Arkine’s POV:
Marami na akong nakitang magagandang babae na nagbabakasyon dito sa resort. Kadalasan, pagbaba pa lang ng shuttle, nakasuot na sila ng malalaking hat, may hawak na cocktail, at handang-handa para sa kanilang mga social media photos.
Pero siya? Iba siya.
Mula pa sa loob ng eroplano, hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya. Nakaupo siya sa tabi ko pero parang libu-libong kilometro ang layo ng isip niya. Nakita ko ang bahagyang panginginig ng mga balikat niya—hindi dahil sa lamig ng AC, kundi dahil sa bigat ng nararamdaman niya.
Gusto ko sana siyang kausapin, alukin ng tubig, o kahit man lang tanungin kung okay lang siya, pero may pader siyang nakapaligid sa sarili niya. Isang pader na kahit ako, na isang Engineer, ay hindi alam kung saan magsisimula ng tumpakin.
‘Ciara Joyce Romero.’
Binasa ko ulit ang pangalan niya sa logbook. Pero bakit parang mas gusto niyang maglaho na lang?
Nang dumating kami sa reception, ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin kahit halos magkadikit na ang mga balikat namin.
Sanay ako na binabati ng mga tao rito sa amin, pero sa kanya, para lang akong hangin. Hindi ko alam kung dapat ba akong ma-offend o mas lalong humanga. Mas pinili ko ang huli.
Ang ganda niya—yung gandang hindi kailangan ng kahit anong kolorete. Yung gandang kahit puno ng lungkot ang mga mata, nakakabighani pa rin.
"Sir, okay na po ba yung lunch menu para sa Villa 8?" untag sa akin ni Rico, ang head chef namin.
"Yes. Light lang dapat. At siguraduhin niyo na walang abala. Gusto niya ng katahimikan," sagot ko habang nakatingin sa monitor ng CCTV na nakatutok sa pathway ng mga villas.
Nakita ko ang staff na naghatid sa kanya, pabalik na ito nang mag-isa. Ibig sabihin, nakakulong na siya sa loob.
Sumandal ako sa swivel chair ko at napabuntong-hininga. Dalawang linggo siya rito. Dalawang linggo kong iisipin kung bakit ang isang babaeng katulad niya ay kailangang mag-isa sa isang romantic resort na tulad nito.
Hindi ako mahilig makialam sa buhay ng mga guest, pero kay CJ, parang may kung anong pwersa na nagtutulak sa akin na kilalanin siya. Hindi bilang may-ari ng resort, kundi bilang lalaking gustong makakita ng kahit isang maliit na ngiti sa mga labi niya.
Tumayo ako at kinuha ang jacket ko. Hindi ako mapakali sa opisina. Naglalakad-lakad muna ako sa tabing dagat—malapit sa Villa 8. Baka sakaling lumabas siya.
Baka sakaling sa ilalim ng mga bituin, mapansin na niya na may Arkine na handang makinig sa anumang kwentong pilit niyang tinatakasan.
KINABUKASAN: (Arkine POV)
Kanina pa pabalik-balik dito sa buffet area. Alas-otso pa lang, tinitingnan ko na ang logbook kung nag-almusal na ba ang nasa Villa 8, pero sabi ng staff, hindi pa raw ito lumalabas.
Halos mawalan na ako ng pag-asa na makita siya ngayong umaga hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang isang babaeng nakaputi na naglalakad patungo sa buffet.Si CJ.
10:00 AM na, at sa paraan ng pagkilos niya, halatang wala siyang pakialam kung anong oras na o kung sino ang nakatingin.
Kumuha siya ng pagkain—heavy meal, marahil ay hindi nakakain ng hapunan kagabi sa sobrang pagod o iyak. Dire-diretso siya sa table na malapit sa deck, ‘yung may pinakamagandang view ng dagat.
Nakaupo siya roon, tahimik, at nagsimulang kumain habang nakatingala paminsan-minsan sa abot-tanaw.
Dali-dali akong lumapit sa kapehan. "Espresso, black," utos ko sa barista, kahit na ang totoo ay hindi ko na kailangan ng caffeine dahil sapat na ang presensya niya para magising ang dugo ko.
Sa halip na pumunta sa Management Table kung saan ako madalas maupo, pinili ko ang table na dalawang dipa lang ang layo sa kanya. Hindi masyadong malapit para hindi siya mailang, pero sapat na para marinig ko kahit ang paghinga niya.
Binuklat ko ang dala kong dyaryo. Itinago ko ang mukha ko sa likod ng mga pahina ng Business Section, pero ang totoo, wala akong nababasa. Ni isang headline, hindi pumasok sa utak ko.
Mula sa siwang ng dyaryo, tinitingnan ko siya. Doon ko mas napansin ang mga mata niya—may bahagyang namumugto pa rin.
Napansin kong tumigil siya sa pagsubo at tumingin sa malayo. Ang lalim ng iniisip niya. Gusto ko siyang lapitan, magpakilala, at sabihing,
"Ako ang engineer na nagtayo ng resort na 'to, baka gusto mong itayo natin ulit 'yung mundo mo?" bulong ko sa sarili ko. Pero alam kong hindi pa ito ang tamang oras.
Sa ngayon, sapat na munang maging "estatwa" ako rito sa tabi niya, nagbabasa ng dyaryo na baliktad na pala ang pagkakahawak ko dahil sa sobrang pagtitig sa kanya.
Ang Eksena mula sa Paningin ni CJ
Habang kumakain, nararamdaman ni CJ ang presensya ng isang lalaki sa malapit na table. Pero dahil sa bigat ng kanyang loob, binalewala niya ito.
Para sa kanya, isa lang itong turistang nagpapalipas ng oras. Hindi niya alam na ang lalaking "nagbabasa" ng diyaryo ay ang parehong lalaking hindi niya pinansin sa eroplano, at ang parehong lalaking nagpuyat kagabi dahil lang sa pag-aalala sa kanya.
Pagkatapos kumain, walang sabi-sabing tumayo si CJ. Gaya ng inaasahan ni Arkine, nilagpasan lang siya ng dalaga na parang walang tao roon. Hindi man lang ito sumulyap sa kanya.
"Okay,Tapos na siyang kumain. Back to work Arkine" bulong ni Arkine sa sarili habang sinusundan ng tingin ang papalayong CJ.
Buntong-hininga na tinupi ni Arkine ang dyaryo. Akma na rin siyang tatayo para bumalik sa trabaho nang biglang mapansin niyang pabalik si CJ. May dala itong isang basong tubig.
Mabilis pa sa alas-kwatro na muling naupo si Arkine. Binuklat niya ulit ang dyaryo sa harap ng mukha niya at mabilis na nag-de-kwatro para magmukhang relax.
Tahimik na naupo muli si CJ sa dati nitong pwesto. Gaya kanina, hindi nito binigyan ng kahit isang sulyap ang lalaking katabi. Ininom ni CJ ang tubig habang nakatingin muli sa malayo, tila malalim ang iniisip.
Napangiti nang palihim si Arkine sa likod ng dyaryo. "Hindi pa pala siya tapos," wika niya sa kanyang isip.
Pasimple siyang sumulyap sa dalaga. Kahit gaano kalungkot ang aura ni CJ, hindi maitatago ang ningning nito sa ilalim ng sikat ng araw. Mukhang mas mahaba pa ang oras na itatagal ni Arkine sa buffet area kaysa sa inaasahan niya—at hinding-hindi niya iindahin ang pagka-ngalay ng braso sa paghawak ng dyaryo, basta’t malapit lang siya rito.
Habang nakaupo, napansin ni CJ ang isang dumaang staff. Agad niya itong tinawag.
"Excuse me, may mabibilhan ba ng charger ng phone dito?" tanong ni CJ.
"Nako, pasensya na po, bago lang po ako dito Ma’am. Hindi ko po alam kung saan meron... try niyo po sa reception magtanong," magalang na sagot ng staff.
Bago pa man makasagot ulit si CJ, narinig niya ang boses ng lalaking katabi niya ng table.
"Hi Ms., anong klaseng charger ba ang need mo?" tanong ni Arkine. Ibinaba na niya ang diyaryo at diretsong tumingin kay CJ.
Saglit na napatigil si CJ. Hindi niya agad sinagot ang lalaki dahil hindi naman niya ito kilala. Sa dami ng iniisip niya, hindi na rin niya namukhaan na ito ang lalaking katabi niya sa eroplano at kasabay sa shuttle kahapon. Para sa kanya, isa lang itong estranghero.
"Ah,Type-C sana. May nabibili ba dito Sir?" pormal na tanong ni CJ.
"Yeah, meron sa main office or sa mini shop," tugon ni Arkine habang nakangiti nang tipid.
Napatingin si CJ nang mabuti kay Arkine. Sa paraan ng pagsasalita nito at sa kumpyansa sa sarili, napagtanto ni CJ na hindi lang ito basta guest sa resort.
"Ah, okay... mamaya na lang siguro," wika ni CJ, akmang tatayo na sana.
"If you need it now, I can ask somebody to get it in my office," alok ni Arkine. Gusto niya talagang matulungan ang dalaga para humaba pa ang usapan nila.
"Ah, bibili na lang ako," matigas na sagot ni CJ. Ayaw niyang tumanggap ng pabor sa taong hindi niya kilala. "By the way, where’s the mini shop here?"
Bahagyang natawa si Arkine sa isip niya. Matigas ang loob ni CJ, pero mas lalo siyang nahuhumaling.
"Doon lang 'yun sa dulo ng walkway, katabi ng spa area. Gusto mo hatid na kita?"
"No, thank you," mabilis na sagot ni CJ. Agad siyang tumayo at naglakad paalis nang hindi man lang nililingon ang lalaki.
Napailing na lang si Arkine habang nakatingin sa papalayong dalaga.
"Wow, No agad," bulong niya sa sarili. Ngunit imbes na mainis, isang pilyong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.
May naisip siyang paraan para muling makausap ang dalaga.
Kinuha ni Arkine ang kanyang phone at tinawagan ang staff sa mini shop.
"Hello? Kapag may dumating na guest at naghanap ng Type-C charger, sabihin niyo wala. Sabihin niyo, next next week pa magkakaroon ng stock. Maliwanag?"
"Noted po, Sir Arkine," sagot ng staff sa kabilang linya.
Pagdating ni CJ sa mini-shop, halos manghina siya nang sabihin ng tindera na out of stock sila.
"Next next week pa po ang dating.