"Drinks water all the time... Huwag ka nang iinom sa gabi. Matulog ka ng 8 hours a day, mag-vitamins ka din... at huwag mo pagurin masyado sarili mo," seryosong wika ni CJ. Ang kaniyang boses ay patag, propesyonal, ngunit may nakatagong pait habang patuloy siya sa pagkain ng hindi tumitingin kay Arkine. Napatigil naman sa pagkain si Arkine. Marahan niyang ibinaba ang kaniyang kubyertos, nag-angat ng mukha, at tinitigan si CJ na hanggang ngayon ay nakatuon pa rin ang paningin sa kaniyang plato. Hindi man sabihin ng dalaga, alam at ramdam ng bilyonaryong engineer kung bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin. Alam niyang biglang nalungkot ang doktora sa pagkakaalalang isang linggong mahigit na lang ang natitira sa kaniyang bakasyon sa resort—na ang bawat segundong dumaraan ay tila isang co

