CHAPTER 12

397 Words
Tahimik lang ako nakikinig kay chase habang kausap pa din ng daddy niya. "Yes po daddy. Bye po." Paalam nito. Inabot niya sakin yung phone ko. "Tita-mommy, pupunta daw po si Daddy dito." Sabi ni chase Ano na naman gagawin ng lalaking iyon dito? Para akong kinabahan. Ilan minuto lang ay bumukas ang pintuan ng clinic ko at mabilis na pumasok si Renzo. "D–daddy." Naiiyak na naman na tawag ni Chase. Mabilis na lumapit si Renzo sa anak namin at binuhat siya. "Shhh.. Don't cry baby. I'm here." Sabi nito. Habang pinapatahan niya ang anak namin, napatingin siya sakin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Napagdesisyonan ko na tumayo. "Pupunta muna ako sa labas." Pagpaalam ko bago tumalikod. Pagtalikod ko iyon din ang kusang pagbaksak ng luha ko, lumabas na ako sa clinic ko at naghihina na napaupo sa sahig. Hindi ko alam na ganito pala kahirap, na pati sa panaginip nakuha ko pang iniwan ang anak ko. Nadatnan ako ni Dr. Robin na nakaupo sa sahig at umiiyak. "Hey, what happen?" Nag-aalalang tanong nito at hinawakan ako sa kamay saka dahan-dahan pinatayo. Hindi ako sumagot, umiyak lang ako lalo. "Do you want to go Rooftop?" Dagdag na tanong nito. Tumango ako at inalalayan ako papuntang elevator. Nang makasakay kami pinindot ni Dr. Robin yung pinakatopfloor ng hospital which is yung Rooftop. Nang makarating kami sa Rooftop pinaupo niya ako. "What happen?" Ulit na tanong nito. "Nasasaktan ako para sa anak ko, Robin." Umiiyak na pahayag ko sakanya. "Bakit? Anong nangyari?" "Kanina kasi napanaginipan ni Chase na iniwan ko siya, ang sakit kahit sa panaginip nakuha kong iwan ang anak ko." Kwento ko sakanya. "Hindi ko naman sinasadya na iwan ang anak ko kahit si Renzo, pero anong magagawa ko? Nagkasakit ako noon." Dagdag ko pa. "Hindi natin mapipigil yan, lumaki kasi ang anak mo na hindi ka kasama. Hayaan mo muna, darating din yung tamang panahon at ipaintindi mo sakanya kung bakit mo siya iniwan noon, kahit sa asawa mo." Sabi nito. Tumango ako. Napabugtong-hininga na lang ako. "Kahit sa set-up namin ni Renzo nahihirapan ako, ayaw niyang ipaalam ko sa anak namin na mommy niya ako." "Baka natatakot lang siya na baka iwan mo ulit sila." Sabi nito. Lumapit siya sakin at niyakap ako. Humilig ako sa balikat niya at pumukit. "Let me some rest." Bulong na sabi ko sakanya. "Go on." Sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD