KEIRA’S POV
Napano ba siya? Dahil ba sa nakita niya? Napabugtong hininga na lang ako.
Napatingin ako sa relo ko. 10:30 pa lang ng gabi. Ganito kasing oras nakastay pa ako sa hospital, minsan kasi biglaan yung mga nanganganak.
"Tita?" Tawag pansin ni Chase.
Napabugtong hininga ako, hanggang kailan niya ba ako tatawagin na Tita?
Napatingin ako sa back seat, "Ano iyon, Chase?"
"Are you okay?" Tanong nito. Tumango ako at ngumiti ng tipid.
Bakit hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala dahil sinigawan ako ni Renzo? Ngayon lang niya ako sinigawan, noong nagsasama pa kami hindi niya ako sinisigawan pag galit siya. Ngayon lang talaga.
Napatingin ako sa salamin, biglang nagtama ang tiningan namin ni Renzo. Mabilis na nag-iwas ako ng tingin saka ibinaling ang atensiyon ko sa labas ng bintana.
Nakarating kami sa bahay na hindi ako umiimik. Ang mag-ama ko lang ang nag-uusap.
Buhat ko si Chase habang papasok kami sa loob ng kwarto niya. Maingat ko siyang ihiniga sa kama.
"Good night, Chase." Hinalikan ko siya sa noo.
"Good night too, Tita Keira."
Lumabas na ako sa kwarto niya saka pumasok naman sa kwarto ko. Hinubad ko lahat ng saplot ko sa katawan saka humiga sa kama.
Nang bigla akong manigas ng maramdaman ko na may pumalupot sa bewang ko.
"Renzo. ."
"Hm?" Naramdaman ko na lang na may malambot na lumalapat sa leeg ko pababa sa colar bone.
Inalis ko yung braso ni Renzo sa bewang ko saka tumalikod sa kaniya. "Lumabas ka na, magpapahinga na ako."
Mukhang hindi ito nakinig dahil pumalupot pa din ang kamay nito sa bewang ko kahit nakatalikod ako sa kaniya.
"No, I'm staying."
Humarap ako sa kaniya. "Hindi mo ba naiintindihan? Lumabas ka na." Matigas na sabi ko.
Binuksan niya yung lamp shade sa side table. Nababakas ang pagkaseryoso nito. "What's wrong?"
"Wala. Lumabas ka na at matulog ka na."
"No!" Giit nito.
Tinalikuran ko siya ulit, tahimik lang ako ng bigla akong manigas dahil nararamdaman ko na may dumadampi sa balikat ko.
"Renzo. ."
"Why are you acting like this? Dahil ba sinigawan kita?"
Hindi ako umimik hanggang pinaharap niya ulit ako sa kaniya.
"Am I right?"
"That was the first time, Renzo."
"I know, and I'm sorry for that."
Tumango ako. "Why did you shout me?"
Umiwas ito ng tingin. "Matulog ka na."
"Hindi mo man lang ba ako sasagutin?"
"You've sleep."
Mukhang umiiwas ang mokong.
***
KINABUKASAN maaga akong nagising, at natulog pa si Renzo sa tabi ko.
Hindi ko naman siya mapigilan dahil kagustuhan daw niya na makatabi ako.
Iniisip ko kung mahal pa ba niya ako sa kabila ng nagawa ko sa kaniya.
Hinihintay ko lang na siya mismo umamin sa akin na gusto niya pa talaga akong bumalik sa buhay niya.
Pumasok ako sa banyo, naghubas na ako ng damit. Napatingin ako sa salamin ng may mapansin ako sa salamin.
Mabilis na lumapit ako ng makita kong pasa iyong nakikita ko. Napalunok ako bigla, hindi puwede na bumalik ang sakit ko.
Hindi ko muna pinansin, hindi ko muna pinagsawalang bahala. Baka magkakamonthly lang ako ganon, pero hindi. Dalawang pasa ang nasa parte ng katawan ko.
Naligo muna ako bago lumabas. Tulog pa din si Renzo. Nagbihis muna ako bago kinuha yung phone ko, kailangan kong tawagan si Kim.