"Okay... Paano 'yung resort kung aalis ka rin dito?" may halong pang-uusig at sarkasmo na tanong ni JM kay Arkine. Ngumiti ang doktor nang bahagya, tila ba nakuha na niya ang perpektong alas para ipamukha kay Arkine ang kaniyang mga limitasyon bilang isang empleyado. "Hindi ba't maiiwan ang trabaho mo rito kung basta-basta ka na lang sasama sa Maynila? Mahirap iwanan ang kabuhayan, Mr. Del Rosario." Naramdaman ni CJ ang muling pag-igting ng sitwasyon. Tumingin siya kay Arkine, nag-aalala na baka maipit ang engineer sa kaniyang tungkulin dahil sa binitawan nitong pangako sa kaniya. Subalit, nanatiling kalmado si Arkine. Ibinaba niya nang dahan-dahan ang kaniyang baso at hinarap si JM na may kasamang tila naaliw na ngiti. Ang kaniyang buong presensya ay hindi nagpakita ng kahit anong bahid

