8

1142 Words
"Happy birthday Rem!" bati ko sa pinsan ko nang makarating ako sa kanilang bahay. "thanks cous,halika na kanina pa kita hinihintay" sabay hawak niya sa braso ko."Bat ang tagal mo?san ka ba galing? sina aunty pupunta ba dito?" sunod sunod na tanung niya sa akin hanggang makarating kami sa harap ng mesa. "Sorry,Tumagal kasi ang tawagan namin ni J" pabulong kong sagot sa kanya. "owwww" malisyosong ngisi nito sa akin. "kaya pala ang tagal mo kahit kanina pa kita tenext" sabay bigay niya sa akin ng pinggan. "Oh sige kumuha ka nalang diyan ng gusto mo cous at mukhang gutom kana kakatelebabad!" tinampal ko ang braso niya dahil napalakas ang sbi niyo at mukhang narinig ng mga bisita nito. "Manahimik k ng Rem" .pagbabanta ko sa kanya.Tumawa lang ito at pumuntang kusina nila. "Ohh kumain lang kayo diyan wag na mahiya hah" sabi ni aunty Carmen ng lumapit sa mesa na may dalang isa pang ulam. "Opo,salamat aunty". Matapos kong kumuha ng pagkain ay dumiretso ako sa sala upang makaupo at makapagsimula ng kumain.Ngumiti ako sa mga kaklaseng bisita ng pinsan ko na nanunuod ng tv.Napansin ko na maingay sa labas ng bahay dahil sa usapan at tawanan ng mga kalalakihan.Siguro ay nag iinuman ang mga ito sa bandang likod ng bahay dahil hindi ko naman nakita sa garden ang mga tao bago ako pumasok ng bahay ng mga pinsan ko.Habang kumakain ay panay ang reply ko ky J na ngayon ay walang ginagawa sa kanilang bahay kundi ang panunuod lang dw ng movies at text sa akin.Natapos na kasi ang exam nila. Bukas ay pupunta siya dito at napagkasunduan namin na yayain si Remi,Myra at Nathan na samahan kaming mamasyal sa falls kaya mamaya ay sasabihan ko silang tatlo. Matapos kumain ay tumulong ako sa paghuhugas ng pinggan at napagdesisyonang hanspin si Nathan sa labas kaya dumaan na ako sa likod ng bahay nila.Tama ng ako sa likod ng sila nag iinuman ng kanyang mga barkada.Nasa isang mahabang table sila at sa kabilang table naman ay mga kaklase ni Remi na babae't lalaki na nag iinuman din. Palapit ako ky Nathan ng mapansin ako ni William kaya tinawag niya ako.Napatingin sa akin ang kanilang grupo.Ngumiti ako at pinagpatuloy ang paglapit. "Oh cous tapos kana bang kumain sa luob?" tanung ni Nathan sa akin. "Oo,kakatapos ko lang".Sagot ko sa kanya at bumaling sa table nila at sa mga kasama nito.Maraming inumin at pulutan sa mesa."Kaya pala may narinig ako na ingay pero wala namN akong nakita sa harap ng bahay niyo.dito pala kayo sa likod".saad ko sa kanila. "Ahh oo mas mahangin kasi dito Riz" sagot ni Michael. "Upo ka Riz" sabi naman ni Danny sa akin matapos nitong ilagay ang isang silya sa pagitan nila ni Nathan.Umusog ito ng konte para mabigyang daan ako sa pag upo.Ngumiti ako at nagpasalamat. Habang nagpapatuloy sila sa kanilang usapan ay nasulyapan ko ang lalaking nakaupo sa pinakabandang gilid ng mesa kong saan nakaupo ang kapatid ni Aunty Carmen na si tito Leo.Nahuli ko ang mga mata nito na nakatingin sa akin at biglang nag iwas ng tingin ng makitang niya na napatingin din ako sa kanya. Naalala ko na ito yung kamag anak nina Nathan na umuwi galing sa Maynila pero nakalimutan ko na ang kanyang pangalan.Kinuha