KINABUKASAN, maagang naglinis sa loob ng bahay si Santiara, nagluto din siya ng pang-almusal ng kanyang boss. Habang tulog si Lancelotte ay kailangan niyang gawin ang paglilinis ng bahay upang iwasan ito at hindi makakasalubong. Para bang wala na siyang mukhang maihaharap sa amo dahil, sa kapapabayaan niya. Wala sa mga sandaling iyon si Mister Asero nang hanapin niya. Dahil, nasanay siyang kasabay ito minsan tuwing umaga. Sa mga sandaling iyon ay nasa labas siya at abala sa paglilinis ng bintana bagay na ikinagulat niya. Bumaba ng hagdan si Lancelotte at nakapagligo na ito saka nakapagpalit na rin ng damit. Suot nito ang formal gray Tull sleeves blazer with black shirt inside, habang seryoso ang mga mata nitong tumingin sa kinaroroonan niya. Kinabahan siya at hindi na alam ang gagawin

