11

1035 Words
Kaba.Yan ang nararamdaman ko sa mga oras na to.Naglalakad kami ngayong tatlo pauwi ng bahay.Iniwan ni J ang motor na dala niya sa harap ng bahay ng mga pinsan ko dahil hindi maganda ang daan papuntang bahay namin.Kahit ang pinsan ko ay nagmamatyag lang din.Si J ay ngumingite sa akin tuwing nililingon ko sa gilid. Tanaw na namin ang bahay ng lolo't lola ko.Hinawakan ko ang kamay ni J.Pinisil niya ang kamay ko at ngumiti ng tipid.Pinili ko na papuntahin siya ng maaga para wala pang mga bisita at ng maipakilala ko siya ng maayos sa mga magulang ko at kina lolo at lola.Simple lang ang debut ko.Walang 18 roses o 18 dance.Simpleng kainan lang ang mangyayari.Embitado ang mga kamag anak at mga kabaryo namin samantalang ang mga malalapit ko naman na kaibigan ay mamaya pa darating. Nang nasa bakuran na kami ay nakita kong nakaupo ang lolo sa terasa at nakatingin sa amin ganun din ang ibang pinsan at tiyohin ko.Nauna akong naglakad palapit sa kinarorounan nila at nagmano sa lolo. "Lo,besita ko pala si John" nilingon ko si J na nasa gilid na ni Myra nakatayo."John ang lolo ko,mga tiyuhin ko at mga pinsan".Pagpapakilala ko sa kanya.Dahil sa kaba hindi ko na inisa-isa ang mga pangalan nila. Ngumiti si J sa kanilang lahat.Lumapit ito ky lolo at nagmano."Kamusta po kayo?"Tanong nito sa lolo ko. "Mabuti naman iho,medyo matanda na kaya hirap na makapaglakad" ngumiti ang lolo sa kanya."Riza,pakainin mo sa luob ang besita mo ".baling ng lolo sa akin. "Ahh,ok lang po ako lo,nakakain ako bago umalis ng bahay.Mamaya nalang po".Agap ni J sa sinabi ng lolo. "Ganuon ba?,sige iho ikaw ang bahala basta wag ka mahiya dito sa bahay." "Opo,salamat po".si J "J pasok sa luob duon kana sa sala maupo"sabi ko dito at ngpaalam na sa kanila.Sumunod si Myra at J sa akin sa luob. "La,ma si John po" bongad kay lola at mama nakaupo sa sofa pagpasok namin.Tiningnan nila si J na nakatayo sa tabi ko.Si Myra ah lumapit kay lola at naupo sa tabi neto. "Siya ba ang bisita na sinundo niyo kanina?" lumipat ang tingin ni lola at mama sa akin. "Opo".kinakabahan kong sagot.Nilingon ko si J na mukhang mas nahiya pa ngayon. "Umupo ka muna hijo".Sumunod si J sa sinabi ni mama.Ako naman ay tinuro sa kanya ang pang isahang upuan. "Ipaghanda mo ng makakain ang nobyo mo Riza at baka di pa nakakain yan".biglang sabi ni lola sa akin.Si mama naman ay nakatingin kay J nang seryoso.Mas dumoble ang kaba ko sa sinabi ni lola.Papano niya nalaman na nobyo ko si J,hindi ko pa naman nasabi. "Lola..." sagot ko na lamang sa kanya.Tiningnan ako ng matagal ni lola habang nakataas ang dalawang kilay nito. "J-John dito ka lang kukuha ako ng makakain mo".nauutal ko na sabi sa kanya.Kinakabahan sa tingin ni mama sa akin. "Mamaya nalang po ako kakain lola,hindi pa po naman ako gutom.Nakakain po ako bago umalis ng bahay."paliwanag ni J sa kanya. "Ganun ba hijo?oh sige basta wag ka mahiya dito sa amin ha."sabay ngite ni lola sa kanya. "Bumalik kana pala,yan na ba ang bisita mo na darating?" si papa na nasa likuran ko na pala.Kong kanina doble doble ang kaba ko,ngayon naman parang isang daang beses pa bata ang kaba ng dibdib ko..halos mabingi ako sa kalabog ng dibdib ko.Ayaw na ayaw ng papa na magboboyfriend ako.Kahit ng kaibigan kong bading nuon n nakapulupot ang braso sa akin ay nagagalit na ito.Nilingon ko si papa.Nakatingin ito kay J.At ng makitang nakatingin na ako sa kanya ay tumingin ito sa akin ng matalim. "Pa,si John po" naputol nga lang ang iba ko pang sasabihin ng magsalita ulit ito. "Boyfriend mo?" derektahang tanong ni papa sa akin. "Opo" sagot ko sa nanginginig na boses. Umupo si papa sa kabilang upuan na malapit sa kinauupuan ni mama at naka derekta kay J. "Magandang umaga po sir.Ako ng po pala si John" pagpapakilala ni J sa kanyang sarili. "Riza,Myra pumunta muna kayo sa likod at tumulong kayo duon" utos sa amin ni papa.Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko kong hindi ko lang nakita na tumayo si mama at pupunta fin ng kusina. "Tara cous" yaya sa akin ni Myra. "Dito ka lang muna J,may gagawin lang kami sa likod sandali".Paalam ko kay J.Nag aalala ako pero hindi ko pwede suwayin ang papa.Tumango si J sa akin.Umalis ako sa sala na nag aalala ng subra.Baka kong ano ano nalang ang sasabihin ni papa sa kanya.Dumeretso ako sa likod ng bahay.Nanduon narin pala si mama.Tumulong ito sa paghalo sa spaghetti. "Iyang pamangkin ninyo dinala ang boyfriend sa mismong kaarawan niya".sabi ni mama sa tiyuhin at mga pinsan ko na tumutulong din. "Aba! May boyfriend kana cous?Naasan yang boyfriend mo at ng mapainum natin?" tumatawang sabi ng pinsan kong si Albert. "Heh!! mahimik ka ng cous! pagdidiskitahan mo pa ang tao".inis na sabi ko sa pinsan habang tumawa naman sina Myra at Remi ganun din ang iba. "Nasaan ang boyfriend?bakit di mo dinala dito sa likod at ipakilala sa amin?" tanong ni uncle habang abala sa pagluluto. "Anduon sa sala,kausap ang papa nito at si nanay". sabat ni mama."Ihanda mo na ang sarili mo mamaya sa papa mo".Dugtong nito. "Tinatakot mo naman ako ma eh!" nakanguso kong sabi. "Totoo naman.Alam mo naman na ayaw nuon na magboyfriend ka tapos ngayon dinala mo dito boyfriend mo."mahaba nitong litanya sa akin. "Syempre ma gusto ko ipakilala sa inyo" pagdadahilan ko. "Oh siya tumulong kana ng at nang matapos na dito at mapuntahan mo ang bisita mo sa luob.Baka kinakaliskisan na ng papa mo yon".Tumatawa nitong sabi sa akin..Nakitawa narin ang iba.Ngumuso ako at tumulong nalang sa paghihiwa ng sibuyas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD