"Walang lang 'yun... at huwag ka ring masanay," hirit ni CJ, bagaman may kasamang matamis na ngiti na tila sumasalungat sa lamig ng kanyang boses. Agad na napawi ang ngiti ni Arkine. "Okay," maikling sagot niya. Biglang nagbago ang timpla ng kanyang mukha; mula sa pilyong resort owner, tila naging isang batang nawalan ng laruan. Ang lungkot sa kanyang mga mata ay hindi nakaligtas kay CJ. Ibinaling ni Arkine ang tingin sa dagat, tila nag-iisip nang malalim. "Kailan ba ang alis mo... kung sakali?" "Hmm... hindi ko pa alam," sagot ni CJ, habang pinaglalaruan ang kutsara sa kanyang plato. "One-month ang hiningi kong bakasyon sa Hospital, pero two weeks lang ang naka-book ko rito sa resort niyo." Biglang lumingon si Arkine sa kanya, ang lungkot ay napalitan ng determinasyon. "Extend, please,

