Kinabukasan, maagang nabulabog ang tulog ni Arkine ng sarili niyang excitement. Gusto niyang maunahan si CJ sa paborito nitong spot para masiguradong may mauupuan ang dalaga—at siyempre, para makasama ito uli. Alas-otso pa lang, nandoon na siya. Palingon-lingon sa pathway, bawat anino na gumagalaw ay inaakala niyang ang doktora. Pero lumipas ang alas-nuebe, wala pa ring CJ. Sumapit ang alas-nuebe media, bigo pa rin siya. "Hays... nagugutom na ako," bulong ni Arkine sa sarili habang hinihimas ang tiyan. Hindi na niya nahintay ang dalaga at nag-order na siya ng sarili niyang almusal. Alas-diyes na at halos tapos na siyang kumain, wala pa ring paramdam ang "patient" niya kagabi. Akma na sana siyang tatayo para umalis nang biglang mahagip ng mata niya ang isang pamilyar na pigura. Parati

