CHAPTER 4

1367 Words
MARIING minasahe ni Lancelotte ang kaniyang ibabang labi. A smirked smile form on his lips, matapos niyang maalala ang reaksyon ng babaeng iyon ay sumilay sa gilid ng labi niya ang tipid na ngiti na kanina pa hindi mawala-wala. Sa totoo lamang ay ini-enjoy niya itong tingnan kanina lalo na nang ngumuso pa ito at saktong nakatingin siya. Bigla ay napahalakhak siya kung kaya’t natigil mula sa pagmamaneho si Mister Asero na may pagtatakang tingin na nilingunan siya nito. “Why did you stop? Sige na, don't mind me!” utos niya bagay na ikinaling ng matanda na may pilyong ngisi sa labi. “Gutom lamang iyan, Lance. Para sayo talaga iyang mga naka-supot. Tikman mo, masarap at hindi ka magsisisi niyan,” sabi ni Mister Asero bagay upang mapunta ang tingin niya sa dalawang nakabalot. His brow automatically arc. Naalala niya na ang babaeng iyon ang may bitbit ng mga ito kanina. “Really huh? Kapag hindi ko nagustuhan ang lasa, hindi na kayo puwedeng bumalik doon. Sa iba na tayo mag o-order,” hamon niya rito bagay na ikinatango ng matanda ’tsaka ngumisi ng nakakaloko. “Tikman mo, saka mo sasabihin ang bagay na hindi mo nagustuhan,” tugon ni Mister Asero habang nagmamaneho. Nang buksan ni Lancelotte ang paperbag ay tumambad sa kaniya ang nakakatakam na special gyros pita. He knew it. Dahil minsan niya itong natikman, noong dinalhan siya ng makakain ni Merliza sa kanyang opisina. “Well, not bad!” komento niya at saka tinikman ito. Napapailing na napangiti si Mister Asero bago nagpatuloy sa pagmamaneho. “Oo nga at sa sobrang sarap ay nakaubos ka ng isa,” nakangising anito. “Do you know her? Seems she looks so familiar to me. Saan ko nga ba siya nakita?” nakunot-noo niyang tanong. “Siya ang babaeng kamutik kong masagasaan,” naisagot sa kanya ni Mister Asero. Kunot-noo, tila nakulangan si Lancelotte sa impormasyon na iyon ng matanda. Dumekwatro siya ng upo bago niya kinulikot ang kanyang cellphone. “What is her name? Do you have her number?” magkasunod-sunod niyang naitanong dito. Pagak na natawa ang matanda at saka umiling din. “Sa katunayan, hindi ko alam. Hindi ko rin inalam, pasensya na,” pagsinungaling naitugon ni Mister Asero. Nahinto sa ginagawa si Lancelotte at saka padabog na inilapag sa ibabaw ng upuan ang hawak na cellphone. He robe his lower lips and biten it. He attached into things he want to know, at iyon ay alamin kung sino ang babaeng iyon. “Naku! Umaandar na naman iyang pagka-pilyo ninyo. Huwag mong sabihin ay interesado ka sa kaniya?” Usisa ng matanda. Napangiti lamang si Lancelotte bago ginawang pang unan ang mga braso ng sumandal ito sa kinauupuan. “Just drive, Mister Asero. I'll just want to know her, that's it!” nakapikit-matang aniya bagay upang matawa ang matanda. Pinark ni Mister Asero sa parking area ang sasakyan nang makarating sila sa kompanya. Pagbaba niya ay naiwan sa labas ang matanda dahil may asikasuhin ito. Bahagyang inayos ni Lancelotte ang colar ng kaniyang suot na white long sleeve at sandali siyang natigil mula sa paghakbang ng tumunog ang kanyang cellphone na nasa bulsa ng suot niyang Navy blue trousers. Ang kaibigan niyang si Bryant ang naka-display sa screen ng kanyang cellphone matapos itong pagmasdan. He swipe the answer key and smirk smile. “What is it, Engineer?” He teased. “Loko! I'll celebrate my birthday tomorrow at night. Exactly 7 in the evening, kailangan dumating ka na Lance,” paalala ng kanyang kausap. He smirk moves forward while his left hand was in the pocket of his pants. “Tss! Kailan ba ako nag-absent sa party na ginagawa mo, Mister Ocampo? Bukas pa ’yon. So don’t be paranoid! Daig mo pa si Merliza niyan,” mapang-aasar ani Lancelotte sa kaibigan bagay na ikinaasik ng kausap nito sa kabilang linya. Binabaan niya ito ng tawag at muling ibinulsa ang kanyang cellphone. Si Bryant Leigh Ocampo, isang sikat na Engineer at nagmamay-ari sa pinakamalaking Engineering Firm sa Davao. Nagkakilala sila dahil, kay Jacob at naging magkaibigan din simula noon. “Good morning! Mister President!” nakangiting pagbati sa kanya ng babaeng sekretarya niya. “Good morning! Miss Sandoval,” seryoso ang mukhang bati niya rito pabalik. Nakasunod sa kanya papasok ng opisina niya ang babae bagay upang lingunin niya ito at usisain. “What’s my schedule for today? Does you already finished your Annual report?” “Yes, Mister President. Actually, kahapon ko pa po naipasa sa lamesa niyo. And for your today schedule—the chairperson set an appointment with you. Later before lunch!” malumanay na sagot ng kanyang sekretarya. Bahagyang nagkasalubong ang makakapal na kilay ni Lancotte. “Thank you!” tanging aniya saka tuluyang pumasok sa loob ng kaniyang opisina. “You can leave.” He sighed. Tambak ang kinakaharap niyang trabaho. Binuklat niya ang annual firm report. An annual report for a comprehensive report on a company's activities throughout the preceding year. Tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng lamesa niya. Nang sulyapan niya ito, pangalan kaagad ni Merliza ang rumehistro. He drop the document and heaved a sighed before answer Merliza’s call. “Hey,” sagot niya. “Hi! Have you lunch? May dinala kasi akong pagkain para sayo. Dadaan ako sa office mo, after my duty!” Merliza said in the other line. “Thanks, Iza. But I have an appointment with the Chairperson before lunch,” agad naitugon ni Lancelotte. Nang natahimik ang kabilang linya ay tumayo mula sa kinauupuan niya si Lancelotte saka nahilot ang kaniyang batok. “Merliza,” naisambit niya bago nagpatuloy. “Kung gusto mo, sumabay ka na rin sa akin, para sabay tayong kakain after the appointment,” napilitang pagyaya niya rito. “Sure! I’m on my way, hihintayin kita sa lobby, okay?” anito saka siya binabaan ng tawag. He let out a deep sighed. Hindi niya magawang tanggihan si Merliza lalo na at madali itong magtampo. Ayaw niya rin pabayaan ito kahit sumosobra na. Nagdesisyon siyang lumabas ng kaniyang opisina at tinungo ang rooftop management upang makahinga nang maluwag. May dalawang oras pa naman bago siya makipag-usap sa Chairperson. Hinayaan niyang pagsawaan ng kaniyang mga mata ang mataas na mga gusali na katapat ng kompanya niya. Naibulsa niya ang kaniyang magkabilang kamay at saka bumuntonghininga. He made a promised to Mister Smith. Na aalagaan niya si Merliza at hindi ito pababayaan. “Nasa lobby si Merliza, mukhang ikaw ang hinihintay niya. Kanina na rin dumating ang chairperson at ang direktor of board!” boses ni Mister Asero na nakalapit sa kanya ito. Sumunod ito sa kanya nang mamataan siyang umakyat. “Okay,” tanging naitugon ni Lancelotte at hinarap ang kausap. “Mauna kana umuwi Mister Asero. Sasabay ako kay Merliza,” utos niya rito. Tumango sa kanya ang matanda bago ito tumalikod at umalis. Humakbang pababa si Lancelotte at tinungo ang lobby kung saan naghihintay si Merliza. Sinilip niya ito at nakita niyang may bitbit itong maliit na box. Mas umangat ang maputing kutis nito dahil sa suot nitong red dress na pinatungan ng manipis na jacket. Humakbang siya papalapit dito at saka ito ningitian din. “Hey! Akala ko mamaya ka pa.” “Gutom na ako ei. So, let’s eat first?” “Maybe later, may 3 minutes na lang at magsisimula na ang meeting ko with the board,” sagot ni Lancelotte at bahagyang tinitigan ang pambisig relo. Nawala ang ngiti sa labi ni Merliza at pinalitan iyon ng inis ngunit ngumiti rin kalaunan. “It’s okay. Hihintayin na lang kita hanggang sa matapos ka.” Tumango bilang pagtugon si Lancelotte at ilang sandali lamang ay lumapit ang kanyang sekretarya upang sabihin sa kanya na dumating na ang mga board members maging ang board of director. Sumabay sa kanya si Merliza at wala na siyang nagawa pa kundi hayaan ito. Kailangan niya rin ang presensya ni Merliza sa mga oras na ito. Kung totoosin ito talaga ang mas may karapatan sa mga hawak niyang shares at pag-aari ngayon. Si Merliza ang anak ng taong nagbigay sa kanya ng bagong pag-asang mabuhay. Utang na loob niya kung ano ang narating niya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD