RENZO’S POV
Habang buhat ko si Chase, sinusubukan ko na patulugin siya ulit pero ayaw na niya.
Kanina pa lumabas si Keira pero hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik.
"We should find your tita." Your Mommy.
Tumango lang ito at lumabas kami, sumakto naman na may dumaan na nurse sa harapan namin.
"Alam mo ba kung saan si Dra. Morales?" Tanong ko habang buhat pa din si Chase.
"Opo sir, kasama po ni Dr. Robin kanina nung napadaan po ako sa harapan nila. Umiiyak po si Dra. Morales. Narinig ko po na pumunta po sila sa Rooftop ng hospital. Tignan niyo na lang po." Sabi nito.
Umiiyak siya? Dahil ba sa nangyaring pag-iyak ni Chase? "Thank you." Nakangiting pagpapasalamat ko.
"Sige po, Sir. Mauna na po ako." Sabi nito bago kami iniwan.
Sumakay na kami ng elevator. Habang nasa loob kami ng elevator, binasag ni Chase yung katahimikan.
"Dad, pinsan niyo po na si Tita Keira?" Tanong nito.
Umiling ako bilang sagot. "Bakit mo natanong?"
"Pag banggit niyo kanina Dra. Morales."
Kung alam mo lang chase, she's your mom. Your long lost mom.
Hindi na ako sumagot at hinintay na makarating kami sa rooftop.
Nang nasa mismong rooftop kami nakita ko si Keira na yakap doon sa lalake at nakahilig pa ito sa dibdib niya.
Para akong nakaramdam ng inis. Parang gusto kong manuntok. Ibinaba ko si Chase at mabilis na lumapit sa kinaroroonan ni Keira.
"Keira." Madiin na tawag ko sakanya dahilan para mapatingin ito sa gawi ko.
"R–renzo." Gulat na tawag nito sa pangalan ko at tumayo na ito.
"Kanina ka pa namin hinihintay." Matigas na sabi ko sakanya.
Lumapit ako sa kinaroroonan nila at hinila si Keira papunta sa tabi ko. "Subukan mo ulit na hawakan si Keira, sisiguraduhin ko na magkakapasa yang mukha mo." Mabangis na sabi ko bago ko hinila si Keira.
Nang makadaan kami sa pwesto ni Chase na nakangitin sa amin para itong nagtataka. "Let's go chase." Sabi ko at hila-hila ko pa din ang kamay ni Keira.
Nang makapasok kami sa loob ng elevator wala ni isa ang gustong magsalita.
"R–renzo." Bulong na tawag nito pero hindi ko siya pinansin.
"Dad, uuwi na po ba nyan tayo?" Singit na tanong ni Chase."
Tumingin ako sa anak ko na nakatingala sakin. "Oo, walang magstay dito." Sabi ko at tumgin kay Keira. "Lalo na ikaw." Madiin na dagdag ko.
Nakita ko kung paano siya yumuko. Bumukas ang pintuan ng elevator at hinila kong pareho ang kamay ni Keira at Chase.
Pumasok kami sa clinic ni Keira at binitawan ko na yung kamay nila.
"Keira, kunin mo na yung mga gamit mo. Uuwi na tayo." Seryosong sabi ko.
Umiling ito. "Hindi pwede, anytime lang may manganganak na darating dito." Sabi nito.
"Hindi. Uuwi na tayo."
Umiling pa din ito. Napatimiim-bagang na lang ako dahil nagpipigil ako pero hindi ko magawa. "Sabi ng uuwi na tayo! No one will stay here, specially you!" Galit na sigaw ko.
Nakita ko kung paano siya nagulat dahil napatalon pa siya. "I–ito na, kukunin ko lang yung g–gamit ko." Medyo nabigla pa din na sabi niya at pumunta sa mesa niya saka kinuha yung bag niya.
Tumingin ako kay Chase. Hindi pa din nagbabago yung expression ng mukha niya, mukhang nagulat din ito dahil ngayon niya lang nakita kung paano ako sumigaw.