“HOY, Rena! Bakit pangiti-ngiti ka diyan? Akala mo ba ikinaganda mo iyang suot mo na para kang si Catwoman? Mukha kang suman! Hindi ka ba naiinitan sa suot mo? Duh!” Talagang nilapitan at tinarayan pa ni Paloma si Rena nang makita niya itong nag-iisa habang nililinisan ang dalawang samurai. Naka-indian sit ito sa sahig. Gabi na ng oras na iyon at naghahanda na ng pagkain sina Lolo Yolo at Violet. Tumigil ito sa ginagawa at tumayo. Iniliyad pa ni Rena ang dibdib na parang hinahamon siya ng palakihan ng dede. Siyempre, hindi naman siya papatalo. Iniliyad rin niya nang bonggang-bongga ang dibdib niya at itinaas iyon nang bahagya. Hindi na nga siya humihinga pero mukhang talo siya sa palakihan ng dede. Mas malaki ang dede ng Rena na ito kesa sa kanya! Siguro nagparetoke ang hitad! Sumuko na

