CHAPTER 2

511 Words
AFTER 1 WEEK ay family dinner na nila dale, medyo kinakabahan ako sa mangyayari. Nasa tapat kami ng bahay ng parents ni dale, parang ayong pumasok sa loob. "Ate Kei, tara na." Anyaya ni dale. "Kinakabahan ako dale." Sabi ko. Hinila niya ako papasok ng bahay kaya wala akong nagawa. Napahinto sila lalo na si renz na ngayon ay nakatingin sakin. "Hija. You are here." Tila gulat na sabi ni mama. "Pasensya na, Ma." Paumanhin ko. Tumingin ako kay Renz habang nakakandong sakanya ang anak namin. "Are you okay, Keira?" Tanong ni papa. Tumingin ako. "Opo Pa, okay lang po ako. Okay na po." Makahulugan na sabi ko. Ngumiti sila. "Good to hear that." Sabi ni papa. Hinila ako ni Dale paupo sa tabi niya kaharap si Renz at si Chase. "Dad, sino po siya?" Tanong ni chase. Tumingin ako kay Renz na ngayon ay walang emosyon na nakatingin sakin. "She's your Tita's friend." Sabi nito. Hindi man lang ba niya ako ipapakilala sa anak namin? Napabugtong hininga ako dahil sa sinabi niya. Mukha talagang galit siya, ano pa bang aasahan ko. "Renz." Mahinang tawag ko. "What?" Wala pa ding emosyon na tanong niya. "Pwede ka bang makausap?" "Later." Diin na sagot nito at ipinagpatuloy ang kinakain niya. Napatingin ako kay Chase na ngayon ay nakatingin pala sakin. Ngumiti ako sakanya at nakita ko din kung paano niya ginantihan ang ngiti ko. Sinenyasan ko si Renz na mag-usap kami. Tumayo si Renz kaya nagtaka bigla si Chase. "Saan ka pupunta, Dad?" Tanong ni chase. "Labas lang son, mag-uusap lang kami." Bigla siyang tumikhim. "Mag-uusap lang kami ni Tita Keira mo." Sabi niya. "Balik ka kaagad Dad, kundi iiyak ako." Natawa si Renz dahil sa sinabi ng anak namin. "Of course son." Sabi niya bago naunang lumabas. Pumunta kami sa labas. Kinakabahan ako. "What do you need?" Panimula ni renz. Lumapit ako sakanya saka siya niyakap pero kaagad akong inilayo ni Renz sa pagkakayakap sakanya. "What do you need?" Pag-uulit na tanong ni Renz. "I'll just missed you, and also Chase." Sabi ko. Natawa siya bigla sa sinabi ko. "Really? Anong dahilan mo bakit bumalik ka pa?" Walang emosyon na tanong niya. "Hubby, gusto ko lang na bumawi sainyo ng anak natin." Sabi ko. "Don't call me hubby! Not again! Not this time!" Galit na sabi niya. Hahawaka ko na saka yung pisngi niya pero tinabig niya yung kamay ko. "Gusto kong bumalik, Renz. Gusto kong bumawi sainyo." Malungkot na sabi ko sakanya. Hindi siya nagsalita pero tinitigan niya lang ako. "Please lang, Renz." Pagmamakaawa ko. "Matapos mong nawala ng anim na taon tapos babalik ka?!" Napayuko ako. "Hindi mo alam kung anong dinaranas ko noon na wala ka. Nahirapan ako sa haharanap na pwedeng magdonate ng breastfeeding ni chase! Pinahirapan mo ako lahat, tapos babalik ka pa?!" "R-renz, hindi kasi madali na iwan ko kayo. Gusto kong bumawi." Nagsimulang uminit ang sulok ng mata ko. "Please, babawi ako." Nagmamakaawa na sabi ko. "No!" Lumunok muna ako bago dahan-dahan lumuhod sa harapan niya habang umiiyak. "Please." Umiiyak na pagmamakaawa na sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD