Chapter 3

1019 Words
Wala siyang choice. Huminga siya nang malalim at napilitang bumalik sa dining area para hanapin ang lalaking kanina lang ay tinanggihan niya. Nakita niya si Arkine na kampanteng nakaupo pa rin sa pwesto nito, tila inaasahan ang kanyang pagbabalik. "Uhm... excuse me Sir," panimula ni CJ. "Wala kasing available na charger sa shop. Pwede bang... hiramin ko muna 'yung sinasabi mong charger?" Hindi na nagtanong pa si Arkine. Agad siyang may tinawagan sa radyo. "Pakidala rito sa dining area 'yung Type-C charger mula sa opisina ko. Bilisan niyo." Pagkalipas ng ilang minuto, dumating ang staff at iniabot ang charger kay Arkine, na siya namang nag-abot nito kay CJ. "Here." “Is this a spare? Can I use it until next week? Sabi kasi ng staff niyo, by next week pa raw may stock,” wika ni CJ. “Yeah,” simpleng sagot nito, diretso ang boses. Saglit siyang natigilan. “Hanggang kailan ka ba rito?” tanong ni Arkine, casual pero may halong curiosity. Hindi agad sumagot si CJ; parang iniisip pa rin niya ang bigat ng mga araw niya. “Two weeks, siguro. Hindi ko pa alam,” maikling sagot niya. Tumango si Arkine. “Okay. No problem. You can use it as long as you need it.” "Thank you," ani CJ. Kinuha niya ang charger at agad na tumalikod para bumalik sa kanyang villa. Naiwang tulala si Arkine. " Hays Again? 'Yun na 'yun?" bulong niya. "Wala man lang 'I'm CJ' o 'Sino ka namang pogi ka?' Talagang charger lang ang habol sa akin." Parang gusto pa sanang magsalita ni Arkine—may kung anong tanong pa sa isip niya, o baka simpleng gustong magdagdag ng usapan—pero naunahan siya ng katahimikan ni CJ. Napatawa na lang si Arkine sa kanyang sarili habang pinapanood ang papalayong dalaga. Mukhang mas mahihirapan siya sa "project" na ito kaysa sa anumang building na itinayo niya. Pagbalik ni CJ sa kwarto, diretso siyang naglakad, hawak ang phone na halos lowbat na, at mabilis na isinaksak sa charger. “Finally…” mahina niyang bulong habang hinihintay mag-on ang screen. Ilang segundo pa, nag-boot ang phone niya. Doon lang niya napansin ang maliit na sticker sa charger. May nakasulat na: “Arkine” Napakunot ang noo niya. “Seriously?” sabay maliit na ngiti. “Arkine?” Tinitigan niya pa ito sandali. “Personal use niya 'to? Or spare lang talaga?” Umiling siya, hindi mahanapan ng lohika kung bakit kailangang may pangalan ang charger. “Ang weird…” mahina niyang sabi, pero may halong amusement. Inilapag niya ang phone at hinayaan itong mag-charge. Maya-maya pa, sunod-sunod na nag-vibrate ang device. Mommy Daddy Eman Sandaling natigilan si CJ. Unti-unting nawala ang konting gaan ng mukha niya. Huminga siya nang malalim. “Here we go again…” Binuksan niya ang mga mensahe. Habang isa-isa niyang nakikita ang notifications, bumalik ang bigat ng realidad—ang pamilyang nag-aalala at ang lalaking pilit niyang kinakalimutan. Napahawak siya sa phone at napabuntong-hininga. “Just one peaceful day…” pakiusap niya sa hangin. Sa labas ng kwarto, patuloy lang ang alon ng dagat—parang walang pakialam sa gulo ng puso niya. Hinintay ni CJ na mag-full charge ang phone habang nakaupo sa gilid ng kama. “C’mon…” bulong niya habang hinihimas ang sariling palad, kinakabahan sa dami ng mensaheng naghihintay. Nang mag-100% ang battery, sandali siyang tumitig sa screen. “Okay…” malalim siyang huminga. “Call na.” Dahan-dahan niyang pinindot ang pangalan ng kanyang Mommy. Ilang ring lang, agad itong sinagot. “CJ!” agad na boses ng kanyang ina, halatang nag-aalala. “Anak, bakit ngayon ka lang tumawag? Okay ka ba? Kumusta ka riyan?” Napapikit si CJ sa tono ng boses nito. “Opo, Mom… okay lang ako,” sagot niya, pilit pinapatatag ang boses. “Safe po ako. Nakarating naman ako nang maayos.” “Anak, mag-isa ka ba talaga riyan? Kumakain ka ba? Nakakapahinga ka ba?” sunod-sunod na tanong nito. Napangiti siya nang bahagya, kahit may kirot sa dibdib. “Opo… nagpapahinga po ako. Maganda rito, Mom. Tahimik.” Sa kabilang linya, maririnig ang mahinang buntong-hininga ng kanyang ina—parang hindi pa rin kampante. “Kung kailangan mo kami, pupunta kami ng daddy mo riyan,” mahinang sabi nito. Umiling si CJ kahit hindi siya nakikita. “Okay lang po, Mom… kaya ko po ‘to. Huwag po kayong mag-alala.” “Ang daddy po, nasaan?” tanong ni CJ. “Nasa office pa ang Daddy mo. May meeting pa siya ngayon,” sagot ng Mommy niya. Napabuntong-hininga si CJ, bahagyang gumaan ang pakiramdam niya pero may konting guilt pa rin. “Ah… okay po. Busy pa rin pala siya.” “Oo, anak,” dagdag ng Mommy niya, mas malambot na ang tono. “Pero nag-aalala rin siya sa’yo. Kanina pa niya ako tinatanong kung nakatawag ka na.” “Sabihin niyo po, okay lang ako rito. Safe ako,” sinserong sabi ni CJ. “Magpapahinga lang po ako.” “Good. Pero please, CJ… kumain ka nang maayos, ha? At huwag mong kimkimin lahat mag-isa.” “Okay po…” Pagkatapos ng ilang paalala, nagpaalam na rin ang kanyang Mommy. Nang maputol ang tawag, nanatiling tahimik si CJ sa loob ng kwarto. Ngunit hindi ganoon katahimik ang loob niya. Sa screen, nakita niya ulit ang pangalan ni Eman—paulit-ulit na mensahe, missed calls, at mahahabang paliwanag. Humigpit ang hawak niya sa phone. “Eman…” mahinang bulong niya, puno ng galit, sakit, at pagod. Napapikit siya, sinusubukang pigilan ang panginginig ng dibdib. “Hindi na ito tama…” Nag-hover ang daliri niya sa screen. Sandaling nagdalawang-isip, pero sa huli, mariin siyang bumuntong-hininga. “Blocked.” Sa isang tap lang, naputol ang linya. Walang ingay. Walang bagong message. Parang may bigat na biglang nabitawan mula sa dibdib niya—masakit, pero kinakailangan. Humiga siya pabalik sa kama at tumingin sa kisame. “Finally…” Sa unang pagkakataon mula nang dumating siya sa isla, hindi na si Eman ang nasa isip niya. Kundi ang katahimikang unti-unti niyang tinatanggap bilang simula ng bago niyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD