Nagpatuloy ang byahe nila sa sementadong daan na napaliligiran ng matatayog na puno. Paminsan-minsan ay may nadadaanan silang mga lokal na kumakaway kay Arkine, na agad namang tinutugon ng lalaki ng isang busina at malawak na ngiti. "Sikat ka pala rito," puna ni CJ habang pinagmamasdan ang pakikipag-ugnayan ni Arkine sa mga tao. "Maliit lang ang bayan namin, CJ. Halos lahat dito magkakakilala. At ang mga tao rito, simple lang ang buhay—kung ano ang meron, sapat na," sagot ni Arkine. Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy, "Ikaw? Sa Manila, siguro puro matatayog na building at traffic ang view mo araw-araw." "Traffic, usok, at mga pasyenteng nagmamadali," sagot ni CJ. "Minsan nakakalunod din." "Kaya pala ang hilig mo sa whiskey," biro ni Arkine, pero agad din siyang seryosong tumingin

