CHAPTER 15

436 Words
ILAN RING lang ay may sumagot na sa kabilang linya. "Hello Keira, napatawag ka?" "May kailangan lang akong sabihin." "Ano iyon, ayaw mo ba na sa personal na lang? Hindi ka ba pupunta sa hospital?" "Siguro sa phone na lang muna at pupuntahan na lang kita sa clinic mo, Kim." "Ano ba iyong sasabihin mo?" Huminga ako ng malalim bago napasabunot sa buho ko. "I think my sickness is back." "What do you mean?" "May pasa ako sa katawan at dalawa pa, hindi naman puwede na may monthly ako ngayon dahil kakatapos ko lang. What shoud I do now? Kung kailan bumabawi na ako sa mag-ama ko, doon pa bumalik." Naiiyak na saad ko. "Calm down okay? Go to my office now. I will check you up." "Okay, magbibihis lang ako." Sabi ko bago ibinaba yung tawag. Pinunasan ko muna yung luha ko bago ako pumunta sa kabinet para kumuha ng damit. Nang makabihis ako humarap ako sa vanity mirror. "Hindi puwede." Mahinang bulong ko. Napaigad na lang ako sa gulat ng may magsalita sa likuran ko. "Sino ang kausap mo kanina?" Humarap ako sa kaniya. "W—wala si Dr. Kim lang." Matiim itong tumingin sa akin na tila ba hinahalungkat nito ang mga mata ko. "Did you cry? Why?" Kunot-noo na tanong nito. "W–wala naman." Mahinang bulong ko. "Are you sure?" Tumango ako. "Yes." Lumapit ito lalo sa akin at niyakap ako. Napapikit na lang ako saka nilasap ang pagkakayakap nito sa akin. Nakayakap ito sa akin, nang may kumatok sa pintuan. "Bukas yan." Bumukas ang pintuan at sumilip doon si Yaya Minda na nakangiti sa amin. "Bakit, Ya?" "Wala naman, hinahanap kayo kasi ni Chase." "Tita and Dad are here?" Rinig ko na tanong ni Chase na mukhang nasa labas. "Oo." Sumilip din si Chase sa pintuan at mabilis na pumasok saka lumapit sa kinaroroonan namin. "Don't hug Tita, Dad." "Why?" "Because my mom will be mad, if she go home." Kumalas naman si Renzo sa akin. "Okay, I'm sorry." Tumingin si Chase sa akin. "Don't let him, Tita." Tumango ako. "Yes, I will." Tumayo na ako at kinuha yung bag ko. "Where are you going, Keira?" Napatingin ako kay Renzo. "Sa hospital lang." "But it's saturday." "Oo nga, may kailangan lang akong asikasuhin." "Okay, take care." Saad nito. Tumango ako, pumantay ako kay Chase at hinalikan siya sa pisngi. Tumayo na ako at aakmang aalis ng magsalita na naman si Renzo. "What about me? No kiss?" "Magagalit daw kasi ang Mommy ni Chase." Makahulugan na sabi ko. Napangiti lang ito, lumabas na ako. Kailangan ko ng pumunta sa Mondragon General Hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD