YES. Iyon ang sagot ng Tres Marias sa idea nina Paloma at Rob na bumalik sa Base Camp Z para sirain ang plano ni Dr. Z. Feel na feel kasi ni Paloma na takot pa talaga ang tatlo na bumalik sa lugar na iyon dahil nga tumakas na nga ang mga ito doon tapos babalik na naman. Pero kailangan nilang sirain ang Project Z para sa ekonomiya. Pak! Ganern! Charot! Kidding aside, kailangan nilang pigilan si Dr. Z sa plano nitong bumuo ng maraming army of zombies para sakupin ang buong Earth. Medyo nakakaloka iyon lalo na kapag ini-imagine niya. Scary! Isasakripisyo muna nila ang paghahanap sa Lucky Seven at pagpunta sa Paraiso para sa mission na iyon. Kapakanan kasi ng buong mundo ang nakasalalay dito. Alangan naman na wala silanng gawin kahit na alam nila ang mga plano ni Dr. Z, 'di ba? Dapat ay magin

