IT'S been two hundered and one nights since I last saw her.
Iritadong inilibot ni Strike ang tingin niya sa ikalawang palapag ng HappyChic. Sa huli ay napabuga na lang siya ng hangin. Anim na buwan mahigit na niyang hindi nakikita si Cee-Cee sa fast food chain na iyon. Malapit na ang kasal nina Kraige at Cleo, pero wala pa rin siyang balita rito. Hindi naman niya magawang magtanong sa mga kaibigan niya nang tungkol sa dalaga dahil siguradong uusisain lang siya ng mga ito.
He was really worried about Cee-Cee. Ang daming pumapasok sa isip niya na maaaring gawin ng isang babaeng nabigo sa pag-ibig. Hindi ito maalis sa isip niya dahil sa tuwina ay naaalala niyang siya ang nagdulot ng matinding sakit dito.
Siya ang nagpasimuno ng plano upang magkatuluyan sina Kraige at Cleo. Siya ang nagtulak kay Kraige na hiwalayan si Cee-Cee, at siya rin ang kumumbinsi kay Cleo na walang masama sa pagmamahal nito kay Kraige. He thought he was doing everyone a favor. Inaamin din niyang wala siyang pakialam kay Cee-Cee noong hindi pa niya ito nakikita at nakikilala ng personal.
Gusto niyang bumawi kay Cee-Cee. Gusto niyang ibalik dito ang kasiyahan nito na siya rin ang kumuha. No, scratch that. He just badly wanted to see her again. Weird, but he missed her.
Si Cee-Cee ang nagpapakalma sa kanya sa tuwing nakikita niya itong tahimik na nagsusulat o nagbabasa sa paborito nitong mesa. Kapag pinapanood niya ito, nawawala ang lahat ng pagod niya. Iyon marahil ang dahilan kung bakit simula nang huminto na si Cee-Cee sa pagpunta ro'n ay nakaramdam siya ng iritasyon. He missed the peace she was capable of giving him. He missed her scent. He missed her quirkiness.
Fuck. How could I miss someone who doesn't even know me?
Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang may lalaking basta na lang umupo sa paboritong puwesto ni Cee-Cee. Kumunot agad ang noo niya.
Nilapitan niya ang lalaki. "Boss, pasensiya na pero may nakaupo na d'yan."
Kunot-noong nilingon siya ng customer. "Wala namang nakaupo dito, ha."
"That seat is mine," giit niya habang pilit na kinakalma ang sarili.
"May pangalan mo ba 'to?" pamimilosopo ng lalaki.
Ipinaikot niya ang mga mata niya. "Oo, may pangalan ko ang mesa na 'yan sa ilalim, pati na rin ang mga upuan. I'm Strike, by the way."
Yumuko ang lalaki para siguro tingnan kung totoo ang sinabi niya. Mayamaya ay tumayo ito at sinimangutan siya bago lagpasan.
He smiled triumphantly and sat on Cee-Cee's favorite chair. Oo, may pangalan talaga niya ang ilalim ng mesa, pati ang mga upuan. Ginawa niya 'yon para masiguro niyang walang ibang kukuha sa paboritong puwesto ni Cee-Cee.
Bumuga siya ng hangin saka niyukyok ang ulo niya sa mesa. Nababaliw na nga yata siya. Alam niyang overprotective siya sa mga taong mahal niya, pero hindi niya maintindihan kung bakit gano'n din siya sa isang babae na hindi naman siya kilala.
Ni hindi nga niya maintindihan kung bakit gabi-gabi pa rin siyang naghihintay do'n kahit alam niyang may posibilidad na hindi na muling bumalik si Cee-Cee do'n.
"Excuse me." Narinig niyang sabi ng isang babae.
Hindi siya nag-angat ng tingin dito. "What?"
"May kasama ka ba? Puwede pa-share ng table? Wala na kasing ibang bakanteng mesa."
"I'm sorry, but the seat across me is taken."
"Oh."
"May umalis na hong customer sa kabilang table, Ma'am Cee-Cee."
Agad siyang nag-angat ng tingin nang marinig ang pangalan ni Cee-Cee. Pakiramdam niya, unti-unting bumagal ang pag-ikot ng mundo nang makita nga niya ang dalaga na nakatayo sa harap niya at nakatingin sa kanya. It was really Cee-Cee, his favorite girl.
Mas lalong gumanda si Cee-Cee. Kaya niya ring tumitig sa mga mata nito habambuhay nang hindi siya magsasawa sa mukha nito. Gusto niyang paglaruan ang kulot na dulo ng mahaba nitong buhok. Gusto niyang pisilin ang namumula nitong mga pisngi. Ah... Cee-Cee.
Naputol lang ang pag-iisip niya nang magsimulang maglakad palayo si Cee-Cee kasama ang service crew na may dala ng order nito. No'n niya lang din napansin na may hila-hilang malaking maleta ang dalaga. A strange fear crept thoughout his system. Aalis na naman ba ito?
Napatayo siya. "Cee-Cee!"
She slowly turned around to face him. Bakas sa mukha nito ang pagtataka. "Kilala mo ko?"
Napabuntong-hininga siya.
Great! Maybe she thinks I'm a stalker!
***
"BAKIT pinipipi mo ang burger mo?"
Nag-angat si Cee-Cee ng tingin sa lalaking kasalo niya sa mesa ng mga sandaling iyon. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa burger niya na kasalukuyang nakaipit sa pagitan ng mga kamay niya. "Mas madali kasing kainin kapag pinipipi ang burger."
Tumango-tango ang lalaki. Nagulat siya nang kunin nito ang burger sa tray nito at gayahin ang ginagawa niya.
"Paano mo nga pala ako nakilala?" mayamaya ay tanong niya sa lalaki. Nagulat siya kanina nang bigla na lang siya nitong tawagin pero nang tanungin niya ito ay inalok lang nito sa kanya ang mesa nito. Pumayag na siya dahil nagugutom na talaga siya.
Bahagyang natigilan ang lalaki bago ito sumagot. "Kilala ko lahat ng regular customer sa branch na ito."
"Sa pagkakaalam ko, si Kuya Sun ang branch manager dito."
"Well, yeah. But I'm the current president of the Manzano Foods Corporation and as you can see, personal kong binibisita ang bawat branch ng HappyChic kapag wala akong ginagawa."
Napakurap siya sa pagkabigla. "Ikaw si Santino Tristan Manzano?"
Napansin niyang dumaan ang pagkataranta sa mga mata nito. "Kilala mo ko?"
Umiling siya. "Not really. Nabasa ko lang ang pangalan mo sa article sa diyaryo nang ipasa sa'yo ng papa mo ang pagiging presidente ng Manzano Foods Corporation. And I love HappyChic. Nabasa ko na ang history ng kompanya niyo. That's just amazing..."
Nagpatuloy pa siya sa pagkukuwento nang mapansin niyang nakatitig lang si Santino Tristan sa kanya habang nakangiti. Kung hindi siya nagkakamali, paghanga rin ang nakikita niya sa mga mata nito. Nakaramdam siya ng pagkailang dahil sa paraan ng pagtingin nito sa kanya at naramdaman din niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya.
"Pasensiya na," nahihiyang sabi niya. Nagiging madaldal kasi siya kapag gusto niya ang pinag-uusapan, lalo na kung tungkol iyon sa isang bagay na nabasa niya.
"Bakit ka humihingi ng pasensiya?"
"I talked too much."
Narinig niyang tumawa ng mahina ang binata. "I don't mind hearing you talk that much. Your voice is actually soothing."
Nag-angat siya ng tingin dito. Santino Tristan Mazano suddenly looked embarrassed, as if he just realized he said something... a little awkward. Pero nang magmura ito ng mahina at mag-iwas ng tingin habang namumula ang mukha at mga tainga nito, nawala ang pagkailang na naramdaman niya. He looked so adorable!
Napangiti siya pero agad din niya 'yong sinupil. "Thank you for the compliment, Santino Tristan," sabi niya para mabawasan ang pagkapahiya nito.
"'Strike,'" pagtatama nito sa kanya. "Just call me 'Strike.'"
"All right, Strike. Thank you for sharing your table with me. Aalis na ko," paalam niya, saka pinunasan ng tissue ang bibig niya.
"Don't leave!"
Nagtatakang nilingon niya ito. "Bakit?"
"Ahm... hindi pa tayo nagde-dessert. Gusto mo ng sundae?" alok nito saka tumayo.
Tumayo rin siya at hinawakan ito sa braso para pigilan ito. "Salamat na lang, Strike, pero kailangan ko na rin kasing umalis. Maghahanap pa ko ng unit na matutuluyan."
Tumingin ito sa kamay niyang nakahawak sa braso nito. No'n niya lang napansin na nakahawak pa rin siya rito. She let go of his arm and started to walk away while pulling her luggage behind her. Pero nakakailang hakbang pa lang siya nang maramdaman niyang may pumigil sa maleta niya. Nalingunan niya si Strike na hawak din ang handle ng maleta niya.
Kung nagulat man siya sa ginawa nito, hindi niya 'yon pinahalata. Binasa niya ang mukha ni Strike. May nakikita siyang magkahalong desperasyon at pagkasabik sa mga mata nito.
"Cee-Cee, talaga bang naghahanap ka ng condo unit na malilipatan?"
Tumango siya. "Oo. Binenta na kasi ng housemate ko 'yong bahay niya kaya kailangan ko nang maghanap ng matitirhan."
Sa anim na buwan na lumipas matapos makipaghiwalay ni Kraige sa kanya, nagtungo muna siya sa probinsya nila sa Bicol kung nasaan ang lola niya.
Ginusto niyang makalayo sa mga tao dala na rin ng pagkapahiya sa hindi pagkakatuloy ng kasal niya. But her life was in the city now so she had to come back. 'Yon nga lang ay binenta na ni Gea ang bahay nito at nagtungo na ang kaibigan niya sa Australia para makasama ang pamilya nito.
"I know a place. Available ang unit sa tabi ng unit ko. Puwede kitang samahan do'n."
"Ahm..." She smiled bashfully. "Thank you for the offer, but I don't think I can afford the place you're living in. Hangga't maaari sana, 'yong murang unit ang gusto kong makuha." Alam niyang nagmula sa mayamang pamilya si Strike kaya sigurado siyang sa mamahalin o high-end condominium building ito nakatira.
"You're wrong, Cee-Cee," tanggi nito. "Sa isang simpleng apartment complex lang ako nakatira. I'm sure you can afford it."
Pinag-aralan niya ang mukha ni Strike. He looked hopeful for some reason. Hindi niya alam kung bakit gano'n ito makatingin sa kanya, pero may malakas na puwersang nagsasabi sa kanya na pagkatiwalaan niya ito. Hindi naman ito mukhang manloloko o gagawa ng masama. Isa pa, kailangang-kailangan na niyang makahanap ng matitirhan dahil masyadong mahal ang mag-stay sa hotel gabi-gabi.
Tumikhim si Strike. "'Yong owner kasi ng apartment complex namin, kinukulit kaming mag-recruit ng bagong tenant."
Tumango-tango siya. "Ah, gano'n pala. Sige. Titingnan ko kung magugustuhan ko ang unit na sinasabi mo."
"Great." He seemed to be relieved, then he started to laugh. "That's great, Cee-Cee!"
Strike looked genuinely happy she couldn't help but smile at him.
This guy is weird.
***
"THERE'S no f*****g way I'm leaving my apartment for you!"
In-arm lock ni Strike sa leeg si Colin. "f**k you, Colin. Ngayon lang ako hihingi ng pabor sa'yo kaya pagbigyan mo na ko!"
Kasalukuyan siyang nasa apartment ni Colin. Sinabi niya rito na gusto niyang hiramin dito ang unit nito ng ilang buwan. Bakante kasi ang unit sa tabi niyon at 'yon ang gusto niyang ipakita kay Cee-Cee para tirhan nito. Originally, he wanted her to move in the condo unit next to his.
Pero nang sabihin nitong hindi nito kaya ang condominium building na tinitirhan niya, naisip niya ang apartment complex na tambayan ni Colin na higit na mura kaysa sa tinitirhan niya. May bahay kasi si Colin at ginagawa lang nitong palipasan ng gabi kasama ang kung sinu-sinong babae ang apartment nito.
"May iba namang bakanteng kuwarto sa ibang floor kaya bakit mo pinagsisiksikan ang sarili mo sa unit ko?" angil ni Colin.
Pinakawalan na niya ito. Kung nabigyan lang sana siya ng sapat na panahon para maghanap ng condominium na mura, hindi siya hihingi ng pabor kay Colin. Puwede rin naman na kumuha siya ng ibang unit sa ibang palapag sa building na iyon. Pero hindi puwedeng makita ni Cee-Cee sa Colin sa building na iyon. Hindi pa siya handang malaman ng dalaga ang kaugnayan niya kay Kraige dahil natatakot siyang lumayo ito sa kanya.
Now, where did it come from?
Hindi niya rin alam kung saan nanggaling 'yon. Pero simula nang gabing makausap niya si Cee-Cee, nang tawagin nito ang pangalan niya, nang sa unang pagkakataon ay tinitigan siya nito ng matagal, naramdaman niyang hindi iyon ang huling pagkakataon na magkakasama sila.
Bumuntong-hininga siya. "Colin. I really need your help. Please," pakiusap niya rito.
Halatang nagulat si Colin. He even looked horrified. "Holy s**t! Ikaw ba talaga si Santino Tristan Manzano? You pleaded me! Me, the person you disrespect most!"
Ngumiwi siya. "Hey, hindi kita minamaliit... Medyo lang."
"Ano ba talaga ang nangyayari, Strike? Bakit gusto mo na lang bigla na angkinin 'tong unit ko?"
"Kailangan ko lang nang –" Natigilan siya nang may marinig siyang katok sa pinto. "s**t! She's here."
Kumunot ang noo ni Colin. "Sino?"
Himbis na sagutin ito ay marahang tinulak niya lang ito sa loob ng banyo. "Dude, alang-alang sa pagkakaibigan natin, nakikiusap ako sa'yo. Anuman ang makita o marinig mo ngayon, hinding-hindi ka gagawa ng ingay d'yan at lalong hindi ka lalabas. I'm begging you," seryosong pagmamakaawa niya rito.
Lalong kumunot ang noo ni Colin habang parang pinag-aaralan ang mukha niya. Gago ito sa maraming bagay, pero alam niyang pinahahalagahan nito ang pagkakaibigan nila kaya alam niyang hindi siya nito matatanggihan.
"You owe me big time, Strike," sumusukong sabi ni Kraige.
Tinapik niya ito sa braso, saka sinara ang pinto ng banyo.
Humugot muna siya ng malalim na hininga. Bago siya umakyat sa apartment ni Colin ay nagbilin na siya sa guwardiya na may 'Cee-Cee Magpugay' siyang kasama na nahuli lang ng dating.
Relax, Strike. Everything's gonna be fine.
Binuksan na niya ang pinto. Pigil niya ang hininga niya habang unti-unti iyong bumubukas at unti-unti rin niyang nasisilayan ang magandang mukha ni Cee-Cee.
Binigyan siya ng tipid na ngiti ni Cee-Cee. "Hi, Strike."
Awtomatikong napangiti siya dahil sa ngiti nito. "Hello, Cee-Cee. Come in."
Niluwagan niya ang pagkakabukas sa pinto para makapasok ito. Pero agad din niyang pinagsisihan 'yon dahil no'n niya lang napansin ang magulong estado ng unit ni Colin! Nakakalat sa sala ang maruruming damit nito! Hindi niya marahil napansin 'yon kanina dahil sa pagtatalo nila ni Colin. Naramdaman niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi lalo na nang ilibot ni Cee-Cee ang tingin nito sa buong kuwarto.
Napakamot siya ng batok. "Cee-Cee, pasensiya ka na. Hindi pa kasi dumadating ang tagalinis ng unit ko. Sorry."
Umiling ito. "Walang problema. Ako nga ang dapat humingi ng pasensiya dahil nakakaistorbo ako sa'yo."
"Of course not," mabilis na tanggi niya. Nang tingnan siya nito ay tumikhim siya. "Halika na. Tingnan na natin 'yong bakanteng kuwarto sa tabi. Parating na rin ang owner ng apartment complex na 'to."
Tumango ito. "Salamat."
Naglalakad na sila palabas nang may naapakan si Cee-Cee. Muntik na itong madulas kaya hinawakan niya ito sa siko. May kakaiba siyang naramdaman sa dibdib niya nang magkadikit ang mga balat nila. Para siyang napaso kaya binitawan agad niya ang dalaga na yumuko para damputin ang naapakan nito. Hindi niya alam kung dala ba ng kaba o gulat pero mabilis ang t***k ng puso niya.
"Ahm... Strike..."
Natauhan lang siya nang basta na lang itulak ni Cee-Cee ang isang kahon sa dibdib niya, saka ito humakbang paatras sa kanya. Napansin din niyang namumula ang mga pisngi nito at hindi rin makatingin ng diretso sa mga mata niya.
No'n dumako ang tingin niya sa kahon na hawak niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang isang kahon iyon ng condom!
Walanghiya ka, Colin! You're such a huge pervert!
Tumikhim siya. "Cee-Cee, it's not what you –"
"Okay lang, Strike," sansala ni Cee-Cee sa sinasabi niya. "You're a bachelor. Hindi mo kailangang magpaliwanag," sabi nito saka mabilis na lumabas ng apartment.
Napabuga naman siya ng hangin, saka niya hinagis ang kahon sa pinto ng banyo. "Great! She thinks I'm a pervert now!"