Umupo kami sa waiting area dahil wala naman kaming pasyente ngayon dito sa hospital.
"Dapat palagi mong iniinom yung mga vitamins at yung ibang gamot mo dahil baka posibleng bumalik yung sakit mo."
Napabugtong hininga na lang ako dahil sa sinabi niya, walang magbabago na dahil sa Leukemia galit pa din si Renzo sakin. "I know pero kumukuha lang ako ng timming dahil nakatira ako sa bahay ng asawa ko ngayon." Paliwanag ko.
"Okay, just don't forget. By the way, kakain tayo sa labas kasama yung mga co-doctors natin sa Ayala Restaurant."
"Anong oras?" Tanong ko, baka kasi hanapin ako ni Chase.
"Around 8:00. Sumabay kana sakin." Sabi nito.
Tumango na lang ako saka napagdesisyonan na magpaalam dahil pupunta pa ako sa clinic ko.
Siguro itetext ko na lang si Yaya Minda mamaya, wala din naman kasi akong number ni Renzo.
***
Tumayo na ako at inalis yung lab coat ko saka kinuha yung bag ko, naitext ko na din si Yaya Minda na malalate ako ng uwi ngayon.
Dumaan ako sa table ni Carina na ngayon ay kasalukuyan nag-aayos ng gamit. "Carina, pagkatapos mo dyan patayin mo yung mga ilaw okay? Then uwi kana para makapagpahinga ka. Aalis kasi kami nila Dr. Kim ngayon kasama yung mga co-doctors namin." Paliwanag ko.
"Okay po, Dra. Keira. Ingat po kayo." Sabi nito.
Tumango ako bago lumabas ng clinic. Sumakto naman nasa labas ng clinic ko si Dr. Kim. "Let's go? Nauna na sila Dr. Robin."
"Tara, enjoy muna tayo ngayon, para matanggal yung pagod." Natatawang sabi ko at sabay kaming lumabas sa hospital, binagbuksan niya ako ng pintuan at sumakay na ako. Siya naman ay pumunta sa kabila.
Habang nasa biyahe kami nakatingin lang ako sa bintana. "Ngayon, wala tayo sa hospital you can call me kim. Nakakailang na Dr. Kim palagi." Natatawang sabi nito.
Bigla tuloy akong napatawa. "Oo nga ee, pero we don't have a choice kundi ilagay iyon. That's our profession." I said while looking to him.
Nang makarating kami sa Ayala Restaurant, pumasok na kami sa loob ng Ayala Restaurant. Nakita ko na kumaway yung mga co-doctors namin, ngumiti ako sakanila saka kami lumapit ni Kimshin sakanila.
"Kayo aa, magkasabay nanaman kayo." Tukso ni Romeo.
Umupo na ako at umupo si Kim sa harapan ko. "Kayo naman, masama ba iyon? Pareho din naman kami ng pupuntahan." Sabi ni Kim.
"Oo nga naman, makatukso kasi kayo ee." Natatawang sabi ko.
RENZO’S POV
Pagkauwi ko galing trabaho nadatnan ko si Chase na nanonood ng cartoons sa living room. Kaya lang naman ako umuwi dahil may family dinner sa Ayala Restaurant.
Lumapit ako kay chase at tumingin ito sakin saka siya ngumiti. "Good evening daddy." Bati nito.
"Good evening too, Baby. Where's your Tita Keira?" Tanong ko.
Sasagot na sana si Chase, sumakto naman na pumasok si Yaya minda sa living room. "Sir, nagtext po pala sakin kanina si Ma'am keira, pinapasabi niya po na baka late po siyang uuwi dahil may pinuntahan po sila ng mga co-doctors niya." Paliwanag nito.
Saan naman yon nagpunta? Kumunot yung noo ko dahil sa narinig ko. "Ganon ba? Okay, salamat."
Tumingin ako kay Yaya Minda. "Minda, pakipaliguan si Chase saka siya pakibihisan ng Semi-formal." Sabi ko.
"Where are we going dad?" Tanong nito.
"We have family dinner." I said.
Tumango lang si chase bago tumayo at nagpasama kay Yaya minda.
After 15 minutes ay bumaba na si Chase. "Let's go na po." Anyaya ni chase.
Natatawang binuhat ko siya saka kami lumabas at pinaupo ko siya passenger seat, pumunta ako sa kabilang side saka pumasok sa driver seat.
Nang makarating kami sa Ayala Restaurant, pumasok kami sa loob at papunta na sana kami sa table kung nasaan si dad ng biglang nag-iba ang pinuntahan ni Chase. Sisitahin ko na sana siya ng pumunta si Chase sa pwesto ng mommy niya.
Anong ginagawa niya dito? Kung co-doctors ang kasama niya nasaan ang iba? Iilan na lang silang nasa table number 12.
Tumingin sakin si Keira na tila parang gulat pa din. Walang emosyon ko siyang iniwan kasama si Chase at pumunta sa table number 18.
"Where's Chase?" Bungad na tanong ni Dad ng makaupo ako.
"He's with her mom." Sagot ko.