PROLOGUE
Umiiyak ako habang nagmamakaawa sakanya na pabalikin ako. "Please lang renz, pabalikin mo na ako." Nagmamaawa ko habang nakaluhod sa harapan niya.
Maharas niyang hinila ang braso ko. "Kahit anong gawin mo hindi na kita kailanga, hindi ka na namin kailangan ni Chase sa buhay namin, sa tagal mong nawala ngayon ka pa bumalik." Diin na bawat salita nito.
Napayuko ako dahil sa sinabi niya. "M-may dahilan ako kaya ko ginawang iwanan kayo." Umiiyak na paliwanag ko habang nakayuko pa din.
Hinawakan niya ang chin ko at pinaharap sakanya dahilan para magtama yung paningin namin. "Ano ang dahilan mo kung ganon?" Seryosong tanong niya.
Umiling ako. "Hindi ko pwedeng sabihin." Mahina kong sagot.
"Kahit ano gagawin ko, para lang makasama ko kayo ng anak ko." Dagdag ko.
Matiim niya akong tinignan na tila ba isang galaw mo lang masasaktan ka niya. "Hahayaan kita na makasama mo si chase, hahayaan kita na na tumira ulit sa bahay natin pero huwag mong tatangkahin na magpakilala sa anak ko na mommy ka niya." Sabi niya.
Tila nanigas ako dahil sa sinabi niya. "Per—"
"No buts. You know me my wife, hindi ko binabali ang nasabi ko na." Sabi nito bago pumasok sa bahay.