Maaga kaming nagising.Naligo,kumain at nagdala kami ng pagkain.Nang makarating sa bayan ay hinintay namin sandali si J.Dala niya ang motor ng kanyang tiyuhin kaya mas mas madali sa amin ang makarating sa falls.Napag kasunduan din naming apat na bumili ng iba pang pwede makain duon dahil balak namin ang magpahapon na ng uwi.Hindi nagtagal ay dumating na ng c J.Ako ang nakaangkas sa kanyang motor samantalang tatlo naman sila sa motor ni papa.Tatlong pong minuto lang ay nakarating na kami sa lugar kong saan pwede naming iwan ang motor.Kaylangan pa namin maglakad ng ilan pang sandali bago marating ito.Kumuha kami ng maliit na cottage at na excite sa huni ng tubig na umaagos mula sa taas.Magkahawak kamay kami ni J na sumunod sa mga pinsan ko papunta malapit sa falls.Lahat kami ay naka t-shirt at short na dahil sa hindi naman estrikto ang namamaha ng lugar ns ito kaya ok lang ang suot namin para maligo.Naunsng lumusong si Remi at Myra at si Nathan naman ay umakyat pa sa mismong falls.Napatili ako ng bigla akong sabuyan ng tubig ni Myra kaya napayakap ako ky J na ngayon ay tatawa tawa narin sa ginawa ng pinsan ko.Lumusong kaming dalawa at pumunta sa mismong dinadaluyan ng tubig at dahil sa hindi ako masyado marunong lumangoy ay nakahawak parin ako sa leeg niya.
"Cous! diyan lang kayong dalawa kunan ko kayo ng litrato".malakas na tawag sa amin ni Remi.
Humarap kaming dalawa kay Remi.Umusog si J sa likod ko at yumakap sa baywang ko.Hinawakan ko ang kanyang braso at ngumiti sa pinsan ko na ngayon ay tinututok ang cellphone ko sa amin.
"Ready?.... 1,2,3!"
Panay ang click nito sa iba't ibang position namin ni J.Kalaunan ay dumali si myra at Nathan sa amin.Nakisuyo rin si Remi sa isa pang kasing edad namin na babae para makapag group picture kaming lima.
Panay ang tawa ko sa usapan nakin ni J tungkol sa nangyari sa kanya sa school at bahay nila.Hindi rin ito umaalis sa tabi ko buong oras na nasa tubig kami.
"Ang lambot talaga ng katawan mo".Nakangisi nitong sabi sa akin matapos niya akong yakaping muli ng mas mahigpit mula sa likoran."Sana lagi tayong nagkakasama ng ganito love,namimiss kita lagi". sabi niya sa akin.
"Ikaw talaga!" sabay tampal ko ng mahina sa braso nito."Pinapakilig mo ba ako J?" tumatawa kong sabi.
Pinaharap niya ako sa kanya "Bakit kinikilig kaba pagsinasabi ko ng namimiss kita lagi?" ngumisi ito sabay mabilis na halik sa labi ko.
Hinampas ko ulit siya sa braso dahil sa ginawa nito.Lumingon pa ako sa paligid kong may nakakita sa paghalik niya sa akin.Tama ng ako dahil ang dalawa kong pinsan na babae ai nakatutok ang cellphone sa aming dalawa at tumawa pa ang mga ito ng nakita nilang napatingin ako sa kinaruruonan nila.Binalik ko ang tingin ko ky J na nakatingin rin pala sa dalawa at pangiti ngiti pa ang loko.
"Ikaw talaga masyado ka talagang PDA!" kinurot ko pa ito s tagiliran pero mabilis umiwas ang loko habang tumatawa pa.Hindi ko rin maiwasang tumawa narin.
"Kanina pa tayo PDA love kong hindi mo pa napapansin" sagot nito dinampian ulit ako ng halik bago mabilis na lumayo sa akin.Tumawa nalang din ako at hinabol siya sa psglangoy.
Bumalik kami sa cottage namin ng nakaramdam kami ng gutom.Msbjti na lamang at marami ang baon namin.Naging kumportable narin si J kasama ang mga pinsan ko at nakukwentuhan narin sila sa maraming bagay.Naging magaan din ang pakitungon ni Nathan ky J marahil dahil nagkakasundo ang mga ito sa pinag uusapan.
"Cous tingnan mo to" nakangisi si Remi ng inilahad sa akin ang cellphone ko.Tinanggap ko ito at tiningnan.Tiningnan ko lahat ng kuha namin at napangiti ako lalo na sa kuha namin ni J sa ilalim ng falls.Subrang daming kuha ni Remi sa aminng dalawa ni J at karamihan ay stollen shot.Binalingan ko ang pinsan ko na umupo na sa kaliwang kilid ko at tinitingnsn din ang mga kuha namin.
"Grabe ang sweet niyong dalawa,nakakakilig talaga!ang sweet ng boyfriend mo.!" kinikilig na wika nito.
"Tingnan moto" sabay scroll pa sa ibang picture."ayan ang bongga!"humagalpak ito ng tawa ng ipinakita sa akin ang kuha ng paghalik sa akin ni J.
"Ikaw talagang babae ka! imbis na lumangoy ay panay lsng pala picture sa amin ni J ang ginawa mo".sabi ko dito na mas kinatawa pa niya.
"Ano yan?" lumapit si J sa kinauupuan ko."Patingin" sabay kuha nito sa cellphone ko.Babaeiin ko sana pero tinaas nito ang kamay habang tumitingin sa litrato namin.
"Ito ba ang kuha mo sa amin kanina Rem?" baling nito ky Remi.
"Ang galing mo namang tumayming at kumuha ng letrato Rem"Tininangnan ps nito ang iba pang letrato habang ako naman ay medyo nahiya sa picture namin na naghahalikan.
"Mamaya ko na ibabalik cellphone mo Riz ipapasa ko muna sa phone ko" sabi nito at lumayo sa akin.
"Sige cous e save mona lahat picture niyo" sabi sa kanya ni Remi at lumayo din sa akin.
"Mga baliw talaga kayo" nakanguso kong sabi at naupo nalang ulit at pinagpatuloy ang pagkain ng mani.
Alas singko na ng umalis kami sa lugar na iyon kaya medyo madilim na kami nakarating sa bayan.Nagpaalam si J sa mga pinsan ko na uuwi na.Niyakap ko siya bsgo nito ibalik ang helmet sa kanyang ulo.
"Ingat ka sa daan,wag masyadong mabilis ang pagpapatakbo ng motor" habilin ko sa kanya.
"Kayo rin mag ingat din sa pag uwi.Tawagan kita pagdating ko ng bahay love".sabay hawak nito sa kamay ko at inayos din ang kwentas na naksabit sa leeg ko na regalo nito nuong nakaraang pasko sa akin.Ngumiti ako sa kanya at umusog para mapaandar na niya ang motor.Kinawayan ko siya bago ito umalis.Nang humarap ako sa likoran para puntahan ang pinsan ko ay nakita ko sa di kalayuan si Rheden na nakatingin sa akin ng seryoso.Tumaas ang kilay ko sa kanya at lumapit sa mga pinsan ko na naghihintay sa akin.
"Si Rheden oh" sabay nguso ko sa mga pinsan ko kong saan ang kinaruruonan nito."Kanina pa ba yan diya" tanong ko sa kanilya.
"Hindi namin alam alam cous" sagot ni Myra.
"Hindi ko din napansin" sagot ni Nathan at pinaandar na ang motor.
Hininto ni Nathan sandali ang motor malapit sa kinaruruonan ni Rheden."May hinihintay kaba cous?" tanong ni Nathan sa kanya.
Oo cous,hinihintay ko si nanay my binibili pa sa luob" sagot nito ky Nathan st tumingin sa akin.Tiningnan ko rin siya ng deretso habang nakikipag usap sa mga pinsan niya na pinsan ko rin.
"Sige cous mauna na kami sa pag uwi,pagod na mga to kakalsngoy sa falls eh" sabay paandar ni Nathan ng motor.
"Sige ingat kayo" sabi nito at tumingin muli sa akin na ngayon ay seryoso na ang mga mata.