"Bakit naman siya naging masaya?" tanong ni CJ. Ngunit bago pa man makasagot ang lalaki, biglang nakaramdam ang dalaga ng kakaibang kaba nang unti-unting magbalik sa kanyang isip ang mga nangyari kagabi. Nanlaki ang kanyang mga mata habang mabilis na kinakapa ang sariling katawan. "Arkine..." wika pa niya, bahagyang nanginginig ang boses. "Wala akong dalang bag." Kinapa niya ang sariling bulsa. "Diba may utang tayo dito? Wala akong dalang pera..." Sabay lingon sa paligid si CJ. Sa bawat sulok ng bar ay tila naririnig niya ang sarili niyang pag-iingay kagabi. Sa labis na hiyang nararamdaman, agad siyang napahawak nang mahigpit sa braso ni Arkine upang magtago. Nangiti naman si Arkine sa reaksyon ng dalaga at agad itong inakbayan upang pakalmahin bago lumingon sa paligid. "Mukhang hindi

