Bumalik ako sa luob ng bahay para matingnan kong kamusta si J duon ngunit mga bata lamang ang nadatnan ko na nanunuod ng tv.Dumeretso ako sa terasa at nagbabakasakali na nanduon siya, pero wala.Kinabahan na ako lalo.
"Nakita mo ba kong nasaan si papa at ang kasama ko kanina?"tanong ko sa pinsan kong si Lyn na nakaupo sa ilalim ng puno nang mangga habang may katawagan.
"Si uncle ate?Anduon sila sa bahay ninyo kasama ang bisita mo." sagot nito.
"Salamat Lyn" sabi ko at dumeretso agad patungong bahay.May naririnig ako na mga boses sa bandang gilid ng bahay kaya duon ako dumeretso.Nakita ko mga pinsan ko na nakatayo.Si papa na nakaupo sa plastic na silya at si J na nasa tabi ni papa at my kinakalikot sa motor ni papa.Nag uusap ang mga ito.Wala nang damit pang itaas si papa at ganuon din J.Nakita ko rin na ang motor ni J n iniwan namin sa bahay nina Remi ay nandito na rin.
Nakita ko si Nathan di kalayuan sa kinatatayuan ko kaya napagdisesyonan kong lapitan ito.Nang makita niya ako ay ngumisi ito at iningoso si papa at J.Tumabi ako sa kanya at kinalabit ito.
"Anong glnangyari at nandito na ang dalawang yan at ganon din kayo?".pabulong na tsnong ko sa kanya.
"Hindi ko alam cous,nakita ko lang na magkasunod silang lumabas ng bahay nina lolo tapos ito na ng nagkakalikot sila ng motor ng papa mo."sabi nito sa akin habang nakatingin parin sa dalawa."Maraming sinabi ang nobyo mo tungkol sa motor kaya mukhang ngkakasundo sila.Tinutulungan ni John si uncle sa mga piyesa ng motor niya" patuloy na paliwanag nito sa akin.
Tiningnan ko ng mabuti ang dalawa.Wala sa luob akong napabuntong hininga.Mula pa kaninang umaga ako kinakabahan kaya ngayon parang nabasawan ang naka dagan sa dibdib ko dahil sa natatanaw ko.
"nakahinga kana ng mabuti ahh"napabaling ako sa nagsalita.Si Rheden na mariing nakatitig sa akin.Napasimangot ako sa sinabi nito.Sasagotin ko na sana siya ngunit naunahan ako ni Nathan.
"Syempre bro.Ikaw ba naman makita mo na nagkakamabutihan ang tatay at nobyo mo" ngumingisi ito habang nagsasalita.Lumapit pa ito ky Rheden at tinapik sa balikat.Hindi kumibo si Rheden sa sinabi ni Nathan sa halip ay tumingin ito sa kinaruruunsn nina J.
"Manahimik ka ng cous!" inis na sabi ko ky Nathan at nagmartsa paalis.Ngunit bago ko pa man dila lagpasan ay huminto ako sa gilid ni Rheden." Masyado ka talgang tsismoso". inis na sabi ko rin sa kanya at umalis.Narinig ko ang pagtawa pa lalo ni Nathan ngunit hindi ko na ito nilingon.
Huminga ulit ako ng malalim bago pumasok ng bahay.Medyo gumaan ng tagala ang pakiramdam ko.
Malapit na magtanghalin at dumarami na ang mga tao sa bahay ng lolo't lola ko.Dito ang handaan dahil sa dito naman talaga ako tumitira kahit may maliit na kubo na pansamantala sina mama.Naging masaya ang party dahil sa nagmistulang reunion na din ng pamilya namin.Kaliwat kanan ang bati nila sa akin nagkaruon lang kami ng group pictures.Sa likod ng bahay ay mga matatanda nag-iinuman.Sa harap ay karamihan mga bata at kababaihan.Hinanap ko si J kong nakabalik na ba siya ngunit hindi parin.Bumalik ulit ako sa gilid ng kubo ngunit wala na sila duon.Pumasok ako sa luob at duon ay nakita ko siya na nakaupo at mag-isa.Ngumiti ito sa akin habang ako ay papalapit sa kinauupuan niya
"Nandito kalang pala.Kanina pa kita hinahanap"Nilibot ko ang paningin sa luob ng kubo namin para makasigura kong mag-isa lang ba siya o may ibang tao pa."Bakit hindi kana bumalik?Si papa nasaan?" sunod-sunid na tanong ko.
