CHAPTER 9

393 Words
After 2 days... Keira's POV Sa loob ng dalawang araw hindi ako lumabas ng apartment, hindi ako pumasok kahit nakakareceive ako ng call from Carina. Sana ay hindi na ako kinamumuhian ng anak ko. Iyon lang ako gusto ko. Noon kasing nakikipaglaban ako sa sakit ko ang tangging lakas ko lang ay ang asawa at anak ko. Pero hindi ko naman inaasahan na ganito ang kahihinatnan ng lahat. Mas mahirap at mas masakit pa kesa sa injection na palaging tinuturok sakin noon. Nakatingin lang ako sa bahay namin ni Renzo, huminga muna ako malalim bago napagdesisyonan na pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan ko si Chase at Renzo na nanonood, hindi ko na lang sila pinansin at dumeretso ako paakyat papunta sa kwarto ko. Humiga ako patagilid, nakatingin sa bintana. Ang bigat pa din ng loob ko hanggang ngayon, sa loob ng dalawang araw hindi ako makatulog ng maayos at hindi ako makakain sa tuwing sumasagi sa isip ko yung sinabi ng anak ko parang may tumutusok na kutsilyo sa dibdib ko. Napaigad na lang ako ng biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ko. Napatingin ako doon at nakita ko si Renzo na seryosong nakatingin sakin. "Where the hell have you been?" Singhal na tanong ni Renzo. "Nagstay ako sa apartment ko." Matamlay na sagot ko. "Edi sana tumawag ka man lang! I'm damn worried about you!" Galit na sabi nito. Tumingin ulit ako sakanya. "I'm tired okay? Iwan mo muna ako kahit ngayon lang." Sabi ko bago patalikod na humiga at pumikit. Narinig ko na lang na nagsara yung pintuan ng kwarto ko at naramdaman ko na lang na may yumakap sakin mula sa likod. Tila parang nanigas ako sa pwesto ko dahil sa ganitong pwesto namin. "I'm sorry, I'm just worried about you." Paumanhin nito. Nag-iinit yung sulok ng mga mata ko dahil sa ganitong pakiramdam. For almost 4 years without him ngayon ko lang ulit nakaranas ng yakap magmula sakanya. Kusa na lang nagpatakan yung luha ko at tahimik akong umiiyak, habang siya nakayakap pa din sakin mula sa likuran. Pinaharap niya ako sakanya at pinunasan yung luha ko. "Shhh. Stop crying." Mahinang sabi nito dahilan para maiyak ako lalo. Yumakap ako sakanya at nagsumiksik sa dibdib niya. Nahihirapan kasi akong umiyak simula this fast few days dahil hindi ko mailabas dahilan na din yung mabigat talaga yung loob ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD