CHAPTER 4

413 Words
Pabagsak akong napahiga sa sofa ng makarating ako sa dati naming bahay ni renz. Halos hindi ko na nailagay ng maayos yung gamit ko dito sa sala. Pumikit na ako kahit na hindi ko pa naalis yung heels na suot ko. RENZO Kasalukuyan akong nagbabasa ng mga papeles ng makarinig ako ng ingay. Iniwan ko munang pansamantala yung binabasa ko saka bumaba. Pagkababa ko nadatnan ko si Keira na nakadapa habang nakahiga sa sofa. Napailing na lang ako. Galit ako sakanya, oo pero hindi ko pa din naman maiwasan na hindi mag-alala sakanya. Lumapit ako sakanya saka siya tinitigan. "Don't be too tired my wife." Bulong na sabi ko habang hinahaplos ang buhok niya. Mahal ko pa din siya, hindi ko naman maipagkakaila yon pero galit pa din ako. Habang nandito siya sa bahay at nag-aalaga sa anak namin, hindi ako kampante na hanggang doon lang dahil baka iwan niya ulit kami. Binuhat ko siya saka umakyat, napatingin ako sakanya bakas sa mukha niya ang sobrang pagod. Pumasok ako sa tabi ng master's bed room at ang kwaro ni Chase nasa pagitan ng gitna ang kwartong ito. Dahan-dahan ko siyang hiniga sa kama saka inalis ang suot niyang heels. Bumaba ulit ako saka kinuha yung maleta na dala niya saka dumeretso ulit sa kwarto niya. Binuksan ko yung maleta niya saka kumuha ng sando ang short na isusuot niya. Lumapit ako sakanya saka maingat na inalis ang damit niya kasunod ang bra. Isinuot ko sakanya yung sando kasunod yung short niya. Kinumutan ko siya bago lumabas ng kwarto niya. KEIRA KINABUKASAN ay nagising na lang ako na nasa isa akong silid. Bakit ano nandito? Ang pagkakaalam ko ay sa sala ako natulog. Bumangin ako ng mapansin ko na iba yung suot ko. Huwag niyong sabihin na si renz ang nagbihis sakin? Nakakahiya. Naghilamos muna ako saka nagsipilyo bago bumaba. Nadatnan ko sila na nag-aagahan. "Seat beside me." Pautos na sabi ni Renz. Sumunod naman ako saka tumingin kay Chase. "Good morning Ise." Nakangiting bati ko. "Good morning din po tita kei." Bigla akong natigilan dahil sa tinawag niya sakin. Kailang kaya ako tatawagin na 'mommy' ng sarili kong anak? Tipid lang na ngiti ang naisagot ko saka tahimik na kumain hanggang binasag ni Renz ang katahimikan. "May trabaho ka?" Tanong niya. Tumango ako. "Oo, mamaya pa naman 3:00." Sagot ko. "Good, ikaw ang magbabantay pansamantala kay Chase. Tutal wala siyang pasok." Sabi nito. "Okay." Tipid na sagot ko bago ipinagpatuloy yung kinakain ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD