"WHAT?! Wala nang kasalang magaganap?!"
Tumango lang si Cee-Cee bilang sagot sa housemate niyang si Gea. Niyakap niya ang mga binti niya at pinatong sa mga tuhod niya ang baba niya.
"Anong nangyari, Charlotte Criselda Magpugay?"
Ngumiwi siya sa pagbuo nito sa pangalan niya. "Si Cleo kasi..."
"Cleo? 'Yong best friend ni Kraige?"
Tumango lang siya.
"Anong meron sa Cleo na 'yon?"
Bumuntong-hininga lang siya. Ayaw niyang sabihin dito na si Cleo ang mahal ni Kraige dahil mahirap para sa kanya na paulit-ulit na marinig ang bagay na 'yon.
"In love si Kraige sa babaeng 'yon?" hindi makapaniwalang bulalas ni Gea.
Hindi na siya kumibo. Hindi naman siya gano'n kamanhid para hindi mahalata noon pa man na may pagtingin si Kraige kay Cleo. Masyado lang siguro siyang nagtiwala sa pagmamahal ng nobyo niya sa kanya kaya hindi siya naghinala.
Nangyari ang pakikipaghiwalay ni Kraige sa kanya pagkatapos nitong um-attend sa batch reunion nito. Hindi siya sumama kay Kraige dahil gusto niyang bigyan ito ng oras para makasama ang mga kaibigan nito bago sila ikasal. Kung alam lang niyang iyon ang gabi na maaaring nakapagpabago sa isip nito, sana ay sumama na siya rito.
Biglang pumasok sa isip niya ang mga kaibigan ni Kraige. Naikuyom niya ang mga kamay niya nang may maramdaman siyang negatibong damdamin sa loob niya.
"Kraige's friends probably hate me," mapait na sabi niya. Hindi naman kaila sa kanya na hindi niya kasundo ang mga kaibigan ni Kraige. Mahiyain kasi siya at nasanay siya sa maliit na mundo lang kaya nanibago talaga siya sa mundo ng dati niyang nobyo.
Sinubukan naman niyang makibagay sa mga ito pero mukhang nawalan na ng pasensiya ang mga ito sa kanya. Hindi na siya kinibo ng mga kaibigan ni Kraige at hindi rin naman niya alam kung paano makikipaglapit sa mga ito.
Something's probably wrong with me, too.
"Paano napasok sa usapan ang mga kaibigan ni Kraige?" tanong ni Gea.
Nagkibit-balikat siya. "Maybe they helped Cleo win Kraige back no'ng gabi ng reunion nila." Alam niyang hindi siya magagawang pagtaksilan ni Kraige kung walang nagbuyo dito.
Bumuga ng hangin si Gea. "Bakit hindi mo pinigilan si Kraige sa pakikipaghiwalay sa'yo?"
Gumuhit ang pamilyar na kirot sa kanyang puso nang maalala niya ang kabataan niya. Labing dalawang taong gulang lang siya nang maghiwalay ang mga magulang niya. Nagmakaawa siya no'n sa ama niya na huwag silang iwan pero umalis pa rin ito.
Noong labingwalong taong gulang naman siya ay nagpasya ang ina niya na magpakasal muli at ibinigay siya nito sa lola niya dahil ayaw ng mapapangasawa nito sa kanya. Nagmakaawa rin siya sa mama niya na isama siya pero tinanggihan din siya nito.
Nang hiwalayan naman siya ng una niyang nobyo noong labinsiyam na taong gulang siya, nagmakaawa rin siya rito na huwag siyang hiwalayan pero wala ring nangyari.
All her life she begged people she loved to stay with her, but they all turned her down. Awang-awa siya sa sarili no'n kaya nangako siyang hindi na uli magmamakaawa sa kahit sino na huwag siyang iwan sa takot na tanggihan lang uli siya ng mga ito.
"Ano nang plano mo ngayon, Cee-Cee?" tanong ni Gea.
Bumuntong-hininga siya. "I'm going to talk to his friends."
"Bakit?"
Naaawa na naman siya sa sarili niya ng mga sandaling iyon. Pero naisip niyang dahil sa trauma niya ay hindi niya nagawang ipaglaban ang pagmamahal niya. "Aalamin ko kung bakit ayaw nila sa'kin at makikipag-ayos ako sa kanila. I'll try to somehow win them over for me to win Kraige back."
***
"WHAT?!" hindi makapaniwalang tanong ni Strike kay Colin. Hinubad niya ang goggles niya at umahon sa pool. Dinampot niya ang roba niya na nakasampay sa likod ng silya at sinuot iyon. "Gustong makipagkita ni Cee-Cee sa barkada?"
Inikot-ikot ni Colin ang leeg nito. Naghahanda ito sa pag-dive sa pool. "Katatawag lang ni Ur sa'kin. Tinatanong niya kung papayag daw ba tayong makipagkita kay Cee-Cee mamaya."
Bumuga siya ng hangin. "She'll probably ask you to help her win Kraige back."
"'Yon din ang hinala namin."
Napailing siya. "No'ng sila pa ni Kraige, hindi siya nag-abalang makipaglapit sa inyo. Ngayong hiwalay na sila, hihingi siya ng tulong sa inyo? What's wrong with that woman?"
Nilingon siya ni Colin. "Strike, I know how much you wanted to protect Kraige and Cleo. Pero hinay-hinay ka lang. Kahit ano pang sabihin natin, si Cee-Cee pa rin ang biktima dito."
Natahimik siya. Of course Colin was right. Gumagana lang ang protective side niya para kina Kraige at Cleo kaya siya nagkakagano'n ngayon. "All right. Since ako naman ang nagpasimuno sa pagpapaamin kina Kraige at Cleo, ako na rin ang kakausap kay Cee-Cee. Ipapaliwanag ko sa kanya kung bakit ito ang mas makakabuti para sa kanilang lahat."
"'Need help?"
Umiling siya. "Mabuti na 'yong kaming dalawa lang para makapag-usap kami ng masinsinan."
"She doesn't know you. I don't think Kraige has mentioned you to her before."
Kumunot ang noo niya. "Bakit naman hindi binanggit ni Kraige kay Cee-Cee ang tungkol sa'kin?"
"Nakalimutan mo na ba? Sinabi mo sa kanya na wala kang interes makilala ang girlfriend ni Kraige kung hindi si Cleo 'yon. Inisip ni Kraige na baka i-bully mo si Cee-Cee noon kaya hindi ka niya binanggit dito."
Lalong kumunot ang noo niya. "Gano'n ba ko kasama sa tingin niyo?"
Natawa si Colin. "You're overprotective when it comes to Kraige and Cleo. So, yes."
"Well, I can't help it. Magkakaibigan na kami nina Kraige at Cleo simula pagkabata. Kasama nila ako nang parehong mamatay ang mga magulang nila sa aksidente. I witnessed how badly they were hurt and I didn't want them to suffer again. Ang gusto ko lang, maging masaya sila. I'm willing to become the villain for them. Is that a bad thing?"
Ngumiti si Colin. "You love them too much, Strike. The problem with you is that, you don't trust other people easily. Pero kapag may nagustuhan ka naman, you really get attached to that person to the point that you care too much. Kapag masyado kang attached sa isang tao, madali kang masasaktan."
Eksaheradong sumimangot siya. "Huwag mo kong pagsabihan ng dapat kong gawin, Colin."
Nagkibit-balikat lang ito. "Saan mo gustong makipagkita kay Cee-Cee? I'm going with you since Cee-Cee knows me."
Tumango siya. "Tell her to meet us at HappyChic."
***
UMILING-iling si Strike nang makita si Colin na malagkit ang tingin sa babaeng nakaupo malapit sa mesa nila. Binatukan niya ito.
"You're a huge pervert, Colin. Umayos ka nga," he whispered through gritted teeth. Umupo siya sa tapat na silya nito, paharap sa CR. Tumingin siya sa wrist watch niya. It was seven PM. "Iba na naman ang oras ng pagpunta niya rito."
"Si Cee-Cee?"
Umiling lang siya. Ang tinutukoy niya ay ang crush niya. Speaking of his crush, nakita niya itong lumabas ng CR. Para itong batang naliligaw habang palingun-lingon sa paligid. Napangiti siya dahil na-cute-an siya rito. Napansin niyang lumingon si Colin sa direksyong tinitingnan niya saka kunot-noong humarap sa kanya.
"That's Cee-Cee, Strike."
He felt his smile freeze. "What?"
"'Yong babaeng kalalabas lang ng CR at mukhang naliligaw, si Cee-Cee 'yon. Tatawagin ko na– "
"No," mariing sabi niya. "Don't do that."
Pinukol siya ng nagtatakang tingin ni Colin. Mabuti na lang at nakatalikod ito mula kay Cee-Cee kaya hindi ito nakikita ng dalaga. Ang lakas ng t***k ng puso niya ng mga sandaling iyon at nanlalamig pa ang buo niyang katawan. Ang crush niya at si Cee-Cee ay iisa?
What the hell!
"Colin, please. Umalis ka muna," nanghihinang pakiusap niya.
Natigilan si Colin saka napatitig sa kanya na parang ba pinag-aaralan ang mukha niya. Pagkatapos ay walang imik na tumayo ito, tinapik siya sa balikat saka tahimik na umalis. Alam niyang kilala siya ni Colin kaya alam nito kung kailan siya seryoso o kung kailan siya nagbibiro.
Hindi pa rin niya alam kung ano ang eksaktong mararamdaman habang pinapanood si Cee-Cee na umupo sa paborito nitong puwesto, hanggang sa magsulat ito ng kung ano sa tissue sa ibabaw ng mesa.
Naalala niya ang gabi kung kailan nakita niyang umiiyak si Cee-Cee. Umiyak ito marahil dahil sa pakikipaghiwalay ni Kraige dito. Hindi siya makapaniwalang ito ang ex-fiancess ni Kraige.
He realized his biggest mistake: he judged Kraige's fiancee even though he hasn't met her yet. Alam niyang hindi niya personal na kilala si Cee-Cee na crush niya dahil hanggang tingin lang naman siya rito. Pero sa mga gabing pinagmamasdan niya ito, wala siyang nakitang masamang ugali rito. He wasn't being biased just because he liked her. Ilang gabi niyang sinubaybayan si Cee-Cee nang hindi niya pa alam kung sino ito, pero alam niyang malayo ito sa babaeng inilalarawan ng mga kaibigan niya.
Fuck. I hurt the wrong woman!
Hindi niya alam kung ilang minuto ang lumipas. Basta pinapanood niya lang si Cee-Cee habang unti-unting nadudurog ang puso niya rito sa tuwing makikita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito. Ilang sandali pa, tumayo ito at umalis na.
No'n lang niya naramdaman ang pagbabalik ng pakiramdam niya. Natagpuan niya ang sarili niyang naglalakad sa mesa ni Cee-Cee. Naiwan nito ang tissue na sinulatan nito sa mesa. Muli niyang naramdaman ang pagguhit ng kirot sa puso niya nang mabasa ang nakasulat do'n:
"His friends asked me to come here. But they didn't show up. I guess they really hate me."
Naikuyom niya ang mga kamay niya. Ngayon lang niya unti-unting nararamdaman ang bigat ng pagkakamali niya. Dahil sa ginawa niyang panghihimasok sa buhay nina Kraige at Cleo, may isang taong labis na nasaktan.
"Excuse me."
Nalingunan niya si Cee-Cee. Naramdaman niya ang paglundag ng puso niya. Hindi niya alam kung dala ba iyon ng gulat o ano, pero alam niyang hindi normal ang t***k niyon. "Yes?"
"May naiwan lang ako na binalikan ko," sabi nito sa mahina na boses saka kinuha ang ballpen sa ibabaw ng mesa.
Napansin niyang namumugto ang mga mata nito at malungkot din ang mukha. She must still be hurting.
Of course she is, dumbass.
Again, he just watched her walk away. Pero hindi rin siya napakali. He ran after her but he needed a reason to talk to her. Dumiretso siya sa loob ng counter. Agad natigilan at napatingin sa kanya ang mga tauhan niya.
"I need one Happy Hot Choco Fudge. Now!" utos niya.
Dali-daling kumilos ang mga tao niya at mabilis din niyang nakuha ang order niya. Pagkatapos ay tumakbo siya palabas ng HappyChic. Iginala niya ang tingin niya sa paligid hanggang sa dumako ang tingin niya kay Cee-Cee. Nakahinga siya ng maluwag nang makita itong nakatayo sa gilid ng stoplight habang naghihintay marahil ng masasakyan.
He ran towards Cee-Cee. Nang akmang tatawid na ito ay pinigilan niya ito sa braso. Nagtatakang nilingon siya nito.
"Yes?" untag nito sa kanya. Pagkatapos ay bumaba ang tingin nito sa kamay niyang nakahawak sa braso nito.
Awtomatikong binitawan niya ito. Habol niya ang hininga niya habang pinagmamasdan niya ito. Wow. She kept on getting more beautiful everytime he looked at her. Inabot niya sa dalaga ang hawak niyang sundae. "Miss, you forgot this."
She blinked and cutely c****d her head at one side. "Hindi ako um-order ng sundae."
"May promo ang HappyChic ngayon kaya may libreng sundae ang lahat ng customer," pagsisinungaling niya. "Tanggapin mo na lang 'to. Please."
Walang imik na tinanggap nito ang sundae. Kinulong nito ang plastic cup niyon sa pagitan ng mga kamay nito habang nakatitig lang ito do'n. Mayamaya ay dahan-dahan itong nag-angat ng tingin sa kanya. Pigil niya ang hininga niya habang pinagmamasdan ang unti-unting pagliwanag ng mukha nito at ang unti-unting pagsilay ng magandang ngiti sa mga labi nito.
He felt his heart skip a beat or two at the sight of her sweet smile. Okay, he just sounded a mush but he didn't give a f**k anymore. Nasa harap niya ang pinakamagandang babae sa mga mata niya kaya kahit alayan pa niya ito ng makapagbagdamdaming tula ay hindi niya 'yon ikakahiya.
"Thank you," malambing na sabi ni Cee-Cee bago ito naglakad palayo.
He sighed as he watched her walk away. Akala niya noon, si Cleo lang ang nag-iisang babae na makakaapekto sa sistema niya. Nagkamali siya. Si Cee-Cee lang ang may kakayahang yanigin ang mundo niya sa isang ngiti lang nito. Mabilis at malakas ang atraksiyong nararamdaman niya para rito, pero hindi niya 'yon mapigilan. Then, sadness replaced the warmth in his heart.
Ang babaeng nagpapasaya sa kanya ng mga sandaling iyon ay ang babae ring labis niyang nasaktan dahil sa pagiging makasarili niya.
How could I make it up to you, Cee-Cee?