nito ang basong inilahad sa kanya at ininum ito at naptingin ulit sa akin bago niya ialapag ang baso sa mesa.Tumikhim ako at kinalabit si Nathan na ngayon ay busy sa kanyang cellphone. "Cous,may gagawin kaba bukas?"pabulong na tanong ko sa kanya. "Wala naman,bakit?" huminto ito sa pagtitipa ng kanyang cp at tinuon ang buong atensyon sa akin. "Balak namin mamasyal ni J bukas sa falls,samahan niyo naman kami.Yayayain ko mamaya sina Remi at Myra, pinaalam kuna kay papa na hiramin natin ang isang motor niya bukas.Motor din ang dadalhin ni J para mas exciting ang biyahe papunta duon." excited na sabi ko sa kanya. Pumayag ito kaya pinaalahanan ko narin na wag magparami ng inum para bukas maaga kaming makaalis.Ininum ko ang laman ng vaso na binigay sakin ng pinsan ko at tumayo na.Tumingin ako sa mga kasamahan ko sa mesa at nagpaalam na papasok na muna ako sa luob pars tumulong sa hugasin sa kusina pero para narin masabihan ko ang dalawa ko pang pinsan sa lakad namin bukas. Gabi na umuwi ang ibang bisita at ang mga naiwan nalang ay ang mga nag iinuman sa likod na naging mas maingay p ngayon dahil sa tawanan nila.Niyaya ko si Myra na sa labas ng bahay nalang nila kami tumambay para magpahangin.Dinala namin ang isang maliit na mesa at tatlong plastic na upuan sa gilid ng bahay nila.Napagkasunduan namin na dito nalang ako sa bahay nila matulog ngayong gabi.Ako lang mag isa umupo habang nagrereply sa mga mensahi ni J sa akin dahil my inasikaso pa ang magkapatid sa luob ng bahay ng biglang may tumikhim sa likod ko.Tiningnan ko kong sino iyon pero hindi ko masyadong maaninag kong sino ito dahil sa medyo madilim ang kinaruruonan ko.Sinadya kasi namin na duon maupo sa bandang hindi nasisinagan ng ilaw. "Uhhhhmmm...nanduon sila nag iinuman sa likod,sa kabila ka dumaan".sabi ko sa lalaking nakatayo na ngayon sa bandang gilid ng kinauupuan ko. "Ahh...alam ko,duon ako nanggaling,pumunta lang ako dito para magpahinga sandali masyadong maingay eh." sagot nito sa akin. Ibinaba ko ang dalawang paa ko na nakapatung sa isa pang upuan na nasa harap ko at umupo ng tuwid. "aahhh ganun ba?" patanung kong sagot at tumingin ulit sa kanya."Kunin mo tong isang upuan kong gusto mo para makaupo ka." sabay usog ko ng kunti sa upuan pars mapalapit sa kanya."may mga tama na na kasi kaya mas umingay pa". "Salamat" sabi nito at umupo di kalayuan sa akin."Ikaw yong pinsan nina Nathan na nakita ko rin dito nakaraan nong kakauwi ko lang galing maynila diba?" baling jlit nito sa akin. "ahh... oo" sagot ko sa kanya habang ang mata ko ay nakatuon sa cellphone ko. "Hindi mo na siguro ako naalala,ako ng pala si Rheden,Ikaw i Riza diba?" Inesend ko ang minsahe ko ky J at tiningnan siya. "Rheden....ahh ok Rheden pala pangalan mo.Sorry nakalimutan ko,mukha mo lang naalala ko eh." nag peace sign pa ako sa kanya. Tumawa ito ng mahina. "Ok lang atlist naalala mo mukha ko". baling niya sa akin.Ngumiti na lamang ako sa kanya at tinuon muli ang atensyon sa cellphone ko na nag ring dahil sa tawag ni J. "Ahhh excuse me lang ah" paalam ko at tumayo na para masagot si J sa kabilang linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD