bc

Madly inlove (She's mine series #5)

book_age18+
54
FOLLOW
1K
READ
possessive
drama
sweet
first love
like
intro-logo
Blurb

Angelica was 21 years old when her son Midnight came into her life. The first love that came into her life became bitter because the guy left her. But she did not repent because she was given an angel. She didn’t want her baby to grow up without knowing the grandmother so she admitted to her son even though it was hard for her. The day came when the mother was in front of her and she expected her hurtful words and anger but she only gave a tight hug. And because of that, the thing that was bothering her was finally gone. Time passed and her son grew up as well.

chap-preview
Free preview
Prologue
“H’wag ka na malungkot, kapag nakita natin ang kasintahan mo, iitlogan natin `yon.” Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan na si Karen. “Buntis na `to napakatigas ng ulo,” bulong nito pero rinig na rinig niya. “Kumain ka na at masama sa buntis ang malipasan ng gutom,” patuloy nito sa pang sesermon.  "Hindi niya man lang nagawang magpaalam sa `kin.” Nanlumong nilapag niya ang pisngi sa lamesa.  “Kailan ba nagawang magpaalam ng kasintahan mo kapag umaalis? Hindi ka pa nasanay. At kung ako sa `yo, hihiwalayan ko na `yon. Lalapitan ka lang kung gusto ng s*x at aalis nang walang paalam. Hindi mo nga alam kung saan `yan tumutuloy dahil kung pupunta ka sa bahay nila, wala naman siya. Palagay ko talaga may iba na `yan.”  “Karen naman.” Tuluyan nang tumulo ang luha niya. Iniisip niya pa lang na iiwan siya ni Noa ay hindi niya na kaya. Isang taon na silang mag kasintahan ni Noa; mahal na mahal niya ito kaya niya ibinigay ang lahat. Ngayon ay nag-aaral siya ng first year college at buntis siya, alam ito ni Noa at hindi naman ito galit. Ang bata ay biglaan lang; hindi nila ito ginusto, pero wala na silang magagawa kung hindi ang tanggapin ang bata.  Pero simula nang nalaman nito na buntis siya, parang may nagbago. Nagpapakita lang ito sa kaniya kung gusto nitong makipagtalik at aalis din pagkatapos. Naiiyak siya kapag naiisip iyon, pero bakit ganoon? Kulang pa ba? Kulang pa ba ang ibinibigay niya para rito?Wala nang natitira sa kaniya, pero bakit ganoon? Iniwan pa rin siya.  “Mahal na mahal ko s-siya, Karen. Kahit noong nakaraan ayaw kong makipagtalik, pumayag n-na lang ako dahil nagagalit siya. Pinagbibigyan ko s-siya kung ano ang gusto n-niya, pero wala pa rin. Ramdam kong tuluyan na siyang nawala sa `kin. Ramdam kong iiwanan niya na ako. B-Bakit gano’n? B-Binigay ko ang lahat ng pagmamahal, wala nang natira sa s-sarili ko. Ibinigay ko na rin ang isang bagay na pinakainiingatan ko bilang patunay na mahal na mahal ko siya, pero b-bakit gano’n? Iniwan niya pa rin ako.” Nahihirapan siyang huminga dahil sa sakit at kirot ng puso niya.  “Ikaw kasi, sinabihan na kita dati na h’wag siya. Kahit hindi ko pa siya kilala noon alam ko na kaagad ang ugali niya. Sa unang kita mo pa lang sa kaniya, malalaman mo kaagad na masama ang kaniyang ugali,” sermon nito habang hinahagod ang likod niya. “Ano nang g-gagawin ko ngayon? Buntis ako, hindi puwedeng m-malaman ni mama na buntis ako dahil tiyak p-palalayasin ako n’on, Karen. Nahihirapan na ako. Hindi ko alam kong paano siya palalakihin, ngayon iiwan na ako ni Noa at wala na akong makasasama. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Karen. Litong-lito na ako.” “H’wag kang mag-alala, nandito lang ako. Hindi kita iiwanan. Angelica, gusto kong magtino ka na at pakinggan mo na ako, kapag bumalik muli siya rito ay h’wag na h’wag mo na siyang kakausapin. Alam naman natin na wala talaga siyang pakialam sa inyong mag-ina dahil kong mayroon man ay hindi `yon bigla-biglang mawawala. Gusto kong buhayan mo ang bata na kasama ako kaysa na kasama `yong bugok na lalaking `yon. Pangako gagawin ko ang lahat para matulungan ang kaibigan ko, para matulungan ko ang inaanak ko,” bulong nito na ikinahikbi niya. Ang kaibigan niya; ang nag-iisa na kaibigan niya.  "Hindi pa nga l-lumalabas ang baby ko, ninang ka na agad?" “Aba’y siyempre, ako ang unang ninang n’yan.”  “Salamat, Karen. Salamat sa lahat.”  Tinapos niya lang ang first semester at huminto na siya sa pag aaral. Lumuwas na rin siya sa Maynila dahil may kamag-anak ang mga magulang niya sa Bulacan, at kapag nakita siya ng mga ito ay tiyak na aabot iyon sa mama niya na nasa Dubai at nagtatrabaho bilang DH.  Ang kaibigan niya mismo ang nagsabing sa Maynila na lang sila dahil doon walang makakakilala sa kanila. Nakatira sila sa isang apartment, at dito na rin nag-aaral ang kaibigan niya. Mabuti na lang at pumayag ang mga magulang nito na rito na ito mag-aaral; siya naman ay nagtatrabaho dahil maliit pa naman ang tiyan niya at hindi pa halata, Masakit man sa loob na nagsisinungaling siya sa ina, pero wala na siyang ibang choice. Lahat ng perang ipinapadala nito ay iniipon niya para sa kaniyang panganganak at gastusin.  Gusto niyang sabihin sa mama niya ang nangyayari sa kaniya pero wala siyang lakas ng loob. Ayaw niyang sumama ang loob nito.  Malaki lamang ang pasasalamat niya sa Panginoon dahil may isang tao ang nasa tabi niya at  hindi siya iniiwan; iyon ay ang kaibigan niya. Walang nakakaalam na buntis siya bukod sa ama ng anak niya pati na rin ang kaniyang kaibigan. Three months na ang tiyan niya, at three months na rin na hindi ito nagpaparamdam sa kaniya. Iniisip niyang tatawag ito sa kaniya o magt-text para man lang sa bata. Kahit na ayaw na nito sa kaniya ay papayag siya basta nandito lang ito sa tabi niya para sa anak nila, pero nagkamali siya; talagang wala itong pakialam kahit sana sa anak nito.  Tanggap niya na; na hanggang dito na lang; na hindi maayos ang pagtatapos ng relasyon nila ng taong pinakamamahal niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.2K
bc

His Obsession

read
74.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook