After an hour, lumabas na ako. Mabilis akong pumunta sa clinic ko. Nadatnan ko si Chase na nakahiga sa hospital bed kung saan ko pinapahiga yung mga buntis na chinecheck-up ko.
Nakahiga ito at mukhang tulog na siya. Nasaloob ng bibig niya yung tumb niya. Napangiti ako habang nakatingin sakanya.
Lumapit ako kay Carina na may tinitignan sa mga listahan ng mga nagpapacheck-up. "Carina, you may go home now. Ako na yung bahala ngayon." Sabi ko.
"Okay po, Dra. Keira. Tatapusin ko lang ito." Pabalik na sabi niya.
Tumango ako. Bago nilapitan si chase, bumalik ako upuan ko at may inasikaso.
Napatayo ulit ako at may kinuhang kumot sa kabinet, saka kinumutan si Chase.
Lumabas muna ako sandali at pumunta ng canteen.
"Ano po yung sainyo Dra. Keira?" Tanong ni Ate Det.
"Isang coffee saka dalawang tinapay." Sabi ko at kumuha ng pambayad sa wallet ko saka ibinigay kay Ate Det.
Nang makuha ko na yung binili ko mabilis akong bumalik sa clinic ko pero bago ako makapasok ay nakasalubong ko si Dr. Robin.
"Good Evening, Dra Keira. Magsstay ka yata ngayon? Nalaman ko din na kasama mo ang anak mo."
"Good evening din. Oo ee, baka kasi emergency na naman biglaan yung pagpapanganak kaya dito na muna ako, sa isa mo pang tanong oo kasama ko yung anak ko." Nakangiting sabi ko.
"Good to hear that. Mauna na muna ako, kahit nga ako nakastay muna ako ngayon dahil may mga tumatawag sakin. Alam mo na kahit anong oras nakabantay yung panganib sa mga tao." Sabi nito.
Tumango ako bago pumasok sa clinic ko, na ngayon ay tulog pa din si Chase.
Inilapag ko muna yung binili kong tinapay at kame. Nilapitan ko si Chase ay ang pinagtataka ko, umiiyak siya.
"Mommy... don't leave me." Umiiyak na sabi nito habang tulog siya.
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko, kahit pala sa panaginip napapaniginipan niya iyon. Nag-iinit yung mata ko, parang gustong bumagsak ng luha ko. Pinunasan ko muna yung mata ko bago mabilis ko siyang niyugyog at nagmulat naman ito ng mata.
"Tita-mommy." Umiiyak na tawag nito at mabilis na yumakap sakin saka ito umiyak sa balikat ko habang nakahilig siya.
Hinaplos ko yung likod niya habang hinehele siya. "Shhh. Stop crying, your mom will not leave you." Pagpapatahan ko.
Humihikbi pa din ito, hinahaplos ko pa din yung likod niya habang bumalik ako sa pwesto ko at nakaupo ito sa hiya ko habang nakayakap pa din sakin.
Kumalas ito sa pagkakayakap sakin at tumingala siya. "Tita-mommy, can you call my dad?"
Pinunasan ko yung luha niya at tumango. "Okay, sandali lang." Sabi ko.
Inabot ko yung phone ko at mabilis na tinawagan yung number ni Renzo.
"Hello? Who's this?" Tanong ni Renzo sa kabilang linya.
"It's me, Keira. Hinahanap ka ng anak mo." Sabi ko.
"Ibigay mo sakanya yung phone sakanya." Sabi nito.
Ibinigay ko naman yung phone ko kay chase at tinanggap naman niya. "Hello daddy? Napaniginipan ko po si mommy. . . Iniwan niya daw po ako." Umiiyak na sumbong nito.
Parang may tumusok sa puso ko dahil sa nasabi ng anak ko, kahit sa panaginip iniwan ko siya. Mabilis kong pinunasan nagbabadya na luha sa mata ko.