CHAPTER 7

490 Words
KEIRA’S POV Kumakain kami ng dessert, yung ibang kasama namin ay nagsiuwian na kaya lima na lang kaming naiwan sa table namin. Nagulat na lang ako ng may biglang yumakap sa bewang ko. Napatingin ako kung sino yung yumakap sakin. "Chase." Gulat na bulalas ko. Napatingin ako sa mga kasama ko na ngayon ay nakatingin sa anak ko. "Siya ba iyon?" Makahulugan na tanong ni Finny. Tumango ako saka ibinalik yung tingin ko kay chase na ngayon ay nakatingala sakin habang nakangiti. "Who's with you?" Tanong ko. "Si daddy po." Sagot nito. Tumingin ako sa gawi ni Renzo na ngayon ay nakatingin din pala sakin pero wala mababakas na emosyon sa mata niya. "Tita, let's go. Doon po tayo sa table namin." Anyaya ni chase. "Pero baby, may kasama kasi si tita ee." Pagdadahilan ko. Umalis ito sa pagkakayakap sa bewang ko at nakita ko kung paano ito sumingot. "Fine." Padabog na sabi nito saka tumakbo. Tumingin ako sa mga co-doctors ko. "Bakit tita ang tawag sayo? Himbis na mommy?" Tanong ni finny. Napabugtong hininga na lang ako. "Iyon kasi yung kagustuhan ni Renzo, you know him galit siya sakin. I don't have any chance to tell him the truth." I said to her. Kinuha ko yung bag ko at tumingin sakanila. "Susundin ko muna yung anak ko, pasensiya na." "It's okay, go now." Singit na sabi ni Kim. Ngumiti ako sakanya bago tumayo at tumingin sa paligid, nang makita ko yung table 18 kung nasaan sila ay dali-dali akong pumunta doon. Nakita ko na umiiyak pa din si Chase na ngayon ay pinapatahan ni Mama. "She's not coming with me. She chooses her co-doctors over me." Naiiyak na sumbong ni Chase, parang lumambot yung expression ko dahil sa sinabi ni chase. Hindi pa ako lumapit masyado sakanila ay narinig ko yung sinabi ni mama. "She's just celebrating with her co-doctors, chase." Paliwanag ni mama. "I don't care. I hate her." Para akong binagsakan ng malaking bato dahil sa narinig ko mula sa anak ko. Bago pa man nila ako mapansin ay lumayo na ako. Mahirap din kasing tanggapin na mula pa sa anak ko nanggaling iyon. Ngayon ko lang naranasan, si Renzo ni hindi niya sinabi sakin iyon kahit na galit siya sakin. Lumabas na ako ng Ayala Restaurant at nagpara ng taxi. Para tuloy akong lalagnatin ngayon. Kahapon lang ako nagstay pero nagkapalagayan na kami ng loob ni Chase pero isang iglap para nawala lahat. "Ma'am okay lang po ba kayo? Umiiyak po kasi kayo." Tanong ni manong driver Napahawak ako sa pisngi ko at mabilis na pinunasan yung luha ko. "Okay lang po ako." Sagot ko. Nang makarating ako sa apartment ko ay nagpababa na ako sa tapat ng apartment ko at mabilis na pumasok sa loob saka pabagsak na humiga sa sofa. Siguro dito muna ako ng ilang araw at uuwi na lang ako sa bahay namin after 2 days. Iwas sakit ng nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD