NAPAGISING na lang ako na para bang hinahalungkay ang sikmura ko.
Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Renzo sa katawan ko bago ako tumayo.
Tumakbo ako papuntang banyo at doon, halos mailabas ko na yata lahat ng nakain ko.
Naramdaman ko na lang na may humahaplos sa likuran ko. Napatingin ako sa kaniya.
"Go back to sleep." Nanghihina na sabi ko.
"Are you okay?" Na para bang walang narinig.
Tumango ako at tumayo ng maayos. "Go back to sleep." Ulit na sabi ko.
"How about you?"
"Bababa muna ako para uminom ng tubig."
Tumango ito. "Pag masama pa din ang pakiramdam mo, sabihin mo sa akin."
Hindi na ako umimik, bumaba na lang ako at pumunta sa kusina.
Nang makarating ako nanghihina na napaupo ako sa sahig at napaiyak na lang bigla. "Ito na naman ako."
Pinunasan ko muna yung luha ko bago ako uminom at bumalik sa kwarto ni Renzo.
Pagkabukas ko ng pintuan ay pumasok kaagad ako.
Umupo muna ako sa kama habang pinagmamasdan si Renzo. "Mukhang mawawala na naman yata ako."
"Ang duwag mang isipin pero ayokong maging pabigat sayo. Iniisip ko na baka pang-unahan na naman kita sa pagdedesisyon."
"Mahal na mahal kita, Renzo." Yumakap ako sa kaniya.
***
KINABUKASAN Pagkarating ko sa bahay may naririnig akong umiiyak kaya dumeretso ako papasok at nakita ko na pinapalo ni renz si chase.
"Renz!" Tawag ko ng makuha ko si chase. Binuhat ko siya saka hinahaplos yung likod niya.
"Shhh. Stop crying baby, anong nangyare? Tell to tita." Sabi ko.
"Mommy, h–hindi ko n–naman sinasadya na pumasok sa room niya ee." Umiiyak na sabi niya pero natigilan ako ng marealize ko kung anong itinawag niya sakin.
Tumingin ako kay Renz na ngayon ay nakatingin samin. Ibinaba ko si chase saka tinitigan.
"Ise, pumunta ka muna sa room mo then mag-uusap tayo mamaya."
Tumango siya. "Dalian niyo po ah." Sabi niya bago tumakbo papuntang second floor.
Tumingin ako kay renz. "Bakit mo sinasaktan si chase?" Mahinahon pero may halong pagod na tanong ko.
"Pumasok siya sa kwarto ko na walang pahintulot. Ayoko sa lahat yung pumapasok sa kwarto ko na walang paalam."
"Ano ka ba naman. Bata lang yun pinatulan mo pa. Masyado ka naman mahigpit porke pumasok sa kwarto mo." Sabi ko sakanya.
"You don't care."
"Magsorry ka kay chase." Sabi ko.
"No!" Matigas na sabi nito.
"Ganyan ka pa din hanggang ngayon!"
Napairap na lang ako saka siya iniwan. Naririnig ko pa siyang sumisigaw.
"Hey! Wife where are you going?!" Galit na tanong nito.
Nakakainis minsan hindi mo alam kung ano talaga itatawag sakin.
Dumeretso ako sa kwarto ni chase nakita ko siya na nakatingin sa bintana. Sinarado ko yung pintuan saka lumapit sakanya.
"Chase."
Tumingin ito sakin. "Mommy." Naiiyak na tawag niya.
"W–what?" Tila gulat na sabi ko dahil sa pagtawag niya sakin ng mommy.
"I know you're my mommy." Umiiyak na sabi nito.
Nagsimulang nagpatakan yung luha ko. "H–how?"
"I'll enter daddy's room tapos nakita ko yung picture mo doon together with him. I'm sorry mommy nung sinuway kita sa paghalik mo kay daddy."
Pinaupo ko siya sa hita ko. "Shhh. It's okay baby. Pasensiya na hindi umamin si Mommy ah, yun kasi ang kundisyon ni Daddy bago umuwi dito si Mommy noon last 2 months." Paliwanag ko.
"Pero bakit niyo kami iniwan?" Malungkot na tanong niya.
Pinunasan ko yung luha niya kahit ang akin pinunasan ko. "May nangyari kasi kay mommy kaya hindi ako nakauwi kaagad." Pagpapaliwanag ko.
"Ano pong nangyari mommy?"
"Basta baby. Hindi mo pa maiintindihan kasi masyado pang maaga." Sabi ko.
"Okay. I'll respect your main purpose kung bakit niyo po kami iniwan ni daddy."
Niyakap ko siya dahil sa sinabi niya. "Baby? Pwede mo bang bigyan ng favor si mommy?"
Tumingala ito sakin. "Ano po iyon mom?"
"Pwedeng huwag mo munang ipapaalam kay daddy mo na alam mo na ako ang mommy mo?"
"Bakit po?" Nagtatakang tanong nito.
"Magagalit kasi si daddy mo. Galit pa siya sakin." Malungkot na sagot ko.
"Okay po." Sabi nito saka ako niyakap.
Pumikit ako saka sumandal sa upuan habang nakaupo si chase sa hita ko.
RENZO
Huminga ako ng malalim bago napagpasyahan na puntahan si Chase.
Pagkapasok ko sa kwarto niya, nakita ko siya na nakatingin sa mommy niya na ngayon ay nakasandal sa sofa at nakapikit.
Nakita ko kung paano hinalikan ni chase ang noo niya bago bumaba sa kandungan nito.
Napatingin ito sa gawi ko na tila ba parang gulat siya. "D–dad."
Lumapit ako sakanya saka siya binuhat. "I'm sorry for what i did."
Ngumit lang siya ng tipid. "It's okay dad, I understand." Sabi nito.
"How?"
"Tita-mommy, explain awhile ago kung bakit ayaw mo. Masyado daw po kasing private, na papasok ang bata na katulad ko sa room niyo." Paliwanag nito.