NADATNAN ni Lancelotte ang tahimik na bahay. Wala doon si Santiara, bagay na ikinahagod niya sa ibabang labi saka nakapamewang na iginala ang paningin sa paligid. Kaagad siyang nagpasyang umuwi sa kadahilanang pag-alis ni Santiara. Iniwan niya kay Mister Asero ang pakikipagkita sa matanda at nagpaalam dito na mauunang bumalik dahil may emergency siyang gagawin. Napasulyap siya sa kanyang pambisig relo habang naka-kunot-noo. Past 6 pm na ngunit, hindi pa rin nakakabalik si Santiara. Nagkasalubong ang kilay na bumuga ng hangin si Lance, nakaramdam na naman siya ng inis sa sarili dahil sa hindi niya naintindihan ang sarili. Naging padalos-dalos siya. “She is just a servant, Lance. Why the h*ll you care for her,” pangungumbinsi niya sa sarili saka naupo sa couch at muling tatayo na naman.

