CHAPTER 3

522 Words
Umiiyak ako habang nagmamakaawa sakanya na pabalikin ako. "Please lang renz, pabalikin mo na ako." Nagmamaawa ko habang nakaluhod sa harapan niya. Maharas niyang hinila ang braso ko. "Kahit anong gawin mo hindi na kita kailanga, hindi ka na namin kailangan ni Chase sa buhay namin, sa tagal mong nawala ngayon ka pa bumalik." Diin na bawat salita nito. Napayuko ako dahil sa sinabi niya. "M-may dahilan ako kaya ko ginawang iwanan kayo." Umiiyak na paliwanag ko habang nakayuko pa din. Hinawakan niya ang chin ko at pinaharap sakanya dahilan para magtama yung paningin namin. "Ano ang dahilan mo kung ganon?" Seryosong tanong niya. Umiling ako. "Hindi ko pwedeng sabihin." Mahina kong sagot. "Kahit ano gagawin ko, para lang makasama ko kayo ng anak ko." Dagdag ko. Matiim niya akong tinignan na tila ba isang galaw mo lang masasaktan ka niya. "Hahayaan kita na makasama mo si Chase, hahayaan kita na tumira ulit sa bahay natin pero huwag mong tatangkahin na magpakilala sa anak ko na mommy ka niya." Sabi niya. Tila nanigas ako dahil sa sinabi niya. "Per—" "No buts. You know me my wife, hindi ko binabali ang nasabi ko na." Sabi nito bago pumasok sa bahay. Napaupo ako habang nakatingala sa bituin. "Ganito pala. Ang hirap pala." Naiiyak na sabi ko. Huminga muna ako ng malalim bago pinupasan yung pisngi ko. Tumayo na ako, pabalik na sana ako sa loob ng tumunog yung phone ko. Kinuha ko yung phone ko saka tinitigan kung sinong tumawag. Si Carina, assistant ko. "Hello Dra. Keira?" "Hello Carina? Natapatawag ka?" Tanong ko. "Opo, pasensiya na po sa abala Dra. Keira pero kailangan niyo pong pumunta dito sa hospital may tatlo po kayong ipapanganak na pasyente." Napabugtong hininga ako dahil sa sinabi ni Carina sigurado na para akong lantang gulay mamayang kauwi. "Okay sige, papunta na ako." Sabi ko. Pumasok na ako sa loob at nakita ko sila na nasa sala, mukhang tapos na silang kumain. Kinuha ko yung bag ko. Tumingin ako sakanila. "Ma, Pa. alis na po muna ako." Paalam ko. "Saan ka pupunta? Oras na." Tanong ni Papa. "May emergency lang po sa hospital, pa." sabi ko. "Hindi mo ba pwedeng ipagpabukas na lang?" Singit na tanong ni Mama. Umiling ako. "Tatlo po ang maipapanganak ko ngayon, Ma." Sagot ko. Lumapit ako kina Renz na tila ba nagulat siya sa paglapit ko. "Alis na muna ako." Tumango lang ang naisagot niya pero nagsalita siya. "Uuwi ka sa bahay, pack your things, wala minsan mag-aalaga kay Chase." May ibinigay itong susi, tila familiar na bagay. "In case na malate ang uwi mo." Sabi nito pero hindi tumitingin sakin. Napangiti ako saka siya bigla hinalikan sa pisngi. Tumingin ako kay Chase na nakatingin sakin. "Bawal niyo po siya halikan ng ganon, magagalit po ang mommy ko." Napatingin ako kay Renz. "Mommy?" Tagkakatang tanong ko. Hindi siya sumagot pero pahiwatig na tingin lang ang ibinigay niya dahilan para magets ko. Alam siguro ni Chase na may mommy siya pero hindi niya alam na ako iyon. "Pasensiya na Ise." Paumanhin ko. Nakakamiss na itawag siya na Ise. Hinalikan ko siya sa pisngi bago lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD