"I'M probably in love with Cleo."
Kung nagulat man si Strike sa hinayag ng kaibigan niyang si Kraige ay hindi niya 'yon pinahalata. Dahan-dahan niyang nilapag sa bar counter ang baso ng alak niya. Tumikhim siya. "Follow your heart, Kraige."
Siya, si Kraige at si Cleo ay magkababata at matalik na magkakaibigan. Nalayo lang siya sa dalawa nang manirahan siya sa US sa nakalipas na tatlong taon.
Hindi niya alam kung bakit ngayon lang umamin si Kraige sa nararamdaman nito para kay Cleo, pero alam niyang mahal din ni Cleo si Kraige.
"But I'm getting married to Cee-Cee soon, Strike," frustrated na sabi ni Kraige na ang tinutukoy ay ang fiancee nito.
Kraige was getting married to a woman he hasn't met yet. Nasa US kasi siya nang makilala ni Kraige ang fiancee nito. Sa kuwento niya lang naririnig ang tungkol kay Cee-Cee at hindi pa magaganda ang naririnig niya tungkol dito mula sa mga kaibigan nila. Si Cleo pa rin ang gusto ng mga ito para kay Kraige. Dahil do'n ay nawalan agad siya ng amor sa Cee-Cee na 'yon kaya kahit mga litrato ay hindi niya ito tinitingnan.
"Bro, magiging unfair sa inyong lahat kung itatago mo ang nararamdaman mo. Pakakasalan mo ang babaeng hindi mo naman mahal. Paano na kayo ni Cleo niyan?" iiling-iling na tanong niya rito.
Tumungga ito ng alak. "Paano naman si Cee-Cee? I don't want to hurt her."
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ba't masasaktan mo pa rin naman siya kapag pinakasalan mo siya kahit ibang babae naman ang mahal mo? Mabuti na 'yong ngayon pa lang, saktan mo na siya dahil mas masasaktan lang din naman siya."
"Hindi magiging masaya si Cleo. Sigurado akong hindi niya gugustuhing masira ang relasyon namin ni Cee-Cee."
Tumango-tango siya. Tama si Kraige. Mabuting tao si Cleo kaya sigurado siyang hindi nito gugustuhin na makasira ng relasyon at nasisiguro rin niyang gagawa at gagawa ito ng paraan para hindi makapanakit ng ibang tao, kahit pa ito ang masaktan sa huli.
Tumayo si Kraige. "I'm going, bro."
"Saan ka pupunta? Wala pa sina Cleo."
Malungkot na ngumiti ito. "Hindi na kami puwedeng magkita ni Cleo. It will be just awkward for both of us at ayokong maapektuhan ang barkada natin dahil sa problema namin."
"So, iiwas ka muna?" kunot-noong tanong niya.
Tinapik siya nito sa balikat. "Please watch over Cleo for me."
Hindi na niya napigilan sa pag-alis si Kraige. Napabuga na lang siya ng hangin. Hindi siya masaya sa nangyayari sa mga kaibigan niya. Ayaw niyang nasasaktan at nahihirapan ang mga ito. Noon pa man ay siya na ang tumayong kuya nina Kraige at Cleo.
"Strike!"
Nalingunan niya si Cleo. Kasama nito si Colin at ang mga kaibigan nilang sina Ur, Coleen at Josei.
"Hi," bati niya sa mga kaibigan niya.
Niyakap siya ni Cleo bilang pagbati bago umupo sa tabi niya. "I'm glad you went out tonight. Puro ka pa rin kasi trabaho simula ng bumalik ka ng Pilipinas."
"Well, yeah. I need a break, too."
Umupo naman sa isa pa niyang tabi si Colin. "Where's Kraige?"
Napansin niyang natigilan si Cleo. Nilingon niya si Colin at tinapunan ito ng masamang tingin.
"Para nagtatanong lang," reklamo ni Colin.
"So, Strike was here but he left dahil alam niyang papunta ako rito?" malungkot na tanong naman ni Cleo. "Iniiwasan niya ko."
Binatukan niya si Colin bago niya muling binalingan si Cleo. "Cleo, hindi ka naman gustong iwasan ni Strike, alam mo 'yan."
Umiling-iling ito. "Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa'min, Strike."
Nalungkot siya para rito, lalo na nang mabasa niya ang emosyon sa mga mata ni Cleo. "Mahal mo si Kraige."
Hindi sumagot si Cleo, pero sapat na ang sakit sa mga mata nito para makumpirma niya 'yon.
"Then, what's stopping you, Cleo?" tanong niya rito.
Bumuga ito ng hangin. "He's getting married to Cee-Cee, Strike."
"Ikaw ang mahal niya."
Umiling-iling ito. "Huli na ang lahat para sa'min, Strike. Ayoko ring saktan si Cee-Cee."
Natahimik siya. Naiintindihan niya si Cleo, pero hindi ibig sabihin ay uupo lang siya habang pinapanood itong masaktan. Bumuntong-hininga siya saka niyakap ang dalaga. "Shh... don't cry, Cleo. I will make sure everything's gonna be alright."
Yumakap si Cleo sa kanya. "Thank you, Strike."
Ah, his heart was hurting for the woman he once loved. Oo, minahal niya si Cleo nang higit pa sa isang kaibigan. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit pinili niyang umalis ng bansa noon. Alam naman kasi niyang mga bata pa lang sila ay si Kraige na ang mahal nito. Kung hindi mapupunta sa kanya ang babaeng minahal niya, mas gugustuhin na niyang mapunta ito sa lalaking mahal nito.
"Cleo, will you organize our batch's reunion?"
***
"I'M SORRY, but I cannot marry you, Cee-Cee."
Natigilan si Cee-Cee sa pagdidikit ng tissue sa scrapbook niya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa fiance niyang si Kraige. She c****d her head at one side.
Bumuntong-hininga ito. "I'm in love with Cleo."
Lumingon-lingon siya sa paligid. They were in a fancy restaurant with a romantic ambiance. Akala niya, pormal nang magpo-propose ng kasal si Kraige sa kanya. Dinala lang pala siya nito do'n para makipaghiwalay sa kanya.
She proposed to Kraige three months ago. Hindi naman pormal ang pag-aalok niya ng kasal dito. Ang sabi lang niya, si Kraige na ang tingin niyang gugustuhin niyang makasama habambuhay. The next thing she knew, they were already planning their wedding. May pakiramdam siya na ginawa lang ni Kraige iyon ay dahil iniisip nitong nagpaparinig na siya rito.
They had been together for two years. Ito ang pinakamatagal niyang nakarelasyon kaya naisip niyang ito na lang ang lalaking makakapagtiyaga sa ugali niya.
Nasa tamang edad naman na sila para lumagay sa tahimik. She was twenty five and he was twenty seven. Pareho rin silang financially stable. Isa siyang romance novelist na sapat naman ang kinikita para maging maginhawa ang buhay niya.
Kraige, on the other hand, was the president of his own company.
Unang beses silang nagkita ni Kraige noong nagkasabay silang kumain sa HappyChic. Nasa pila sila pareho noon at nasa gitna nila ang isang matanda. Nakiusap siya kay Kraige no'n kung puwede bang paunahin na nito ang matanda sa pag-order. Pumayag naman ito. Nagulat na lang siya nang kumakain na siya ay lumapit sa kanya si Kraige at nakisalo sa mesa niya. 'Yon ang naging simula ng pagkakaibigan nila at matapos ang isang tao, naging magkasintahan sila.
Hindi niya rin inaasahan na tatagal sila ng dalawang taon. Her past boyfriends told her she was boring because she was a nerd. Masaya siya na hindi gano'n ang tingin ni Kraige.
Pero may mahal pala itong iba.
Ang totoo niyan, matagal na niyang napapansin na mahal nga ni Kraige ang matalik nitong kaibigan na si Cleo. Pero nitong mga nakaraan, akala niya ay tinapos na nito ang kung anumang ugnayan nito sa babae. Ano bang nangyari sa batch reunion nito para magbago ang damdamin nito? Sa pagkakaalam kasi niya, dumalo rin si Cleo sa reunion na 'yon.
"I hope you forgive me, Cee-Cee."
Napakurap-kurap siya hindi dala ng gulat kundi upang pigilan ang pagpatak ng mga luha niya. Ngayon pa lang unti-unting pumapasok sa isipan niya ang mga nangyayari. Nakikipaghiwalay na sa kanya ang nobyo niya at wala na ring kasalang magaganap.
Tumingin siya kay Kraige. Puno ng pagsisisi ang mukha nito gano'n din ang mga mata nito. Pero nakikita niyang hindi na magbabago ang desisyon nito. Wala nang pagmamahal sa paraan ng pagtingin nito sa kanya.
Ibinuka niya ang bibig niya upang pigilan sana si Kraige sa pakikipaghiwalay nito. Pero sa huli, itinikom na lang niya ang bibig niya.
Lahat ng tao sa buhay niya na pinilit niyang pigilan noon sa pag-alis sa ay tinanggihan ang pagmamakaawa niya. Kung meron mang huling bagay na gusto niyang maranasan uli, 'yon ay ang tanggihan. Lalo na ng lalaking minahal niya.
Sa huli ay yumuko na lang siya at hinayaan ang pagpatak ng mga luha niya. Narinig niya ang pagbuga ng hangin ni Kraige at ang pag-usad ng silya nito. Naramdaman din niya ang pagyakap nito at paghalik sa tuktok ng ulo niya bago ito umalis.
She couldn't believe she didn't utter a word the entire time.
***
"OPERATION: Bring them together was a success!"
Natatawang kinalampag ni Strike ang cup ng softdrinks ni Colin gamit ang cup niya. Naroon sila ngayon sa HappyChic.
"Hindi ako makapaniwalang nagawa mong paaminin sina Kraige at Cleo sa totoo nilang feelings para sa isa't isa no'ng batch reunion natin," nakangising sabi ni Colin.
Natawa siya, pero sa loob-loob niya ay nasasaktan din siya kahit paano. Nang gabi ng batch reunion nila ay nagtapat siya ng pag-ibig kay Cleo at tinangka niyang halikan ang dalaga. Pero hindi iyon natuloy dahil sinuntok na siya ni Kraige. Ang akala ng lahat, palabas lang niya ang lahat ng 'yon.
Ang hindi alam ng mga kaibigan nila, totoo ang sinabi niyang mahal niya si Cleo. Pero nang gabing iyon, tuluyan na niyang pinakawalan ang nararamdaman niya para sa dalaga. Masaya siyang sa huling pagkakataon ay nasabi niya ang nararamdaman niya para rito, hindi man nito 'yon pinaniwalaan.
"Nakipaghiwalay na rin si Kraige kay Cee-Cee," imporma ni Colin sa kanya.
"Oh. Should I feel bad?" Siya kasi ang nagplano ng lahat at dahil sa kanya, may isang babaeng nasaktan. Nakokonsensiya siya, pero alam niyang iyon ang mas makakabuti para sa lahat.
Nagkibit-balikat si Colin. "Well, sa tingin ko naman, masaya ang lahat sa nangyari kaya siguro, iyon ang nakabubuti para sa lahat."
"What is she like?"
"Who?"
"Cee-Cee."
Lumantak muna ng French fries si Colin bago sumagot. "You know what? We only met her..." Nag-isip ito at nagbilang pa sa daliri. "Five times, I guess."
Nagulat siya. "Sa dalawang taon nilang nag-de-date ni Kraige, limang beses niyo lang siyang nakita?"
"Unang beses eh nang ipakilala siya sa'min ni Kraige bilang girlfriend nito. Ang pangalawa, pangatlo at pang-apat na beses eh ang birthday ni Kraige, Tita Katrina at Tito Garry," sabi nito na ang dalawang huling tinukoy ay ang mga magulang ni Kraige. "At ang huli eh nang i-announce nila ang kasal nila."
"Argh. What is she? A snub? An introvert? That won't do. You know how it is in our circle. We have no patience for insecure people."
"That's probably the reason why she never got along well with our friends. Masyado siyang ilag sa mga tao. Dahil din do'n kaya hindi na namin madalas nakakasama si Kraige. I think Cee-Cee doesn't like us– si Kraige lang ang tinanggap niya at hindi tayo."
Napasimangot siya. Paano nagustuhan ni Kraige ang gano'ng klase ng babae? Hindi pa niya personal na nakikilala si Cee-Cee pero sa mga kuwento pa lang ng mga kaibigan niya, tumibay lang ang paniniwala niyang tama ang ginawa niya. He felt sorry for Cee-Cee though. Pero wala na siyang magagawa para rito.
"Maiba tayo, Strike," sabi ni Colin na pumukaw sa atensiyon niya. "Bakit nga pala nandito tayo sa HappyChic ngayon? The babes are waiting for us in the bar."
Ipinaikot niya ang mga mata niya. "Colin, your s*x life is too active. You need a break."
"Huwag mong pakialamanan ang s*x life ko. Ikaw ang dapat mag-alala kung alam mo pa bang gamitin 'yang ju– aw!" Hindi na nito natuloy ang sinasabi nito dahil tumama sa noo nito ang binato niyang kutsara. "f**k you, Strike," iritadong sabi nito saka tumayo.
"Are you seriously walking out on me, Colin?"
He just waved his hand. "I can't miss my night life for you, bro."
Natawa lang siya at iiling-iling na pinanood ito hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Colin was a big pervert and the idiot was proud of it.
Tumingin siya sa wrist watch niya. It was already six thirty PM. "She's late."
Bumuntong-hininga siya. Paalis na rin sana siya nang matigilan siya. Nakita na kasi niyang paakyat ang babaeng kanina pa niya hinihintay. The weird but cute girl occupied the same table near the comfort room, and he noticed that she had the same meals.
Napangiti siya. Ilang araw na rin niyang inaabangan ang babaeng iyon simula nang makita niya ito dalawang linggo na ang nakararaan. Napansin niyang routine na nito ang pagpunta sa HappyChic kapag ala-sais ng gabi at magtatagal ito do'n ng mahigit tatlong oras. Kapag wala siyang ginagawa ay sinasabayan niya ito sa pagkain, pero nasa ibang mesa siya at hindi siya nito napapansin. He didn't like introvert girls, but this one was different. Ewan niya kung bakit.
Napansin niyang nanatili lang nakayuko sa pagkain nito ang pinangalan na niyang "Favorite Girl" niya. Usually naman ay kakain agad ito, o kaya ay magbabasa o magsusulat.
Nataranta siya nang umuga ang mga balikat ng babae. She was crying! Bigla siyang napatayo. Hindi niya kontrolado ang katawan niya ng mga sandaling iyon dahil natagpuan na lang niya ang sarili niyang palapit sa dalaga.
Nag-angat ng tingin sa kanya ang babae. Inabot niya rito ang panyo niya. "Here."
Tinanggap nito ang panyo niya. "Thank you..." Kumurap-kurap ito na animo'y may gusto pang sabihin. Pero sa huli ay tumayo lang ito at tumakbo paalis.
"Wait!" Tinangka niya itong habulin pero hindi niya na naigalaw ang katawan niya. May pakiramdam kasi siyang gusto nitong mapag-isa.
Pinatong niya ang kamay niya sa dibdib niya. Weird, but he felt hurt as he watched her cry. Para bang may dumagan na mabigat sa puso niya.
Bakit kaya siya umiiyak?