Dalawang araw na rin pero hindi umuwi sa Lancelotte sa bahay nito kung kaya’t humaba ang nguso ni Santiara nang matitigan ang malaking portrait ni Lancelotte sa library nito. Kasalukuyan siyang naglilinis sa mga oras na iyon at mabuti na lamang ay hinayaan siya ni Mister Asero. “Sus! Makaporma daig mo pa si Tom Cruise, pero mas pogi ka lang dun ng kaunti. Tch! Bakit ka nga ba hindi pa umuuwi ha? Sigurado, nambabae ka na naman. Nakaka-turn off ka.” “Sa akin lang ha? Hindi na dapat pinapansin ang gaya mo, at dapat lang na iwasan ka. Bukod kasi sa babaero ka, ay may atribidang umaaligid sayo!” naisatinig niya habang nililinis ang lamesita. “Hayst! Kahit mag-isa ako noon sa bahay. Hindi ganito kalala ang nararamdaman ko, ang ma-boring lang at tutunganga,” patuloy niya. Hindi natuloy ang pa

