"WHAT SHOULD I DO NOW, DR. KIM?" May lungkot na tanong ko.
"If anything happen within 1 week, we have no choice but you will go under chemotheraphy."
Para akong nanlumo dahil sa sinabi ni Dr. Kim. "Kung kailan bumabawi na ako sa mag-ama ko doon pa bumalik."
"You should tell Renzo about your condition."
Umiling ako. "Hindi puwede."
"Asawa mo siya."
"Kahit na."
Hindi na ako umimik at napatulala na lang.
"Bibigyan kita ng panahon para sabihin sa asawa mo ang kalagayan mo. If you don't, I'm sorry to tell you Keira. I will be the one who will tell your husband about your condition."
Napatango na lang ako. Tumayo na ako. "Uuwi na muna siguro ako."
"Okay, take care."
***
ONE WEEK na ang lumipas ng malaman ko na may nagbabago na naman sa katawan ko.
Inumpisahan ko na din magpachemotheraphy. Patago, hindi ko na din hinahayaan na matulog si Renzo sa tabi ko dahil baka makita niya pa ang side effect ng chemotheraphy.
Nanlalambot na napahiga ako sa kama. Pakiramdam ko kasi sobrang pagod ang katawan ko, isa ito sa side effect. Fatigue.
Narinig ko na lang na may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. "S–sino yan?"
"It's me, Renzo."
"Anong kailangan mo?"
"Hindi ka ba sasabay na kakain sa amin?" Sigaw na tanong nito mula sa labas.
Lumunok muna ako. "H–hindi na." Sigaw ko pabalik.
"Sumunod ka na lang pag nakaramdam ka ng gutom."
Hindi na ako umimik, pumikit na lang muna ako. Siguro kailangan ko munang umuwi sa apartment ko.
"Hindi ko alam kung ano gagawin ko."
Kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo. Pumunta ako sa cabinet at kumuha ng pares na damit at short, saka nilagay sa malaking bag.
Lumabas na ako ng kwarto habang dala-dala ang bag ko na may laman na gamit, hanggang mapadaan ako sa dinning area.
Napatingin ang mag-ama sa akin, si Renzo ay napatingin sa dala kong bag.
"Where are you going?" Seryosong tanong nito.
"A–ano, uuwi muna ako sa apartment ko."
Kumunot ang noo nito. "No. You're not allowed."
"Kailangan lang."
"Dito ka na umuuwi, so you can't go back to your apartment anymore."
Nanlulumo na napaupo ako sa sahig habang nakatingin sa kanila. "Hindi puwede."
Tumayo ito at pumunta sa kinaroroonan ko. Pinatayo niya ako. "Nanghihina ako." Bulong ko.
Nagulat na lang ako ng binuhat niya ako."Are you okay?" Nag-aalala na tanong nito.
Tumango ako at pumikit. "Ibalik mo na lang ako sa kwarto ko."
Papasok na sana kami sa kwarto ko pero ibang silid ang pinuntahan namin. "Renzo. ."
"You will rest in my room, our room." Mahinang bulong nito sa panghuli.
Ihiniga niya ako dahan-dahan. Napatingin lang ako sa kaniya. "Thank you."
Naramdaman ko na lang na may lumapat sa noo ko. "Get well soon, wife."