the chairman and a president into his company. Siya rin ang gumagawa ng sarili niyang winery in town at kilala bilang bigatin at batang bilyonaryo.
He node moves forward without taking a smile.
Naging seryoso lamang siya at pinakiramdam si Merliza.
“Hindi ko inaakala na nandito ka rin, Miss Smith. Tamang-tama! Dahil, kailangan rin ang presensya mo,” pagpapatuloy ng chairperson at saka inalalayan ang board of director na si Bernard Westeria.
Ngumiti rito si Merliza bagay na hindi nakaligtas kay Lancelotte ang kakaibang kislap ng mga mata ng dalaga.
“Actually yes! We have lunch after the meeting,” kaagad na sagot ni Merliza.
Napangiti ang chairperson at si Bernard naman ay napangisi at nagawang magbiro bagay upang magtangis ang panga ng binata.
“You two look good together. Nasa tamang edad na. Why don’t you publicize your relationship?”
Pinamulahan ng mukha si Merliza bagay na ikinabulong-bulongan ng ibang kasamahan ng kanyang tiyuhin. Hindi na hinintay pa ni Lancelotte na lumawak pa ang usapan kung kaya’t inamin nito ang totoo.
“We don’t date. Walang kami, Mister Director. She is just a sister to me,” harap-harapan kung itanggi ni Lancelotte ang paniniwala ni Bernard bagay para mabura ang ngiti sa labi ni Merliza at saka ito pumeke ng ngiti.
“Well, the more you deny it, the more they'll notice.”
Natawa na lamang si Lancelotte sa sinabi ni Bernard at pagsasawalang bahala niya ito.
Sa Residential Cellar Wine sila nagtungo dahil, iyon ang gustong puntahan ng chairperson. Isang tagong lugar kung saan ang kuwartong puro alak ang nilalaman na nagmula pa sa iba't-ibang panig ng bansa. Namangha ang mga ito sa nakita ng kanilang mga mata. Ang malawak, organizado na wine refrigerator na nakatago nang limang taon ang nakalipas.
Lance, smiling accompany them. Tila isa siyang celebrity hunk sa matamis niyang tipid na ngiti. Mas lalong lumamang ang ayos niya sa suot na Trench Coat at hindi maiwasang mapatitig dito si Merliza.
“Ladies and gentleman! I introduce to you the most popular and expensive wine in the world. . . Domaine Leroy Musigny Grand Cru, Côte de Nuits, from France,” nakangising saad niya bagay na ikinamangha ng mga kasamahan niya at saka nagkatinginan sa isa't isa ang mga ito.
“Mr. Smith! You have a good taste! No Wonder, Mr. Jones choose you to manage this huge company,” anang babae na nakasuot ng Sheath Dress na tiyansa niya ay na sa Mid of 40's ito.
He just smiled back, binuksan niya ang hawak na alak at ikilos ito upang hikayatin ang mga kasamahan. Kinuha niya ang mga glass wine mula sa glass holder at isinalin iyon isa-isa.
“He’s a good man. A father I should be proud,” nakangiting tipid niyang aniya saka nagpatuloy.
“This is a $100 bottle I’ve been saving!” he boasts, as he carefully pours each person around the table a small glass.
“Wow! Such a great Sollimmer. I bet, many investor will invest in this, Mr. Smith!” namanghang sabi ni Bernard Westeria ang lalaking nakasuot ng Champagne Suit.
Ngumiti dito si Lancelotte at hindi pinapahalatang naiinis sa kaplastikan ng matanda.
“Thank you for the compliment, Mr. Bernard Westeria. Hindi sa pagmamayabang. Top list sa pinakasikat at pinamasarap ang mga alak na inilalabas ng pabrika ko,” aniya at saka ngumiting nakakaloko.
Natatakam naman ang ibang kleyenteng matikman ang alak na isinalin. In eager anticipation, he raises the glass to his lips and smells it.
“Come everyone! And enjoy to taste it!” alok niya sa mga ito.
He proceeds to give the wine a wee taste. It’s utterly delicious, and makes a $10 bottle taste like battery acid in comparison.
Makalipas ang ilang oras na paglilibot sa Residential Cellar ay masayang-masayang nakipagkamay ang isang babae na nagpakilalang Icy Sanchez, isang bigtime na nagmamay-ari sa isang sikat na Nightclub kung saan puro mga mayayaman ang pumapasok. And she wants to invest in Lance’s winery.
“You show us, how delicate you are Mister Smith. Hindi aabot sa ganito ang kompanya mo kung naging pabaya ka. And I’m happy to be one of your investor,” Misis Sanchez utter amazement.
Tinanggap ng walang pag-atubili ni Lancelotte ang kamay ng babae at saka ngumiti rito.
“My pleasure Madam, thank you!” nakangiting tugon niya.
Alam niyang sa mga oras na ito ay ngumitngit sa galit at inggit si Bernard Westeria. And he doesn’t care, kung ilang beses nitong sinasabotahe ang produkto niya. After all, alam niya ang galawan nito.
“Thank you! I hope you enjoy this simple visit!” dagdag niya.
Ngumiti ang babae at wala ng nagawa pa dahil, bumitaw si Lancelotte mula sa pakikipagkamay nito.
“Thank you! Mister Chairman. We have to go!” paalam sa kanya ng chairperson.
Isang pagtango lamang ang kaniyang ibinigay sa mga ito at saka isa-isang nagpaalam ang mga ka-appointment niya.
He let out a sigh.
Naiwan na lamang silang dalawa ni Merliza nang lingunin niya ito.
“Where do you want to eat? My treat!”
Bumilog ang labi ni Merliza ngunit, kalaunan ay napangiti rin.
“Sure! Hindi ako tatanggi, Lance. Sa Cueshe Greek Food Restaurant tayo kakain. I like their specialties dish,”
“Akin na ang susi. Dinala ni Mister Asero ang sasakyan ko kaya iyong kotse mo na lang gagamitin natin,” Lance smiling response.
Lumiwanag ang mukha ni Merliza at may ngiti sa labi niya ng inabot sa binata ang susi.
Sa Restaurant siya dinala ni Merliza, kung saan matatagpuan niyang muli ang babaeng tila pamilyar sa kaniya ang mukha. Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ng pinto ang dalaga.
“Lets go,” sambit ni Merliza sabay pulupot nito ng yakap sa kaniyang braso.
Hinayaan niya ang dalaga sa ginagawa nito. Ngunit, hinahanap naman niya ng mata ang babaeng kausap noon ni Mister Asero.
NASA kalagitnaan nang paglilinis sa lamesa si Santiara nang mapatingin siya sa labas. Sakto at nahagip ng kaniyang mga mata ang pamilyar na sasakyan. Ngunit, halos malaglag ang panga niya mula ng lumabas mula roon ang lalaking kasama ng matandang nakausap niya noon.
Awtomatiko siyang napatalikod at agad-agad na tinapos ang ginagawang paglilinis. Nahihiya pa naman siya dahil, sa katangahang nagawa niya noong huli.
“Okay ka lang?” Tanong sa kanya ni Ivory.
Ngumiti lamang siya rito, humakbang siya paalis patungong kitchen. Bahagya siyang sumilip at nakita niyang naupo sa unahan ang dalawa.
“Anong tinitingnan mo riyan, Miss Marasigan? Aba! Kilos na at marami pa tayong trabaho!” paasik na naisaway sa kanya ng kasamahan niya.
Ngumiti siya rito at naiyuko ang ulo ng nagtungo sa Service area.
“Miss Marasigan, table 10 daw!” Sambit in Ivory.
Natigilan siya at pinanlakihan niya ng mata ang kasama ngunit, ngumisi lamang ito sa kanya. Humugot siya nang malalim na buntonghininga at saka naglakas loob na humakbang patungo sa dalawa.
Kinakabahan man siya sa hindi niya maintindihan kung bakit ngunit, pinapangako niya na sa sariling hindi na mauulit ang nangyari. Ayaw niyang matanggal sa trabaho.
“Good morning Ma'am and Sir. Can I have your order?” nakangiting tanong niya sa babae at sinadyang huwag ipakita ang mukha sa lalaking kasama ng magandang babae.
“Ano ba ang best specialties food ninyo rito?” tanong ng binata bagay na ikinapigil niyang huminga nang harapan niya ito.
Kalaunan ay nagawa niyang sagutin ito.
“Moussaka is one of our most famous Greek dishes, Sir!”
“I want it! Lance.”
Kaagad na nag-iwas ng mata si Santiara nang mgkatitigan sila ng lalaki. At sa wakas ay nag-order ito ng dalawa at iba pang mga pagkain.
Nagpakawala siya ng hangin dahil, sa malagkit na tingin ng lalaki na akala mo ei, ang laki-laki na ng kanyang kasalanan nagawa rito.
“Ang gwapo niya. Hayst! Kung ganyan lang ka-pogi ng lalaking magkakagusto sa akin. Hinding-hindi ko talaga papakawalan,” nabosesan niyang sabi ni Ivory.
“Sus! Akala mo naman maganda mga budhi nila. Aanhin mo kagwapuhan niyon kung sa ugali, ligwak na!”
Natawa si Ivory ngunit, mas nanaig ang pagmangha nito.
“Pak na pak ang gaya niya Santiara. Teka lang—ang bitter mo ah? Na-broken ka na ba?” pang-aasar nito.
Natahimik si Santiara, bumalatay sa mukha niya ang pait at pangulila bagay na ikinangisi ni Ivory at kaagad na iniba ang usapan.
“Infairness ha? Maganda at mukhang sopistikada ’yung babaeng kasama niya. Baka, girlfriend niya rin ’di ba?”
Napailing na lamang si Santiara at natatawa rito.
“Hayaan muna sila, at baka mamaya niyan, isipin nilang mga echosera tayong dalawa.”
Bumanghalit ng tawa si Ivory at sumang-ayon din kalaunan at saka tumigil mula sa pagpapantasya.