10

1209 Words
Naging busy ako sa pag aasikaso ng maliit na tindahan ko sa bahay namin.Naging libangan ko ito at para narin matustusan ko kahit papano ang sarili habang hindi pa ako bumabalik sa pag aaral.Noong una naisip ko na magtrabaho sa bayan ngunit mas pinili ko ang magbukas ng sari-sari store para narin makatulong nalang din ako sa pagbabantay sa aking lolo na may sakit at pagtulong narin kay mama sa bahay.Dalawang linggo na hindi kami nagkita ni J at hanggang text lamang kami o tawag pag nagpupunta ako sa bahay ng aking mga pinsan. "Cous,fiesta sa karatig barangay sa sabado" masayang salubong sa akin ni Myra. "Oww? talaga?" "punta tayo sa sayawan sa gabi cous! masaya to!"patuloy ni Myra. Ngumiti ako "Sige,magpapaalam ako" "kanino ka magpapaalam?" nakataas ang isang kilay nito sa akin at tumawa. "syempre ky mama.....at sa isang nakikinig dito" turo ko sa cellphone ko. "Akala ko nagmumusic ka lang,nakikinig pala si love mo sa kabilang linya!" tumawa pa ito ng pagkalakas-lakas. "baliw...."ngiti ko at iling sa tawa nito.Tumawa narin si J na sa kabilang linya. "cous,ipasyal namin si love mo sa mga barangay fiesta dito hah.Ako na nagpapaalam sayo" sabi ni Myra ng lumapit sa akin.Inalis ko ang headset sa aking tainga at cellphone at ni loudspeak ito. "Walang problema,basta ba ligtas kayo at wag niyo painumin ng marami yan sa pupuntahan niyo" sagot ni J sa kabilang linya. "ewwwwww!!" tili ni Myra. "Sana lahat ng boyfriend katulad mo,cous! gwapo na mabait at madaling kausap!" eksaharadang nitong sabi ky J. Tumawa ang nasa kabilang linya.Ako naman ay naupo na sa kanilang sala.Naaliw narin king tatlo sa pinag uusapan ng my dumungaw sa kanilng pintuan.Nakita ko si Rheden na tumayo at nakangiti sa amin.Bumaling si Myra sa kanya at tumayo.Ako naman ay pinatay ang loudspeaker ng cellphone ko at kinabit ulit ang headset nito. "Kanina pa ako tumatawag na bibili Mhay hindi mo ata narinig eh kaya pumunta nalang ako".sabi nito ky Myra. "ahhh sorry Den medyo naaliw kasi ako sa usapan dito kaya di ko narinig at napansin,anu ba bibilhin mo?" sabay suot ni Myra ng tsinelas nito at unang naglakad palabas.Tumingin muna si Rheden sa akin at cellphone ko bago sumunod ky Myra sa labas. "Sino yon?" tanong ni J sa kabilang linya parin. "ah,kamag anak nina Myra,bibili lang".sagot ko "Kamag-anak niyo rin?" usisa nito. "Hindi J,kamag anak nila sa side ng nanay nila"paliwanag ko. "Ah ok,papano naman yong sari-sari store mo ngayon dahil andiyan ka sa bahay ng pinsan mo?" sunod na tanung niyo. "Anduon si mama,siya nagbabantay duon.Total eh nakapaglinis narin naman ako at nakapaglaba kaninang umaga."eksplika ko aa kanya."Ikaw,kamusta yong group project niyo sa programing ni Gwen?" pagbabago ko ng usapan. "Ayos naman" simpleng sagot nito.Naalala ko na nuon pa msn ay may gusto na si Gwen sa kanya.Minsan na rin nasabi sa akin ni Gwen na crush niya si J kaya ng nagpatulong ito na magpapansin.Hindi nito alam na sa mga panahong iyon ay nanliligaw na si J sa akin.Laging sumasama si Gwen sa akin dahil ky J.Minsan ko na ring nasabi kay J ang pagkagusto ni Gwen sa kanya pero binaliwala lamang niya ito.Aniya hindi naman mahalaga sa kanya dahil ako lang ang gusto nito. "Nagseselos ka ba?" tanong nito na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. "hindi naman" sagot ko. "Talaga?" paninigurado nito. "uhhhmmmm...naisip ko lang baka masalisihan ako ni Gwen" pasimple kong sagot. Para akong nabingi sa malakas nitong tawa niya sa kabilang linya. "bakit ka tumawa diyan?" pagtataka ko pero parang hindi niya ako narinig.Nagpatuloy parin siya ng tawa.Nangiti narin ako tawa nito.Ang sarap sa pakiramdam na napapatawa ang mahal mo kahit hindi ko naman alam ano ang nakakatawa sa sinabi ko. "Nakakamiss ka na talaga love" sabi nito pero natatawa parin."Nagseselos na yan" tudyo nito sa akin. "Hindi ah" pagtanggi ko."bakit ba kasi natawa ka?"paismid kong tanong sa kanya kahit hindi naman niya ako nakikita. "Baka masalisihan ako"sabi nito na inulit lamang ang sagot ko sa kanya kanina."Sino hindi matatawa duon?"tumatawa parin ito. "Ehhhhrrr....Totoo naman kasi!baka dahil lagi kayo magkasama magustuhan mo na siya" nakalabi kong sabi.Napapraning na yata ako ngayon sa naiisip ko. Huminto ito sa pagtawa sa kabilang linya."Hinding hindi mangyayari yan" seryosong sabi nito.Natahimik ako sa sagot niya at biglang may naisip. "Pupunta ka ba sa birthday ko?"tanong ko matapos makapag isip. "Kong papayag ka sana?"balik tanong nito sa akin."Pwede na ba?"matagal na pananahimik nito bago magtanong ulit. "oo" mahina kong sagot. "Gustong gusto ko pumunta diyan sa inyo at makilala ang pamilya't mga kamag-anak mo.Gudtong gusto ko na rin ipakilala ka sa pamilya ko at gusto ko rin malaman na ng mga taong nakapaligid sa atin ang relasyon natin."Parang kumirot ang puso ko sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko sa mahaba niyang sinabi.Natatakot ako,nasasaktan ng hindi ko malaman kong bakit.At pangamba para sa aming dalawa. "Are you ready,love?" tanung niyo nang hindi ako nakaimik sa unang sinabi niya sa akin. "I.....I need to be ready.Hindi narin maganda na nililihim pa natin sa iba ang relasyon natin."napabuntong hininga ako. "makakapunta...."nahinto ito. "John hindi ka pa ba tapos diyan?samahan mo muna ang papa mo.Ikaw na magmaneho" dinig kong sabi ng nagpahinto sa dapat sana sasabihin ni J sa akin. "Sandali lang ma"pasigaw na sagot ni J sa kanyang ina. "love,usap tayo ulit ha,samahan koang si papa."balik niyo sa akin. "sige,ingat sa pagmamaneho ng sasakyan" habilin ko sa kanya. "sige love basta always remember I love you more!,bye"paalam nito. "hmmmmm,bye".pagpapaalam ko bago patayin ang cellphone. Nahiga ako sa sofa at pinikit ang aking mga mata.Binalikan ko ang napag-usapan namin ni J.Mula umpisa naman talaga ay mali ang patatago namin ng relasyon sa iba lalo na sa mga magulang ko.Sana lang ay hindi magalit si papa sa akin. "Ikinahihiya mo ang boyfriend mo,kaya isinesekreto mo?" napabalikwas ako nang bangon sa boses na nagsalita habang ako'y nagmumuni-muni.Si Rheden na naka sandal ang katawan sa pintuan at deretsong nakatingin sa akin.Nanlaki ang mata ko sa sinabj niyo. "Kahit kaylan hindi ko ikinahiya ang boyfriend ko!" yumaas ang boses ko sa pagsagot sa kanya. "woooohhhh...easy ka lang Riz,highblood ka masyado"OA na reaksyon nito na may pa harang pa ng kamay sa akin. "Bakjt ka nandito?at bakit ka nakikinig pinag-uusapan namin?" inis na tanong ko sa kanya at tumayo. "Hindi ko dinasadyang marig" nagkibit balikat pa ito na parang walang maling ginawa.Naningkit ang mata ko habang nakatingin na tin sa kanya. "Kunin ko lang ang ice na binili ko kanina.Sabi ni Myra ikaw nalang dw kumuha sa ref ,dalawampo lahat" sabay lahad sa akin ng dala nitong malaking plastic.Kinuha ko iyo sa kanya at tinalikuran na para makapuntang kusina. "ka lalaking tao pero tsismoso"bulong bulong ko sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD