TIG-ISANG machine gun ang ibinigay kina Paloma ni Maria Ysabel. Okay na rin ito kesa wala, 'di ba? Isa pa, magandang pang-bratatat iyon sa mga zombies na 'yan. Excited na tuloy ulit siyang mang-bratatat. Sana naman ay may aksyon later. Makasalubong sana ulit sila ng mga zombies para makapag-sexy pose na ulit siya. Kating-kati na tuloy si Paloma na gamitin ang baril na iyon! Nakakainis lang kasi inabot na sila ng gabi pero wala silang nakasalubong na zombies. Nauubos na ba ang mga ito? O sadyang zombie-free lang sa lugar na nadaanan nila? At dahil gabi na, nagdesisyon ang lahat na magpahinga muna para may lakas bukas. Inihinto ni Maria Ysabel ang sasakyan sa gitna ng isang malawak na bakanteng lupa. Walang kahit na ano doon kahit na mga kabahayan o gusali. Mukhang safe din at walang bakas

