SAMANTALA, patamad na hinubad ni Merliza, ang plastic surgeon gloves na suot ng kaniyang mga kamay. Pagkatapos niya sa gawain ay, ganun na lamang ang pagkunot-noo niya nang bumukas ang pintuan ng kanyang opisina at pumasok mula roon ang nurse assistant niyang si Bea. “Doktora, may pasyente po sa E.R, kayo po ang hinahanap, ayaw daw niya pong magpagamot kapag hindi ikaw gagamot sa kaniya,” nakayukong anito. Nagkasalubong lalo ang kaniyang mga kilay at patamad na tinitigan ang kaharap. “Sabihan mong pagod ako,” “Sige po doktora, aalis na po ako.” Paalam nito saka siya tinalikuran. Nagpakawala nang malalim na buntonghininga si Merliza dahil gusto na niyang makaidlip kahit sandali lamang. Inaatok pa naman siya dahil, wala siyang maayos na tulog kakaisip kung ano ang koneksyon ni Lancelott

