Chapter39

1448 Words

Matapos mailagak ni Arkine ang kanyang baso ng whiskey, iniabot naman ni CJ ang kanyang baso ng tubig na puno pa ng yelo. Isang alok para pawiin ang hapdi ng alak sa lalamunan ng binata. "Water," nakangiting alok ni CJ. Hindi na nag-atubili si Arkine. Sa halip na kumuha ng sariling baso, kinuha niya ang basong hawak ni CJ at doon mismo uminom. Isang "indirect kiss" na tila hindi na nila binibigyang-pansin dahil sa sobrang pagiging komportable sa isa't isa. Ninamnam ni Arkine ang lamig ng tubig, habang si CJ naman ay nakatitig lang sa kanya, bakas ang munting ngiti sa mga labi. "Salamat, Wifey," wika ni Arkine pagkababa ng baso. "Epektibo ngang pawi ng anghang." "Shared na tayo sa lahat, pati sa baso?" biro ni CJ, bagama't ramdam niya ang bahagyang pagbilis ng t***k ng kanyang puso.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD