PAGLABAS nina Paloma ng bahay ay sinalubong agad sila ng mangilan-ngilan na zombies na parang inaabangan talaga sila. Hindi naman umubra ang mga ito sa kanila dahil pinagbabaril nila agad ang mga ito. Takbo agad sila sa van. Binuksan agad ni Buhawi ang makina at may inayos doon. Katulong nito si Lolo Yolo. Habang si Paloma, Violet at si Miss Sofia ay nakabantay sa mga zombie na pwedeng sumulpot na lang sa kung saan. Hanggang sa mapatingin si Paloma kay Rena. At talagang hinahanap ito ng mata niya, ha. Teka, ano itong nakikita niya? Magkausap sina Rena at Rob at parang ang saya-saya ng dalawa. May pahampas-hampas pa si Rena sa braso ni Rob. Lumalandi ang babaeng hitad! At nagpapalandi naman itong Rob na ito. Akala ba niya ay siya ang gusto nito? Dumating lang ang Rena na iyon ay doon na n

