Pagkatapos namin kumain, umalis na si Renzo dahil may trabaho pa ito.
Binuhat ko si Chase at pumunta kami sa may garden at doon pinaupo si chase, umupo ako sa katabing upuan nito.
"Tita, bakit po kayo dito nakastay?" Tanong nito.
Tumingin ako sakanya. "Hindi pwedeng sabihin ee. Sorry Ise."
"Okay lang po. I understand po." Sabi nito. Ngumiti lang ako sakanya.
***
Lumipas ang ilan oras ay naligo at nagbihis na ako. Lumapit ako kay ise at umupo sa tabi niya.
"Ise, kay Yaya Minda ka muna okay? May trabaho pa kasi ako." Pagdadahilan ko.
"Ganon po ba? Ano po oras kayo uwi?" Tanong nito.
"Hindi ko alam ee, depende kung madami akong ginagawa baka hindi na ako makauwi." Paliwanag ko.
"Ingat po kayo doon okay?"
Tumango ako. Hinalikan ko muna siya sa noo bago tumayo. Nilapitan ko si yaya minda.
"Yaya, pakialagaan muna si Ise aa? May trabaho pa ako."
"Naku, Mrs. Morales. Ako na ang bahala." Nakangiting sabi nito.
"Huwag kang maingay baka marinig ka ni Ise, ayaw kasing ipaalam ni renzo sa anak namin na mommy niya ako." Sabi ko sakanya.
"Nakakalungkot naman po iyon ma'am, huwag po kayong mag-alala hindi ko po ipagkukwento." Sabi nito.
Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Salamat, mauna na ako." Pagpaalam ko bago lumabas ng bahay.
Pagkarating ko sa hospital dumeretso ako sa clinic ko at umupo. Kasalukuyan akong nagbabasa ng may kumatok. "Pasok." Malakas na sabi ko.
"Dra. Keira nakasced. po ngayon si Mrs. Villanueva para sa check-up niya." Sabi nito.
"Nandyan na ba?" Tanong ko.
"Opo, nasa labas na." Sagot ko.
"Osige, papasukin mo na." Sabi ko.
Ilan segundo lang ay pumasok na si Mrs. Villanueva kasama ang asawa niya. "Good afternoon Mrs. Villanueva, have a seat." Paanyaya ko.
"Good afternoon din, Dra. Keira." Bati nito bago umupo.
"Ready na po ba kayo?" Nakangiting tanong ko.
"Oo, Dra. Keira. Excited na ako na malaman kung anong gender ng anak namin." Sagot nito.
Tumayo ako at pinahiga si Mrs. Villanueva sa hospital bed at pinataas yung damit niya hanggang ilalim ng dibdib. May nilagay akong gel sa tyan niya at ipinahid iyo habang tumitingin sa monitor.
"Nakikita niyo po ba iyon Mrs. Villanueva? Dalawang lalaki po yung magiging anak niyo." Nakangiting sabi ko sakanya.
"Talaga?" Hindi makapaniwala na sabi nito at naluluha pa siya. "Sweetheart nakikita mo ba iyon? Kambal daw ang magiging anak natin." Naiiyak na sabi ni Mrs. Villanueva sa asawa niya.
Nakangiting nakikinig lang ako sakanilang dalawa. Matapos ng check-up niya ay niresetahan ko siya ng vitamins para mas maging malusog paglabas yung kambal.
"Thank you Dra. Keira. Mauna na kami." Paalam nito.
"Osige po, mag-iingat po kayo." Sabi ko.
Napasandal na lang ako sa upuan ko at napapikit. Ang laking adjustment pala ang kakailanganin ko para kay Renzo.
Napagdesisyonan ko na tumayo at lumabas ng clinic ko dahil wala naman masyadong nagpapacheck-up ngayon.
Pumunta ako sa may nurse station at nadatnan ko si Dr. Kim. "Good afternoon, Dra. Keira." Bati nito.
"Good afternoon, Dr. Kim." Pabalik na bati ko.
"Kamusta yung kalagayan mo? Iniinom mo pa ba yung mga vitamins na nireseta ko sayo?" Tanong nito.
"Okay naman ako, palaging pagod dahil minsan emergency pa yung panganganak sa mga pasyente ko. Sa isa mo pang tanong, minsan nakakaligtaan ko dahil sa mga ginagawa ko." Sagot ko.