"Kakaalis lang niya pumunta sa bahay ng lolo mo.Sinabi niya na papupuntahin ka niya dito para masamahan mo ako pabalik duon" nakangiti niyang sabi.Sumenyas ako na uupo kaya umusog ito ng kaunte .
"Hindi ko siya nakita pero kanina pa ako naghihintay sayo na bumalik duon.Maraming ng tao at nagkakainan na silang lahat.Ikaw hindi ka kumain ng dumating tayo kanina tapos nakita pa kita na tinutulungan si papa sa pagkakalikot ng motor niya."Bumuntong hininga ako bago nagpatuloy."Siguradong gutom kna....Tara na balik na tayo duon at ng makakain kana".Anyaya ko sa kanya.
"Sabay na tayo kumain.Ikaw din siguradong gutom kana.Masyado kang maraming ginawa duon." hinawakan niya ang kamay ko at pinisilpisil ito.
Tiningnan ko ang mga kamay namin at tiningnan siya ng deretso."Sige"ngumiti ako."karamihan sa mga tao duon mga kamag-anak ko kaya wag ka sana mahiya".
"Oo naman,sa papa mo lang naman ako kinabahan eh".tumawa ito ng mahina sabay kamot sa batok.Ngumisi ako.Hindi niya alam na kahit ako ay ganun din ang nararamdaman.
Tumayo ako at magkahawak parin ang kamay namin.
"Tara na?"sabay hila ko sa kanya.
"Sandali lang may kukunin lang ako sa bag". pinaghiwalay niya ang kamay namin at binuksan ang bag neto na nakapatung sa gilid ng pang isahang upuan at may kinuhang pulang maliit na box.
"Para sayo" sabay abot niya sa akin."Happy birthday love.I want you to know that I love you so much and I'm happy that I am here today in your special day.Thank you for letting me be part of your life".Naluluha ako sa mga sinabi niya kaya hindi ko napigilang yakapin siya ng mahigpit at magpasalamat.Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa batok ko.Nauna siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at hinalikan ako sa nuon,ilong at labi at yumakap muli.Para akong nahihipnotismo sa init na galing sa katawan niya at sa kanyang mabangong amoy.
Kumalas ako sa kanya matapos ang mahabang yakapan namin.Tiningnan ko ang maliit na box na hawak-hawak ko.Kinuha niya at at binuksan .Tumambad sa akin ang rosegold bracelet na may tatlong hugis puso at may letrang "J" at "R" sa pagitan ng mga ito.Kinuha niya ito sa siya na mismo ang nagsuot sa akin.
"Kapares to ng kwentas mo" sabi niya bago hawiin ang buhok ko na nakatabon sa kwentas na nasa leeg ko.Hinawakan ko ang kwentas at tumingin sa kanya.
"Salamat J pero hindi mo naman ako kailangan bilhan ng mga ganitong bagay J.Nag-aaral ka pa" nag-aalala kong sabi sa kanya.Alam kong maganda ang pamumuhay nila pero alam ko din kong gaano ka galaki ang nagagasta ng magulang niya.
"Wag ka mag-aalala,hindi galing sa magulang ko o allowance iyan dahil pinagtrabahuan ko ang pinambili ko diyan."Hinawakan niya ang magkabila kong pisnge. "Balang araw pag may trabaho na ako singsing mo na ang bibilhin ko.Yong mahal syempre".sabay kindat nito sa akin.
Tinampal ko na ang mga kamay niya at kinurot ito sa tagiliran."Ikaw talaga! ang bata pa natin and dami mo nang nalalaman!.
"Aww! ang sakit naman ng kurot mo love". pahimas himas pa ito sa tagiliran niya. "Pwede na kita pakasalan,18 kana ngayon". hirit pa neto sa akin.
"Baliw" natatawa kong wika. "Tara na ng sa bahay at ng makakain na tayo,gutom lang yan". hinila ko na ito para makalabas ng kubo.Tumawa ito at ninakawan pa ako ng halik bago kami nakalabas ng pinto.
"Makita tayo ng papa J! patay talaga tayo!" saway ko sa kanya pero nangingite narin.Nagseryoso ito at nagkamot ng ulo.Umiling nalang ako at naglakad.