RENZO’S POV
Naramdaman ko na lang na parang may mainit na hininga na tumatama sa dibdib ko.
Napatingin ako kay Keira na ngayon ay mahimbing na natutulog. Napagod siguro sa kakaiyak.
Dahan-dahan kong inalis yung pagkakayakap ko sakanya at pinalitan iyon ng unan para hindi siya magising.
Tumayo na ako at tinitigan siya. Bakas ang pagod sa mukha niya, tila ngayon lang ulit nakatulog ng maayos.
Napabugtong hininga na lang ako habang sumusulyap sakanya. For almost 2 days, hindi siya umuwi.
Hindi ako nakatulog ng maayos sa loob ng dalawang araw dahil sa pag-aalala sakanya, nung una parang kinain ako ng takot na baka iwan niya ulit kami pero may konting pag-asa sa puso ko na uuwi siya at babalik siya samin at hindi ako nagkamali doon.
May troma kasi ako dahil sa ginawa niya, oo nga't iniwan niya kami noon at galit ako pero nawawala iyon ng dalawang araw na hindi siya nagpakita. Nakikita ko naman na bumabawi siya samin, hinahati niya yung oras niya samin ng anak niya kahit may trabaho siya sa hospital.
Yumukod ako at hinalikan siya sa noo, bigla akong napatingin sa labi niya na nakaawang ng konti. Yumukod ako lalo at hinalikan siya sa labi. "It's time for chase to say sorry, my wife." Mahinang sabi ko bago lumabas ng kwarto niya.
KEIRA’S POV
Nagising na lang ako na may maingay akong naririnig. Napamulat ako at nakita ko na tumutunog yung phone ko.
Inabot ko yung phone at sinagot yung tawag kahit hindi ko nakikita yung caller. "Hello?"
"Hello Dra. Keira? Nasaan po kayo? May emergency po kasi ee, may ipapanganak po kayo ngayon." Paliwanag ni Carina.
Napamulat ako. "Okay sige, papunta na give me a time maliligo lang ako." I said while i get up.
Pumasok na ako at mabilisan na naligo, mabilis din akong nagbihis at hindi na ako nagsuklay.
Pagkababa ko nadatnan ko si chase na papalapit sakin. "Baby, not now. May emergency kasi ee."
Nakita ko kung paano bumalatay yung lungkot sa mukha niya. "Where are you going?" Tanong ni Renzo.
"Sa hospital, may emergecy kasi ee." Sagot ko.
Lumuhod ako saka tinignan si Chase na malungkot na nakatingin sakin. "Do you want to come with me?" Tanong ko.
Tumingin ako kay Renzo. "You know, bawal ang bata sa Hospital." Singit na sabi ni Renzo.
"I know, doon siya sa Clinic ko. Babantayan siya ni Carina habang nasa operating room ako." Paliwanag ko.
Ibinalik ko yung tingin ko sa anak ko. "Do you want?" Tanong ko ulit.
Tumango ito at inilahad yung mga braso niya. Pagsesenyas na gusto niyang magpabuhat.
Binuhat ko siya saka kami mabilis na lumabas at nagpara ng taxi dahil wala naman akong sasakyan.
Naramdaman ko na may yumakap sa bewang ko, napatingin ako sakanya. "Sorry tita-mommy." Paumanhin nito.
"It's okay Ise, I know you hate me." I said while i looking to him.
Umiling ito. "It's not like that." Mahinang sabi nito. Binuhat ko siya at pinaupo sa hita ko saka siya niyakap.
Hinalikan ko siya sa noo. "Huwag mo ng isipin pa iyon. You don't have to say sorry."
Tumango ito at niyakap ako. Pagkarating namin sa hospital ay nakatingin samin yung mga nurse at ibang mga doctor.
Pagkapasok namin sa clinic ko ay pinaupo ko siya sa upuan ko. Tumingin ako sakanya at hinalikan siya sa noo. "Dito ka muna okay? I'll be back after an hour." Sabi ko.
May kinuha akong damit saka pumasok sa cr, pagkalipas ng ilan minuto ay lumabas na ako at kinuha yung lab cout ko.
Tumingin ako kay Carina. "Pakibantayan muna yung anak ko." Mahinang sabi ko.
"Okay, Dra. Keira." Sagot nito. Tumingin ulit ako kay chase na ngayon ay naglalaro, bago ako lumabas saka dumeretso sa emergency room.